MRML 5: PRETENDING

1.6K 65 0
                                    

Ella's P.O.V 

Nandito ako ngayon sa garden nakaupo, may inaasikaso pa kasi si Gabb dun kaya tumambay muna ako dito. 

" Finally Ella girl." Napatingin ako sa pamilyar na boses na yun at napangiti ako andito ang mga bago kong kaibigan sina Jem, Dana, Gia, Rans, Sheki at Brei. 

" Uy! kumusta kayo? pasensya na ha? andami ko pa kasing kailangan alamin dito sa school eh." sambit ko

" Alamin sa School, oh busy ka sa pakikipagdate kay Bebe Gabo." Nanlaki ang mata sa sinabi ni Sheki, date? anong date? 

" Oo nga Ella is it true? you're dating  Gabb Skribikin? nakita daw kayo ni Sheki na magka holding hands habang naglalakad." 

Sasabat na sana ako ng biglang may sumabat na napaka pamilyar  na boses

" Yes we are. any problems with that?." lumapit siya sa akin at natigilan naman kami ng mga kaibigan ko. Urrrgh! lakas mo talagang man trip Gabbzilla!

" Ahh.. wa-wala naman Gabb, nakakagulat lang kasi nung last time inaaway away mo pa tung si Ella." Sambit ni Jem

" Well we're room mates, at dun ko na realize na masyadong maganda si Ella para kamuhian ko." Loko ka Gabbzilla, pero kinilig ako dun. 

" Awwee, totoo nga naman yun gabb, by the way paalis na rin kami para may moment kayo, e bibigay lang sana namin kay Ella ito." sambit ni Brei habang inaabot sa akin ang isang box. 

" Ano toh Brei?." Pagtataka ko pero ngumiti lang sila at umalis na. loko ka talaga Gabbzilla ka, paniwalang paniwala naman tung mga kaibigan ko. 

" Baliw ka ba? Bakit mo ginawa yun ha?." Sambit ko sa kanya habang nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya

" What?." sambit niya habang tumatawa, haaay bakit ang cute mo Gabb? natitibo na yata ako sa babaeng toh. 

" What what ka diyan? Gabb naman eh!." Naiinis na ako ha? bakit mo ba ginawa yun gabo?

" Hindi naman kasi pwedeng ako lang ang may susundin na deal sayo, dapat fair. kaya since 1 week tayong ceasefire, 1 week din tayong magpapanggap na may something tayo. ayokong isipin nilang I'm helping my enemy. kaya magpapanggap tayo and i won't accept a NO for an answer!." Urrrrgh! ayan kasi Ella may pa ceasefire ceasefire ka pa kasing nalalaman now what? kainis ka talaga Skribikin! 

" Tama na yan may pupuntahan pa tayo. Ano let's go Babe?." puso kumalma ka, eee pano ba naman kasi nakangiti sya ngayon na nakatingin sa akin, Huy! Ella babae yan. hindi mo matutupad ang misyon mo as a human being na mag " Go Forth and Multiply." pero wait lang pwede maging marupok kahit 1 week lang naman diba? Joke! 

" Are you just going to stare at me? baka naman gusto mong halikan kita diyan?." agad naman akong tumayo, mahirap na baka totohanin pa niya. 

Gabb's P.O.V

Nasa room na kami ngayon at itong si Ella di pa rin makatingin sa akin, honestly I find her cute but still I have to stick with my target and that is to fail her. nang sa ganun wala na akong kaagaw sa excellence award. Yes we agreed on that 1 week deal, but my plans have changed, Yes after one week sisimulan ko na ang giyera, but not the typical war. I've been reading testimonies na destruction daw talaga ang love sa studies, well not all siguro, but I'll toss the coin this time, I'll make Ella fall in love with me. at alam kung babagsak talaga siya sa ganoong paraan. bwahahahaha wais toh! I checked on her only to find out na nakatulog na pala sya sa sofa. I leaned closer at pinagmasdan ko ang natutulog na Ella. Ang payapa nya tingnan pag tulog yun lang may kalikotan rin. nangyayakap at nangdadantay pa. tsss. napaisip ako ng gagawin para magising sya, gugulatin ko siya. nagtungo akong kitchen to look for something na magagamit ko pang gulat but wala akong nahanap. naalala ko may mega phone pala dito, agad ko yung kinuha at tinapat sa tenga niya. 

" ELLAAAAAAAAA " napabalikwas siya ng bangon nauntog pa yung ulo niya sa divider na nasa gilid ng sofa, hahahahaha kawawang Ella. 

