MRML 10: PaELLA

1.6K 70 11
                                    

Ella's P.O.v

kakatapos ko lang maligo, at mag-ayos, papunta na sana ako sa tagpuan namin ni Gia. 

" Hep! San ka pupunta?." Sambit ni Gabb habang tinuturo ako nung sandok na hawak niya, ang cute lang niya tingnan kasi naka apron siya, may pan holder sa kamay at hawak na sandok. 

"Kikitain ko si Gia, papasama daw sya sa akin sa convenience store. Bakit?." Sambit ko, matapos kong makuha sling bag ko. 

" Nagluto ako." Gabrielle, you're my weakness talaga, nakapout kasi siya ngayon eh tas nakatingin sa akin na namumungay ang mata. 

" Mamaya ko nalang kakainin, magpapasama si Gia eh." Sambit ko sa kanya

" Fine, sino nga ba ako para e postpones mo date nyo ng Gia mo diba? I'm just nothing to you." sambit nya bago magtungo sa kitchen. Wait? Nagseselos ba sya kay Gia? Ayan ka na naman Gabb eh. Napaisip ako at tuluyan ng lumabas. 

(Tagpuan)

" Gia!." Sambit ko habang papalapit sa kanya

" Ella, Ano tara na?." Sambit ni Gia matapos naman magbeso

" Uhm ano kasi Gia, pumunta ako dito para sabihing hindi ako matutuloy." Sambit ko sa kanya

" Oh Why? Masama ba pakiramdam mo? are you okay?." Nagka idea ako sa sinabi ni Gia kaya nagsinungaling ako.

" Uhm Oo medyo masakit talaga paa ko, dahil yata toh kahapon. Sorry Gia ha?." Sambit ko

" Oh No it's okay, sige magpahinga ka na muna Ella. I'll bring you meds later nalang, si Sheki nalang isasama ko o di kaya si Brei." Sambit ni Gia

" Sorry talaga Gia." 

At yun na nga hindi na ako tumuloy, iba kasi yung epekto sa akin ng sinabi ni Gabb na She's nothing to me. baka magalit pa sya ng tuluyan sa akin, di ko naman kakayanin yun. Pumasok na ako sa Room namin ulit ni Gabb. sinilip ko kung asan siya di muna ako nagpahalata na nandito ako

" Baby Elab? Bakit Ganun? Bakit mas pinili niya yung Gia na yun? Halata namang mas pogi si Daddy nun diba?." Ang cute lang niya pagmasdan na kinakausap yung baby namin este yung baby elab ni binigay niya. 

" Nagluto pa naman ako ng specialty ko, di rin naman pala siya papapigil dun sa date nila ng Gia na yun." Gabb why so cute? Para kang batang nagsusumbong. 

" Nag effort akong magluto ng specialty ko na yun, tas wala din pala, ako lang din pala yung kakain." Why are you doing this to me Gabb? May Coleen ka kaya. Don't make me fall for you please pero  nangyari na eh, all I though was straight ako, but mukhang dahil sayo babaliko na ako.

" Di man lang siya nag react dun video na pinost ko. para sa kanya pa naman yun. ang manhid manhid ng mommy mo Baby Elab." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, so yung nag-gigitara sya while kumakanta para sa akin pala yun? Gabb naguguluhan na ako, ano ba talaga? 

Nakita kong humiga siya tapos niyayakap si Baby Elab, nakapikit pa. kaya medyo lumapit na ako para pagmasdan siya. 

" Kailangan ko kasing gawin yun nak eh, hindi ko naman talaga mahal ang Tita Coleen mo. I love your mom." Mas lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko sa narinig ko, I-inlove sa Gabb sa akin?, bakit niya jinowa si Coleen kung di niya mahal yun? Pero wait legit? Mahal ako ng mahal ko? Hindi ko alam anong mararamdaman, halo halo eh. masaya, malungkot, nag-aalangan. bahala na, kunware wala akong narinig sa mga sinabi niya, kunware kararating ko lang. 

" May pagkain pa ba." Sambit ko bago tuluyang lumapit sa kanya at nakangiti

Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa akin.

"My Rival; My Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon