MRML 63: BIG TWIST

1K 53 11
                                    

Guin's P.O.V

" Guin, bakit tayo huminto dito Iha? We have to be in a hurry, ikakasal pa kayo ng anak ko." Sambit ni Tita Barbara

Isinaman ko kasi muna si Tita at Dad, habang inaayusan pa si Ella doon kasama si Ate Lei. 

" Saglit lang po Dad and Tita, may sasalubungin lang akong kaibigan." Sambit ko

Nag-antay kami ng 30 minutes. 

" Subukan nyong tumakas babarilin namin kayo." Sambit ni Dana na may kasamang mga pulis. 

" ANO TOH? BAKIT NYO KAMI DINADAKIP HA? ANO ITO?." Pagsisigaw ni TIta Barbara

" GUIN WHAT IS GOING ON??!!." Sambit ni Dad

" I'm sorry Tita, I'm Sorry Dad pero wala akong balak magpasakop sa kasamaan niyo, Nangako ako kay Kambal na poproteksyonan ko ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi po makatarungan ang ginagawa niyo kay Ella. At isa pa may mga pananagutan kayo sa batas, Human Trafficking at Drugs kayo nararapat lang po na managot kayo." Sambit ko

" HAYOP KA!! TRAYDOR!!! NAGTIWALA PA NAMAN AKO SAYO IKAW LANG PALA MAGPAPABAGSAK SA AKIN! WALA KANG PINAGKAIBA KAY GIA! ANG MALAS KO SA MGA ANAK KO!." Sambit ni Dad

" Sabihin nyo na po ang gusto niyong sabihin, pero mahal po namin kayo Dad kaya ayaw naman mga ginagawa mo." Sambit ko

Dinakip na si Dad at sina Tita Barbara. 

" Guin!." Sambit ni Dana

" Pasensya na kayo sa set-up ha?." Sambit ko

" Kaloka kang babae ka, Ang taba ng utak mo, pa share naman." Sambit ni Ecka

" TEKA! WAG KAYO MAGTIWALA DIYAN! YAN SI GUIN SIYA ANG DUMUKOT KAY ELLA!." Sambit ni Nile

" Nile, Oo dinukot niya si Ella at Ate Lei, pero nag-iba na ihip ng hangin ngayon." Sambit ni Brei

" Kakampi nyo ako guys, Pasensya na kung napaisip ako ng masama ha? Salamat kay Gia, ginabayan ako ng kakambal ko, nagpakita siya sa akin sa panaginip ko." 

Flashback

Kakarating ko lang ngayon sa Sydney, at magkukunwari akong wala akong alam sa lahat. pero ang totoo niyan, nakahanda na akong dukutin si Ella. Hindi malalaman ni Gabb ito at magugulat nalang siya na kinasal na si Ella sa akin. Tingnan natin kung di ka, mamatay sa lungkot at galit pag nangyari yun.

" Guin, we're ready." Sambit ng isa sa mga tauhan na binayaran ko

" Just wait, I'll prompt you okay?." Sambit ko

" Okay Guin." Sambit niya

Naisipan ko muna matulog dahil sa napagod rin ako sa biyahe..

Bigla akong nandito ngayon sa mansion namin dati sa Manila. Kung saan kami lumaki ni Kambal ko. nakita ko ang namayapa kong Ina masayang kausap ang namayapa kong kambal. 

" Mom? Gia?." Napalingon naman sila sa akin at ngumiti

" Kambal ko." Sambit ni Gia at niyakap ako ng mahigpit, ramdam na ramdam ko ang yakap ng kakambal ko. 

" Anak, Guin." Sambit ni Mom at niyakap din ako

" Bal, tama na yan, hindi ikaw yan Bal." Sambit ni Gia na umiiyak

" Anak, wag kang magpasakop sa galit mo, at sa pagiging makasarili." Sambit ni Mom

" Mahal ko siya Bal, gaya mo mahal ko si Ella." Sambit ko

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now