MLMR 3: 1 week Cease fire.

1.7K 61 7
                                    


" YOU'RE RUINING MY DAY!!! GET THE HELL OUT!!! GET OUT!!! " 

Gabb's P.O.V 

There she goes again, nagwawala na naman toh. Well ganito talaga sya pag di nasusunod ang gusto nya. 

"Hey! What's the matter?" I approached her and back hugged her.  Tiningnan niya ako na nakapout. 

" I hate it! Di tayo room mates. Dapat room mates tayo eh. Pero Hindi na daw pwedeng palitan. kainis." sumiksik sya ng yakap sa akin at halos mangiyak ngiyak na. 

" Relax Baby Girl, nasa iisang school pa rin naman tayo, magkikita pa rin tayo." I hugged her back at hinahaplos ko likod niya. Tiningnan nya ako ulit but this time masamang tingin na,

" Ako lang baby girl mo ha? Of course andyan din naman si Chelsea but yeah kami lang dapat baby girls mo. " I gave her an assuring smile at hinawakan ko pisngi niya. 

" Oo naman, You always be my Baby Coco. mas bata ka pa nga mag-isip kay Chelsea eh." Pang-aasar ko sa kanya. 

" Eeeee Baliw! Basta Baby ako, Baby mo ako." Sambit niya habang naniningkit yung mata nya. 

" Oo na nga, Walang sinuman man ang makakapalit ng pagiging Baby mo sa buhay ko, you've been my bestfriend since we we're 4 years old. and we will always be. " 

Coleen's P.O.V 

Yeah right Gabb, Bestfriend! BESTFRIEND! Goodness Skribikin, ganyan ka ba ka manhid ha? Can't you feel it na mahal kita? Ah Basta, I still believe na gusto mo rin ako, nahihiya ka lang siguro. Oh well I'm willing to wait naman eh, I know nagfofocus ka pa ngayon para sa pagiging excellent student mo dito lalo na ngayon that there is this newbie na susubok na makipag-agawan sayo, Hahaha ang lakas ng loob, Di nya pa kasi kilala ang binabangga nya eh. Wag lang syang mangahas na talunin si Gabb ko dahil ako mismo makakalaban niya. 

" Coco Crunch? Okay ka lang? " Lumingon ako at tiningnan sya ng masama, kahit kelan talaga Gabo ang bully mo. 

" Coco Crunch mo mukha mo. Lumabas ka na nga at magpapahinga na ako." Tinulak tulak ko sya. 

" Aww ang cute talaga ng baby ko." Natigilan ako when he grabbed my face and pecked me on the lips. Oo natural lang sa amin yun, wala ng malice sa kanya ang hinahalikan niya ako sa lips, but to me it's different, Kinikilig ako syempre mahal ko eh. 

" Matulog ka na nga, mapapalaban ka pa bukas sa babaeng yun. sige na good night na." Tinulak ko siya palabas at ni lock ang pinto I just can't help not to smile, Haaaay ano bang ginawa mo sa akin Gabrielle at sobrang patay na patay ako sayo. 

Gabb's P.O.V

Nasa room na ako ngayon, unlike Coco na walang room mate, hindi ako nakahindi sa kagustuhan ng Head na magkaroon ako ng room mate. Syempre I'm aiming to own the excellence award pag graduate ko kaya, bawal muna reklamo reklamo. I'm currently arranging my things when someone knocked on the door, could it be my room mate? sana Chix toh ng di naman maging boring tung isang taon ko dito sa room na ito. I opened the door to find out, at para akong binagsakan ng langit ng makita ko kung sino ang room mate ko. 

" IKAW??!! " sabay pa naming nasabi sa isa't isa, malas ko naman binubuntutan yata ako ng malas. of all the people eto pa? 

" Are you sure dito ang room mo? " Pagtatanong ko habang nakakunot ang noo akong nakatingin sa kanya. 

" Diamond 48-U ito ang nakasulat sa room number ko." Shit siya na nga room mate ko, kamalas malas talaga! 

" Ako sa left side ng kama, and don't you dare touch my things kundi malilintikan ka sa akin." Pagbabanta ko sa kanya. 

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now