MRML 51: GIA??!!

1.1K 54 48
                                    

Ella's P.O.V

Birthday ngayon ni Gia, kaya nagpaalam ako kay Gabb na kung pwede bisitahin ko si Gia, andun pa rin siya sa Batangas ngayon, pero bukas uuwi na siya. kaya ginamit ko Car namin at pinuntahan ko si Gia, may dala akong flowers at cake. 

Habang palapit ako sa puntod niya, ay halos di ako makagalaw, nanayo ang balahibo ko kasi may nakatayo sa puntod niya, nakaputi ito at parang si Ba. naku po ba naman eh. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, nakatalikod siya. 

" Si-sino ka?." Sambit ko, halos himatayin ako nang tumingin siya si Akin

" Gi-Gia? Ba?." Nanginginig ako legit, ngumiti siya sa akin

" You must be Gia's Friend. Hi I'm Guin! Gia's twinsister." Sambit niya at nag extend ng kamay niya. Grabe hawig na hawig niya si Ba, para ko na ring kausap si Ba sa kanya. 

" Hello, Ako si Ella." Sambit ko at nakipaghandshake sa kanya

" Oh! so Ikaw si Ba?." Sambit niya

" Ayy Opo, tawagan namin yun." Sambit ko

" Okay Ba hahahha, ang unique ha?." Sambit niya, Gia na gia talaga si Guin. 

" Uhm, naparito ako para dalhan si Ba nitong Flowers at Cake kasi birthday niya ngayon." Sambit ko, natawa naman siya. 

" Birthday ko rin Ba, wala bang sa akin?." Tawang tawa niyang sambit

" Ayy oo nga pala kambal nga pala kayo." Sambit ko

" Alam mo tama si Gigi, ang ganda mo nga. nakakatomboy ganda mo Ba." Sambit niya

" Hala, naku po. maganda ka rin po, nakikita ko talaga si Ba sayo." Sambit ko

" Why not? You can call me Ba too." Sambit niya

" Ella-..." nabitawan nina Dana, Jem, Ecka, Brei at Coco ang mga bitbit nila nang makita nila si Guin. 

" AHHHHHHHHHHHHHH!!!!! ." Sabay din silang nagsigawan. napayakap si Dana kay Jem. Si Ecka kay Brei kaya si Coco dali daling  pumunta sa akin at yumakap, hahahaha i feel you guys. 

" Gi-Gia?" Sambit ni Dana, tinawanan naman sila ni Guin, grabe si Gia talaga siya eh. 

" Hi Guys, Miss me?." Loko toh ah, mas lalo lang natakot sila eh. 

" Gi-Gia Ha-Happy Birthday!." Sambit ni Ecka na ang putla na

" Wag kayong matakot hahaha, hindi yan si Ba, si Guin yan, kakambal ni Gia." Sambit ko

" Weh?." Sambit ni Brei

" Yes Guys, nice to meet you, I'm Guin Muse, kakambal ni Gia Muse." Sambit niya at nagsmile

" My Gosh! Muntik na akong magka heart attack sayo. Kamukhang kamukha mo si Gia eh." Sambit ni Coco

" Babi, kambal nga sila diba?." Sambit ni Brei na ngayon ay nakabackhug kay Coco

" Para na rin naming kasama si Gia dahil sayo Guin. Salamat kasi nakilala ka namin." Sambit ni Dana

" Oo nga Guin, sobra naming namiss si Gia eh." Sambit ni Jem

" I know guys, nakukwento kayo ni Gia sa akin, lalo na ito si Ba." Sambit niya sabay tingin sa akin

" Masaya akong makilala ko kayong lahat, salamat kasi kinaibigan niyo ang kakambal ko." Sambit niya ulit

Bigla nag-ring ang phone ko, tumatawag si Gabb through Video Call. 

" Wait lang guys, tumatawag si Gabb." Sambit ko

" Ay wait Ella." Sambit ni Ecka sabay bigay kay Guin ng phone ko

" Pwede ikaw sumagot Guin? Hahaha dapat maramdaman din ni Gabo yung naramdaman natin hahaha." Sambit ni Ecka, baliw talaga tung si Ecka

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now