MRML 69: BABY ELLIANA GABE

1.4K 60 12
                                    

Gabb's P.O.V

Nagpapahinga ngayon si Ella dito sa hospital after a successful delivery. Grabe andito na si Baby, hinatid na ng nurse, ang ganda ganda ng anak namin, anghel na anghel yung mukha, hating hati siya sa amin ni Ella, yung shape ng mukha niya at ang lips niya sa mommy niya, while sa akin naman ang Ilong at mata, pati yung ngiti namana niya sa akin. Nag post ako agad sa instaface ko.

" Love at first sight with you our little one, Baby Elliana Gabe Amat-Skribikin 🥰" 

" Love at first sight with you our little one, Baby Elliana Gabe Amat-Skribikin 🥰" 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 Coco's P.O.V

" Babi, nagpost si Gabb ng picture, waaaah tara na gusto ko na makita si Baby Elliana" Sambit ko, at agad kaming sumakay sa elevator

" Sus, ikaw talaga Babi, magkakaroon din tayo niyan, wag lang tayo mag give up okay?." Sambit ni Brei

Pano kasi we tried it already pero unsuccessful, kaya pahinga daw muna then after six months try ulit kami. 

Pumasok na kami sa room at nakita kong nakasandal si Bessie sa head board habang karga ang baby at nasa tabi niya si Gabb. 

" Hello Skribikin Family." Sambit ko 

" Uy! Bessie, Brei." Sambit ni Ella

" Sabi ni Eh, si Coco talaga ang pinakaunang tatakbo dito." Sambit ni Gabb

" Eh kasi naman, wait I'll just disinfect muna." Sambit ko at pumasok sa Cr

Pagkatapos ay lumapit na ako kay Ella na karga ang baby. 

" Awwee, Bessie, Gabrielle, ang ganda ng baby niyo." Sambit ko

" Siyempre naman Coco Krunch, saan pa ba magmamana?." Sambit ni Gabb

" Siyempre Mana kay Ella." Sambit ko

" Hating hati naman ito si Baby oh, di maipagkakailang anak ng UniPhant ito." Sambit ni Brei

" Haaay sana magkababy na rin kami, at kasing cute nito." Sambit ko

" Just don't give up bessie, magkakababy din kayo." Sambit ni Ella

Ella's P.O.V

1 month na si Baby Elliana at kakatapos lang ng binyag niya nagtitipon tipon kami ngayon dito sa bahay, masaya ako kasi kumpleto kami lahat, pati si Nanay kasama na namin. ayun nga hawak hawak sa Elliana. 

" Future Binibining Pilipinas yata yang inaanak ko Ella, Gabb." Sambit ni Ate Sheki

" Oo nga nung kinarga ko yan kanina tas pinapaarawan habang naghihintay sa binyag, andaming nagsasabing ang ganda daw ng anak niyo." Sambit ni Belle

" Nagtaka pa kayo, eh ang gaganda ng lahi ng Mommy at Daddy eh." Sambit ni Nile

" Salamat hahaha, oo nga eh, kahit sa hospital, andaming nagagandahan kay Elliana." Sambit ni Gabb

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now