MRML 52: ODDS OF CHEATING

1K 55 7
                                    

Ella's P.OV

1 week nalang Wedding day ko na! Nasa airport kami ngayon kasama ko sina Gabb at Ate Sela kasi susunduin namin ang parents ni Gabb at si Chelsea. 

" Mama! Papa! Bunso!." Sambit  ni  Gabb at niyakap niya ang mga ito. 

" mga anak ko." Sambit ni TIta Kat at niyakap sina Ate Sela at Gabb

" Ate Ella!." Sambit ni Chelsea at  niyakap ako kaya niyakap ko siya pabalik

" I'm so excited for the wedding Gabb and Ella." Sambit ni Tito Dan

" Naku Papa, mas lalo naman kami." Sambit ni Gabb habang inaakbayan ako.

" Nak Sela, asan pala si Abby?." Sambit ni TIta Kat

" Andun pa sa Paris Mama, inaayos na niya lahat para sa permanent naming paglipat dito sa Philippines." Sambit ni Ate Sela

" So Gabb, kelan tayo mamanhikan sa kanila ni Ella?." Sambit ni Tito Dan

" Uhm kasi tito, 10 taon na pong hindi nagpakita ang nanay ko. si Ate Lei nandito na po siya sa Manila." Sambit ko, wala na si Shayne, nagkasakit si Shayne 7 years ago at tuluyan nang mawala. 

" Oh We're sorry to hear that sweetie. come here let me give you a hug." Sambit ni Tita Kat at niyakap ako

" Salamat po Tita." Sambit ko at yumakap din pabalik

" Ella, Iha, tutal ikakasal na naman kayo nitong si Gabb, Start calling us Papa and Mama." Sambit ni Tito Dan este Papa pala

" Awwee, sige po Papa at Mama." Sambit ko

" Gabrielle, kanina ka pa diyan sa phone mo. ano ba yan anak?." Sambit ni Mama Kat

" Ahh so-sorry po, may finofollow up lang ako tungkol sa pasyente ko." Sambit ni Gabb saka binulsa phone niya

" Oh I see anak. I heard how brilliant a Doctor you are, you never fail to make us proud anak." Sambit ni Papa Dan

" Thanks Papa, kayo po ni Mama, Chelsea at Ate Sela ang inspiration ko." Sambit ni Gabb, sa totoo lang parang na hurt ako dun, di pala ako kasali, pero di bale na baka nakalimutan niya lang

Nasa Mansion na kami, andito rin ang ibang friends namin. maliban kay Belle at Ecka, kasi nasa hospital si Belle kakapanganak lang niya kay Baby Ecelle ang second baby nila ni Ecka.

" Mommy Ninang! Daddy Ninong!." Sambit ni Coco sabay yakap sa kay Mama Kat at Papa Dan

" Awwee, Coco we're so happy to see you nak." Sambit ni Mama Kat

" Ate Coco, ang cute mo pa rin Ate Coco." Sambit ni Chelsea 

" Awwee, mana ka sa akin Baby Bunso." Sambit ni Coco at niyakap rin si Chelsea. 

Sinalubong din sila ng iba at nagsalo salo kami sa pagkain, habang ito si Gabb ayon nakatutok pa rin sa phone niya, ayokong maghinala pero iba kutob ko. 

Nakauwi na kami sa Condo ngayon, natapos nalang ako maligo Si Gabb sa cellphone pa rin nakatutok. 

" Hindi ka maliligo?." Sambit ko habang nagpapatuyo ng buhok

" Mamaya na." Sambit niya na di pa rin inaalis ang mata sa phone

" Hanggang sa oras na ito, naka follow up ka pa rin sa patient mo?." Sambit ko

" I really have to go, May Emergency daw. Sorry Akin. Call of duty." Sambit niya sabay hinalikan ang noo ko

No choice ako kundi ang matulog mag-isa sa gabing ito, wala eh, Call of Duty daw. 

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now