MRML 26: PROBINSYA

1.2K 49 0
                                    

Lei's P.O.V

Kausap ko si Ella kanina, At yes naman nakakaexcite mamemeet ko na rin yung jowa ng kapatid ko, at syempre makikita ko ulit si Lala, namiss kaya namin si Lala. 

" Tayaga Atee? Uuwi Lala?." Sambit ni Shayne na tuwang tuwa

" Oo bunso, uuwi si Lala kasama mga friends niya." Sambit ko

" Yeyeey uwi Lala." Sambit ni Shayne

10 years old na itong si Shayne, pero ganyan siya magsalita kasi special child siya. Sobrang special kaya mahal na mahal namin ni Ella.

Ate Sheki's P.O.V

Nandito na kami ngayon sa Mall namimili ng mga dadalhin sa travel namin, nakakaexcite talaga. first time kasi ito eh. iba talaga ang L'Escouade eh. 

" Guys, nandyan na yung Van sa labas." Sambit ni Jamie

" Tara mauna na tayo dun nang malagay na natin itong mga pinamili natin." Sambit ni Belle

" Buti pa nga para maayos na yan dun. Akin, sumama ka na sa kanila, puntahan ko lang sina Ecka." Sambit ni Gabb bago hinalikan noo ni Ella, haaay ang sweet talaga. 

" Sige sige Akin. ingat ka." Sambit ni Ella

" Samahan na kita Gabb." Sambit ni Gia

" Sige tara." Sambit ni Gabb

So nauna na kami sa Van at plinastado ang mga gamit. ang laki ng Van nila Jamie, para na syang mini coaster. 

" So sino magdadrive?." Sambit ni Alice my loves yieee hahahaha, Oo kami na, pero secret lang muna.

" Si Ecka daw, gusto daw muna kasing matulog ni Gabb sa biyahe." Sambit ni Belle

" Ayy oo, mahilig yun matulog sa biyahe eh. hahahha, Ella, diyan kayo ni Gabb sa likod ha? since para sa dalawa diyan, dahil sa mga nakapatong na gamit. " Sambit ni Jamie

" Ah Sige Sige Jamie, Salamat." Sambit ni Ella sabay sakay dun sa pinakalikod

So ayun na nga nakasakay na kami lahat at bumabiyahe na. nagmamaneho si Ecka, katabi si Belle. Sa passengers seats naman. Sa pinaka una sina Jem, Dana at Gia, Sa pangalawa Ako, at si Alice, sa pangatlo ay sina Brei at Jamie tapos sa pinakahuli ay sina Ella at Gabb.

Lei's P.O.V

Naghihintay ako dito ngayon sa labas kasi sabi ni Ella malapit na daw sila. At mukhang ito na yata yun, black daw kasi na Van ang sinakyan nila eh. At di nga ako nagkamali sila na nga yun, nag park na yun. at unti unting bumaba ang mga sakay. isa-isa silang nagsibabaan at ayun na nga si Ella. 

" Lala!." Tumakbo ako sa kanya

" Ate Lei!!." Sambit niya at niyakap din ako ng sobrang higpit, namiss ko talaga itong si Ella eh. 

" Ati Lala!!!!." Sambit naman ng bunso naming si Shayne, at tumakbo siya para yakapin si Ella

" Shayne! bunso!." Sambit ni Ella, sabay yakap at karga kay Shayne

Napatingin namana ako sa isang pamilyar na mukha, na nasa tabi ni Ella, ito na yata si Gabb. sabi kasi ni Ella maikli ang buhok eh, tas pogi. 

" Ikaw ba si Gabb? ang jowa ni Lala?." Sambit ko habang nakatingin sa kanya, agad naman niyang tinanggal ang shades niya at ngumiti, jusko ang pogi nga, parang hindi babae

" Ay O-Opo. He-hello po Ate Lei. Ako nga po si Gabb, ang jowa ni Ella." Sambit niya

" Finally, nameet din kita. nice to meet you Gabo. welcome to Amat's Residence." Sambit ko

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now