" WALANG HIYA KA TALAGA GABBZILLA!!!!." Inis na inis niyang sambit, hahahaha

" Yan kasi tulog pa hindi naman yan kama." tawang tawa ko pa ring sambit, ngunit natigilan ko ng may nakita akong dugo sa noo nya. Oh shit! 

" E..Ella there's blood. There's blood on your forehead. " Bad idea Gabb Bad idea. Mas lalo akong nagpanic nung biglang nawalan ng malay si Ella. 

" Shit! Ella! Ella! Damn! Please wake up. Sorry di ko sinadya, my intention was just to wake you up." inalog alog ko sya but di pa rin sya nagigising. 

Oh no makukulong na ba ako nito? napatay ko ba sya? I checked her pulse meron pa naman. Please Ella wake up. Inalog ko pa rin sya ng inalog, up until I heard a chuckle. 

" Yan kasi may pagulat gulat ka pa, Eh concern ka naman pala sa akin." So she pranked me? Urrgh! This girl is something! 

" Gusto mong matuluyan?." Inis kong sambit sa kanya

" Sige mumultuhin kita. Awoooo!." This lady is a complete Psycho. Malala

" As if naman takot ako. kung sa bagay nakakatakot nga naman yang pagmumukha mo." Sambit ko

" Asus, takot ka lang mawala ako eh. yieeeee. ikaw babe ha?." I even saw her giggling, baliw nga talaga tung babaeng toh. tumayo nalang ako to get the first aid kit, kasi totoo naman talagang dumugo noo niya. 

" Umayos ka gagamutin ko sugat mo. usog ka dito." 

Ella's P.O.V

Baliw talaga tong Gabbzilla nato, ang lakas ng trip. 

" Aray ko, dahan dahan naman!." Ginagamot niya kasi ang sugat ko sa noo ngayon, ang seryoso naman. napagmamasdan ko na siya ngayon ng mas malapit tinitigan ko buong parte ng mukha nya. Bukod ka nga talagang pinagpala Skribikin, Kegandang nilalang. napalipat ang tingin ko sa labi niya, bigla kong naalala yung sinabi niyang hahalikan niya ako. Hoy! Ella Amery tigilan mo yan. pero nakakaakit yung lips niya parang sinasabi nitong halikan ko. ayan ka na naman Ella eh. lumayo ako sa kanya para madictract ako sa iniisip ko. 

" Di pa tapos, last nalang lalagyan kong band aid." Sambit niya at hinila niya ako this time sobrang lapit na ng mukha namin, nanlaki naman ang mata ko, pero itong si Gabb seryoso lang na nilalagay yung band aid. 

" Ayan okay na. sige na matulog ka na dun." tumayo sya at binalik ang first aid kit sa banyo, napahawak naman ako sa dibdib ko, kumakabog na naman kasi tung puso ko eh. Ella ano ba? Stop it okay? Go forth and multiply nga kasi. 

" Come here!." Sambit nya habang tinatap niya yung kabilang kama. Gabb naman nakakainis ka talaga. pag ako natuluyan, panagutan mo talaga ako. tumayo ako at lumapit sa kanya, umupo ako sa kama. 

" Sorry sa kanina. It really was not my intention na magkasugat ka, gusto ko lang gulatin ka, I'm really sorry Ella." Marunong naman pala magsorry tung Gabbzilla nato. Pero teka lang naman sasabog na naman yata tung puso ko, nakatitig siya sa akin eh, ang pupungay ng mata at ayan na naman yung labi niyang mapang-akit. Gabb marupok nga kasi ako. tantanan mo yan. 

" Wala yun, lika na sleep na tayo." nauna na akong umiwas at humiga na sa kama habang nakatalikod sa kanya, wala eh kinikilig na lola nyo eh. 

nararamdaman kong humiga na rin sya. 

" Good night Ella." Teka wait tama ba narinig ko nag googood night siya sa akin? humarap ako at nanlaki ang mata ko, nakaharap pala sya sa akin. 

" Ah... Go..Good night Gabb." Sambit ko at nginitian ko sya. sana ganito nalang lagi sana di na nya ako e consider as kaaway o karibal niya. pumikit naman ang mata nya at still nakaharap pa rin sya. 

pinagmasdan ko ang natutulog na Gabb, maamo talaga ang mukha niya. tunay na maganda o pogi, ang tangos ng ilong, ang manipis niyang labi. nako nako matulog ka na nga Ella. buti nalang wala pang pasok bukas so wala daw muna kaming alarm hahaha. 


"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now