MRML 58: UNEXPECTED

1K 55 12
                                    

Gabb's P.O.V

Uh-Oh May nabangga yata ako, 'tinulungan ko siya sa mga dala niya

" I'm so sorry Miss." Sambit ko sabay abot ng gamit niya, pero nanlaki ang mata ko at natigilan

" Gabb?."

" Jamie???." Nabigla ako kasi namamaga ang mata niya at ang dama niyang pasa sa braso, may black eye din siya sa mat. 

" Gabooo!." Bigla siyang sumiksik ng yakap sa akin at umiiyak

" A-anong nangyari sayo? sino may gawa sayo nito?." I cupped her face at pinatingin siya sa akin, ngunit iyak lang siya ng iyak, at sumiksik ulit ng yakap sa akin. 

Nasa Parking lot kami ngayon, medyo kumalma na siya 

" Anong nanygyari? Sino gumawa sayo niyan?." Pagtatanong ko, habang inaayos ko ang nagkalat niyang buhok sa mukha niya

" S-Si Terrence." Sambit niya

" What? yung fiance mo? Bakit?." Sambit ko

" Nahuli ko sila ng babae niya mismo sa condo niya, pupunta sana ako dun para e surprise ko siya, pero naabutan ko sila sa kama. Nagwala ako kaya tumakas ang babae, at ako at si terrence ang natira, pinabubugbog niya ako sa galit niya gabb." Sambit ni Jamie na umiiyak pa rin

" WALANG HIYANG GAGONG YUN!." Sambit ko

" Hinampas ko siya ng vase kaya nakatakas ako bitbit yung mga dala ko." Sambit niya

" Hindi ko kasi mabigay bigay sa kanya ang gusto niya kasi gusto ko pagkatapos na ng kasal, kaya siguro nagkaganon sya." Sambit ni Jamie

" Hindi excuse yun Jamie, Oo aaminin ko, nagawa ko yan to some girls before, pero hindi ako namimilit, hinihintay kong kusa silang pumayag. Just because hindi mo mabigay? Kawalang respeto naman yata yun." Sambit ko

" Ang totoo niyan Gabb, awa nalang ang meron ako sa kanya, suicidal si Terrence kaya di ko maiwan-iwan, pero ngayon ayoko na Gabb." Sambit ni Jamie

" Talagang hindi na, he should be accountable sa ginawa niya sayo. Nobody deserves to be treated like this, lalo ka na Jamie, palaban ka Oo, pero isa ka sa pinaka vulnerable na taong kilala ko, mahinhin, palangiti, babaeng babae, kaya gago yun kasi di ka niya pinahalagahan." Sambit ko.

" Ipapakulong ko siya Gabb, Ipapakulong ko ang hayop na yun." Sambit niya na umiiyak na naman. kaya inakbayan ko siya, hinila at niyakap. 

" Don't worry, Hindi natin palalampasin ang kahayupang ginawa niya sayo. I'll make sure he'll rot in Jail." Sambit ko 

" S-Salamat Gabo.." sambit niya at yumakap sa akin pabalik. 

" Tahan na, pangako ko sayo hindi siya makakalusot sa ginawa niya sayo." Sabi ko habang hinahaplos ko buhok niya hinalikan ang noo niya. 

Dinala ko na si Jamie sa Condo ko since di siya pwedeng bumalik sa Condo niya kasi baka abangan siya ni Terrence dun. Ginamot ko na yung mga sugat at pasa niya at mahimbing na siyang nakatulog. 

" GAGO YUNG LALAKING YUN AH? KALA MO KUNG SINONG GWAPO!." Napailing na sambit ni Ecka

" Hindi ko inasahang kay Jamie pa mangyari ang ganito, I mean knowing our Jamie, gaya ni Coco parang baby din natin yan eh." Sambit ni Dana

" Kaya nga eh, Kaya dapat lang mabulok sa kulungan yung lalakeng yun." Sambit ko

" Naiyak ako sa sitwasyon ni Jamie, love." Sambit ni Belle na yumakap kay Ecka

" Parang pinisil ang puso kong makita si Jamie na ganun." Sambit ni Ate Alice

Ganyan naman ka mahal lahat si Jamie, vulnerable kasi siyang tao, sensitive din, hindi magaling sa biro yan kaya minsan slow, kaya sobrang pinoproteksyonan namin yan simula pa noon. ngayon we failed to protect her, but I'll make sure makukuha niya ang hustisiya sa nangyari sa kanya. 

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now