MRML 44: New Beginnings

1.2K 59 23
                                    

Ella's P.O.V

Kumakain kami ngayon ni Ate Sela sa isang restaurant

" Napapadalas na pagbisita mo sa kanya ha? baka ako naman magselos niyan." Napangiti ako at lumingon 

" Akin!." Sambit ko ng nakangiti tumabi naman siya sa akin at hinalikan ang noo ko. 

" Hi din Ate." Sambit ni Gabb sabay halik din sa noo ni Ate Sela

" Kumusta ang hospital Gabby?." Sambit ni Ate Sela

" Okay lang, medyo marami nagpa check up na bata ngayon." Sambit ni Gabb

Nakatingin ako sa kanya ngayon, yes, it's been 10 years already. marami na nagbago. Isa ng Pediatrician si Gabb tinupad niya talaga ang sinabi niya sa parents niya dati na magdodoctor siya and chika ko lang hahaha, Top 1 yan sa Physician Licensure Exam, proud girlfriend here hihihi. Ako naman graduate ako ng Business Management kaya ako ang partner ni Ate Sela sa company niya. General Manager ako dun. marami na nagbago siyempre 10 years na lumipas eh. Sina Jem at Dana Kasal na sila, While Ecka and Belle are already expecting there second baby. Iba na talaga kasi panahon ngayon kahit same gender kayo, may chance pa rin magkababy through IVF in vitro fertilization. Ate Sela and Ate Abby naman, 5 years ago kinasal sila. Ate Alice and Ate Sheki too, are happily married. Si Jamie naman naging sikat na model and vlogger at nililigawan siya ngayon ng isang sikat na businessman. Si Brei naman hindi pa rin tumitigil at sumusuko kay Coleen, yes you heard it right, Okay na kaming lahat kay Coleen despite of what happened 10 years ago. 

Flashback 10 years ago

" AKIIIIIIIINNNNNNN!!! "

napaluhod ako at bumuhos ng iyak.

" Ayieee mahal na mahal niya talaga ako oh." Napatingin ako at nakita ko si Gabb na nakangiti kaya napatayo ako at niyakap siya ng sobrang higpit

" Buti nalang naabutan ko agad." Sambit ni Ecka

" Salamat Ecka ha? utang ko sayo pangalawang buhay ko." Sambit ni Gabb

Napatingin naman ako kay Coleen na nakayuko

" Coco?" Sambit ni Gabb sabay lapit kay Coleen at niyakap niya ito

" Patawarin nyo ako sa lahat lahat. Sorry guys." Sambit ni Coleen na umiiyak

Bumalik na kami sa kanila nasa clinic na sila ng Scholastica, ngunit naabutan ko sina Jem at Dana na umiiyak.

" Ba!." Sambit ko sabay takbo sa kanya

" Nabaril ko siya?." Sambit ni Coleen

" Hindi ikaw Coleen, Yung isang armadong lalake nung umalis kayo, bigla nyang nahablot ang baril bago pa sya maabutan ni Brei ay nagpaputok na sya, Si ella sana ang matatamaan kung di humarang si Gia." Sambit ni Jem

" Ba, wag ka bibitaw please. sabi ko hahanapin ko lang sila at babalik ako diba?." Sambit ko habang umiiyak at hawak ang kamay ni Gia

" Patawarin nyo sana ako sa nagawa ko, Sobra lang kitang minahal Ella, ginawa kitang mundo ko. Kaya nung masaktan mo ako, gumuho ako ng sobra. Gabb?." Sambit ni Gia habang nakatingin kay Gabb

" Gia! Lumaban ka. Kailangan ka namin." Sambit ni Gabb na nasa likod ko

" Gabb, Halika dito." Agad namang sinunod ni Gabb si Gia at lumapit siya.

" Kayong dalawa." Sambit ni Gia at pinaghawak niya ang kamay naming dalawa ni Gabb

" Mangako kayo sa akin na hinding hindi nyo kelanman bibitawan ang isa't isa. Pagtibayin nyo pa lalo ang pagmamahalan ninyo. Nandito lang ako para gabayan kayo. Gabb, wag na wag mong sasaktan si Ella kung ayaw mong bisitahin ka ng isang magandang multo." Sambit ni Gia kahit hirap na hirap na siyang magsalita nagagawa pa rin niyang magpatawa

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now