MRML 22: HAPPY BIRTHDAY GABO (3)

1.4K 60 8
                                    

Gabb's P.O.V

" Pwedeng e  text ko nalang Gabb? Hahahaha, De Gabo! Ang pinaka pogi kong bestfriend hahahaha, Happy Birthday! 18 ka na Gabb, pwede na? pwede ka na makasal kay Ella. Char! Wala talaga akong masabi, sa reporting nga natin ako lang gumagawa ng visual aids eh pero iwas report hahahaha, Basta Gabb, pag kailangan mo si Ecka, (pakanta) I'm only one call away. I'll be there to save the day.  Text, chat call, I'll be there right away. Labyu Pogi, pa kiss? hahahaha." Sambit ni Ecka saka lumapit sa akin at langya kiniss nga ako ng smack sa labi.

" Gaga ka talaga Sibug! andyan pa naman mga jowa natin." Sambit ko sabay tawa 

" Di ko mapigilan eh. Pogi mo eh. Hahahaha." Sambit niya buang talaga, nag shot na rin siya at umalis

sumunod naman si Dana eto baliw rin toh eh

" Dear Charo, Este Gabo hahahaha Happy Birthday Papi! ayoko nang habaan toh dahil wala naman tayo nung mahaba (Sabi sa inyo eh, buang din toh)  hahaha joke! Gabb alam kong di tayo naging maayos noon at alam mo sobra akong nasaktan at nalungkot nun,  kasi alam mo naman diba? alam mo naman na sayo lang ako sumasandal, tayo yung nagkakaintindihan ng mga trip natin, busy kasi tong si Ecka kay Belle eh hahahaha kaya sobrang saya ko ngayon kasi bumalik na tayo sa dati Papi. Labyu Papi, Count on me, and I will count on you, let's count 123 hahahaha." Sambit ni Dana at yumakap din sa akin, muntik na rin akong mahalikan sa labi buti nalang nakailag ako, lakas ng trip ng mga toh. Nag shot na rin siya after

sumunod naman si Ate Sela, nag speech na rin si Chelsea but no shots, masyado pa syang bata eh. palapit palang si Ate sa mic, teary eyed na. 

" My Gabby, My Baby Unicorn, Sorry ha? alam mo namang iyakin si Ate eh. I can still remember how much I've prayed to God to give me a little sister, alam ni Ma at Pa yun, every night akong nag lalight ng candle sa altar at nagpepray na sana bigyan na niya ako ng Little Sister kasi gusto kong may kalaro ako, and so here you are, the answer to my prayer. Gabb, alam mo naman how much Ate Tamago loves you diba? Kayo ni Chelsea, I am willing to sacrifice everything for both of you. You are my life, my happiness, My Everything. " Naputol na ang speech ni Ate kasi humagolgol na sya kaya lumapit na ako to hug her

" Hush Ate please." I said while hugging her

" I, I'm okay my love, so yeah, Always keep in mind that Ate Tamago will always be with you no matter what, You will always be my baby unicorn kahit na nagbibinata ka na. (She chuckled) Ella? (Tumingin siya kay Ella) Sobrang mahal ko itong kapatid ko, kaya mahal na rin kita kasi alam ko kung gaano mo kamahal si Gabb. I want to thank you for bringing her back to her old self, for letting her sing and love music again. Sana panghabangbuhay na kayo. (She's sobbing) Basta mahal kong kapatid, Mahal na mahal ka ni Ate Sela ha? Happy 18th birthday Gabby. Iloveyousomuch I really do." She's still crying kaya kinuha ko na yung mic at inabot kay Jamie, niyakap ko siya ng sobrang higpit

" Iloveyoumost Ate, Thank you for everything." Sambit ko bago siya halikan sa noo niya, Nang tumahan na sya nag shot na rin sya kahit sinabi kong wag nalang

" And now the last, but certainly not the least, Ang pinakamamahal na Akin ni Gabb, Ella!." Sambit ni Jamie

(Song plays: Just say you won't let go, instrumental)

Nakatitig lang ako sa kanya habang naglakad siya palapit at inabot ang mic

" Who would have thought that I'd fall in love with a person whom I thought was my enemy or rival at first? I even have a nickname for you especially when at your sungit mode. GABBZILLA (She Chuckled) So yeah, Let do a quick story telling hahaha, The first time I heard your name was nung nag-uusap kami nina Jem sa cruise, narinig ko palang name mo nun, nagdulot na sa akin ng kakaiba, I was so excited to see kung sino ka? Gabo? Who is Gabo? siya daw yung magiging karibal ko sa school, then when I first laid my eyes on you, bumababa ka nun sa chopper, At first akala ko talaga boy eh, naka gladiator shades, ash gray yung buhok, at yung mukha gwapo talaga. so yeah I'll confess it now, First time palang kitang nakita, My heart went oops. (She chuckled again) Crush na kita nun hanggang sa nagkausap tayo at inaway mo ako, hihihihi nung una akala ko wala lang yung pagkakacrush ko sayo, siguro dahil akala ko lalake ka. but then mas nakilala kita, and made me realize na oo na this straight girl is so madly in love with you. (Nakasmile lang ako while staring at her). Si Gabo na inakala kong masama, na masungit, na ayaw magpatalo ay kabaliktaran pala, You are the most fragile person I've met Gabb, When I heard and witnessed everything, wala akong ibang gustong gawin kundi ang mapalapit sayo at iparamdam sayo na mahalaga ka. And so dahil dun, you are Ella's Property and I am Gabb's Property. Akin! Thank you for making me feel this extraordinary kind of love. Thank you kasi hindi lang ako nagkaroon ng lover, may bestfriend din ako, confidante , All in one. I will forever be grateful kay God kasi nakilala at minahal kita Gabb. Remember what I said last night? Sobrang thankful ko sa araw na ito kasi sa araw na ito ipinanganak ang taong magmamahal sa akin ng totoo at mamahalin ko rin ng sobra. Palagi lang akong naririto Akin, Kasama mo ako sa lahat lahat. Maging masaya man o malungkot, manalo o matalo. sabay nating aabutin ang mga pangarap natin na magkahawak kamay, and yes akin, I WILL NEVER EVER LET GO. Mahal na mahal na mahal kita Gabrielle Skribikin, Happy 18th birthday ulit Akin, Mahal ko." I saw her wiping her tears after, tumakbo na rin ako at niyakap siya ng sobrang higpit. 

"My Rival; My Love"Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin