MRML 30: SUFFER

1K 51 7
                                    

Ella's P.O.V

Nag-aaral ako ngayon kasi Exam na namin, Kailangan ko itong ipasa para manatili pa yung sholarship ko dito. Napansin kong bumukas ang pinto baka si Akin na toh. at di nga ako nagkamali siya nga. tumayo ako para salubungin siya. 

" Akin, ginabi ka yata, hindi ka ba mag-aaral para sa exam bukas." Sambit ko

" Kasama ko lang sina Ecka, may pagkain ba? nagugutom ako." Sambit niya

" Hala akala ako kumain ka na. kaya sakto lang sa akin niluto ko." Sambit ko

" Gutom na gutom ako Ella, so ano? matutulog nalang akong gutom?." Sambit niya na nakakunot noo. 

" Ayy hi-hindi Akin, stay put ka lang diyan, ipagluluto at ipaghahanda kita." 

Agad agad akong nagsaing sa rice cooker, at nagluto ng sinigang since favorite niya yun. nang matapos ako ay pinaghain ko na siya. 

" Lika na Akin, kain ka na." Sambit ko, agad naman siyang lumapit at umupo. nilagyan ko ng kanin at ulam ang plate niya.

" Kain na Akin." Sambit ko, sabay upo sa katapat niyang upuan, nagsimula na syang kumain.

" ANO BA NAMAN TOH ELLA? SINIGANG BA TOH? O KARNENG PINALUTANG SA TUBIG?!! WALANG KALASA LASA!." Sambit niya matapos tumayo at galit na galit

" So-sorry Akin, ipagluluto nalang kita ng Iba." Sambit ko, ang alam ko sakto naman yung timpla ko eh.

" PARA ANO? PARA SA SUSUNOD MALASON NA AKO? WAG NA! PINAPUNTA KO NA DITO SI ECKA PARA HATDAN AKONG PAGKAIN!." Sambit niya sabay On ng TV at naghahanap ng panonoorin. 

Naiyak ako kasi alam ko namang sakto lang talaga yung lasa eh, Ibang iba na talaga si Gabb. 1 buwan na akong nagtitiis, pero di bale, ganyan talaga eh, pag mahal na mahal mo, titiisin mo lahat para sa kanya. 

Time check 11:55 pm, at wala pa ako sa kalahati ng napag-aralan ko. Andami kasing utos ni Gabb eh. pero di bale kaya ko toh. 

" Ella?." Sambit niya kaya tumayo ako ulit, haaay pano ako makakapag-aral nito

" Yes Akin?." Sambit ko

" Masakit ang katawan ko, pwede mo ba akong e massage?." Sambit niya

" Ah ano kasi Akin, kailangan ko mag-aral eh, pwedeng bukas nalang, promise bukas mamasahehin kita." Sambit ko

" EH ANG SAKIT NGA NG KATAWAN KO NGAYON! KUNG AYAW MO EH DI WAG, WALA KA TALAGANG MALASAKIT SA AKIN!." Sambit niya sabay higa

Napabuntong hininga ako at kinuha ang liniment tsaka lumapit sa kanya.

" Wag na magalit Akin, heto na oh, mamassage na kita." Sambit ko

" Wag kang titigil hangga't di ako nakakatulog." Sambit niya

" O-Opo Akin." Sambit ko at nagsimula na ako

mag aala-una na gising pa rin siya, pano na toh? pano ako makakapag-aral? 

" ARAY! ANO BA?! SINASADYA MO NOH?!." Sambit niya na galit na galit

" Hi-Hindi akin, sorry, sorry talaga." Sambit ko

Minamasahe ko pa rin siya, hanggang sa 2 am ay tuluyan na siyang nakatulog. kaya huminto na ako at bumalik sa pinag-aralan ko. inaantok na talaga ako pero kailangan kong mag-aral eh. 

Gabb's P.O.V

" 8:30 na wala pa rin si Ella, asan sya Gabb." Sambit ni Jem

" Malay ko, maaga ako umalis kasi may inasikaso pa ako eh." Sambit ko, Sige lang wag na wag kang sumipot hanggang 9  Ella para goodbye scholastica ka na. 

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now