MRML 70: THE FINALE (PART 2)

2.6K 136 54
                                    

Dana's P.O.V

Nandito kami ngayong magbabarkada sa dalampasigan na kaharap ng School namin. 

Flashback

Pagkatapos ng graduation namin ay agad kaming nagtungo dito sa dalampasigan na kaharap ng School namin. 

" YES! Graduate na tayo!." Sambit ni Ecka

" Congratulations sa ating lahat." Sambit ni Ate Alice

" Proud na proud ako sa inyo guys, Welcome to the real world na kayo." Sambit ni Ate Sela

" Lalo na itong si Gabo at Ella, akalain niyong parehas ng general average. grabe pahiram ng brain." Sambit ni Brei

" Sus, Guys, hindi rin naman kami magiging successful kung wala kayo, palagi kayong nandyan para sa amin, kahit sa akin na kakakilala niyo lang, di niyo pinabayaan kaya Maraming Salamat sa inyong lahat." Sambit ni Ella na mangiyak -ngiyak

" Tama si Akin, simula't simula never kayong bumitaw sa akin, sa amin. kaya itong na achieve namin ngayon ay achievement nating lahat." Sambit ni Gabb

" Ako rin guys, sa kabila ng kasamaan na pinakita ko sa inyo, never niyo ako iniwan at tinanggap niyo pa rin ako." Sambit ni Coco

" Ganyan ang magbabarkada, hindi nag-iiwanan." Sambit ni Ate Sheki sabay akbay kay Coco

" Guys, babalik tayo dito ha? siguro mga 20 to 40 years after. Tapos itong mga IDs  natin, susunugin natin toh,  at isasama  natin ito sa buhangin, itong IDs natin ang  maiiwan dito, to remind us that this is where we all started reaching our dreams, and where we belong." Sambit ni Gabb

" Once an MNL Scholastician, Will always be an MNL Scholastician!." Sambit ni Ecka

" ALWAYS!." Sambit naming lahat

(End of P.O.V)

" Handa na kayong lahat?." Sambit ni Gabb at inangat na ang ID niya para ihulog sa bon fire

" Ready na!." Sambit namin 

At hinulog na nga namin ang IDs namin. 

" The bad memories and happenings before are burned by the fire, and the ashes are kept here joining the sand,  so wherever we may be, we will leave a mark to the place where everything started." Sambit ni Gabb

" Once an MNL Scholastician, Will always be an MNL Scholastician!." Sigaw ni Ate Sela

" ALWAYS!." Sambit namin

Nag group hug kami lahat at di mapigilang maging emosyonal, dahil siyempre ang layo layo na ng narating naming lahat, pero ganito pa rin katatag ang samahan at naipasa pa namin sa aming mga anak. 

Magkasama kami ngayon nina Ecka at Gabb, habang naghahanda ng pagkain ang Iba. 

" Grabe naalala niyo nung una tayong tumakas sa klase nun, tas naligo tayo dito?." Sambit ni Ecka

" Ayy Oo hahahaha tas itong si Gabo, di pala marunong lumangoy." Sambit ko

" Ayan tuloy na sermonan tayo hahaha, pero alam niyo dun ko napagtantong magiging true bestfriends ko kayo." Sambit ni Gabb

" Bakit naman?." Sambit ko

" Dahil ako naman talaga nagplano nun pero inako niyo kasalanan ko. at di niyo ako binitawan nun kahit hirap na hirap na kayong e ahon ako. Dahil dun nasabi ko sa sarili kong, Habang buhay maaasahan ko talaga kayo, at totoo nga, simula noon hanggang ngayon di niyo ako iniwan Sibug at Brual." Sambit ni Gabb

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now