MRML 55: CONSEQUENCES

1K 55 13
                                    

Gabb's P.O.V

Kakauwi ko lang sa Condo, wala na akong kakampi, lahat sila galit na galit na sa akin, pati sina Mama at Papa, hindi ako kinausap. Pagpasok ko sa Condo nakita ko si Ella, nakaupo sa kama at tila ang lalim ng iniisip, nakita ko ring naka-impake na lahat ng gamit niya. 

" Akin." Sambit ko at lumapit sa kanya

" Mabuti nandito ka na, hinintay talaga kita." Sambit niya

" Wag ka umalis please, wag mo akong iwan." Sambit ko, nagsimula na akong umiyak

" Ayoko na Gabb, Awat na please." Sambit niya sabay tayo.

" Hindi hinding kita susukuan Ella." Sambit ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

" Kalmado pa ako Gabb, bitawan mo ako!." Sambit niya kaya binitawan ko siya, hinubad niya ang kwintas at singsing na binigay ko sa kanya. 

" Isosoli ko lang, hindi para sa akin yan Gabb." Sambit niya at nilagay niya sa kamay ko

" No Ella, sayo toh, walang ibang magmamay-ari nito ikaw lang." Sambit ko

" Buti pa pala yan kasi ako lang, Eh ikaw Gabb? Bakit andami? Bakit hindi pwedeng Ako lang?." Sambit niya at nagsimulang maiyak

" Ella, I'm sorry, patawarin mo ako Ella, nadala ako sa tukso." Sambit ko

" Nadala ka sa tukso dahil hindi mo talaga ako minahal Gabb." Sambit niya

" No Ella that's not true, hindi tayo aabot ng ganito ka tagal kung hindi kita mahal Ella,." Sambit ko

" Siguro nga ganun, Siguro kampante kang mahal na mahal kita at kahit na magkasala ka, eh magpapakamartyr lang ako at tatanggapin ka ulit. Kaya paulit ulit mo akong sinasaktan Gabb kaya pasensya na, ayoko na, pagod na pagod na ako." Sambit niya na nakatingin sa akin

" Ella please, Akin please wag mo akong iwan, hindi ko kakayanin." Sambit ko at niyakap ko siya

" Sinabi nang bitawan mo ako." Sambit niya

" No! not anymore. Ipaglalaban kita Ella." Sambit ko

" ANG SABI KO BITA-..." Pinutol ko ang sinabi niya nang bigla ko siyang halikan sa mga labi niya, diniin ko pa lalo, kaya pumikit siya, now we're kissing nang biglang mapabitaw ako.

" ARAY!." Sambit ko sabay hawak sa lower lip ko na dumudugo kasi kinagat niya

" HAHALIKAN MO AKO PARA ANO? PARA MADALA NA NAMAN AKO SAYO?!! PARA MAGPAKATANG NA NAMAN AKO?!!! MANIGAS KA SKRIBIKIN!." Sambit ni Ella, At dinala na mga gamit niya, pero binack hug ko siya

" Don't please Ella, Don't This will kill me." Sambit ko na umiiyak, agad naman siyang humarap sa akin

" It will kill you?." Sambit niya the cupped my face, tinitigan niya ako at ngumiti siya. 

" Akin?." Sambit ko at hawakan ang kamay niya at tinitigan din siya, ngingiti na sana ako nang mag-iba bigla ang expression ng mukha niya. sabay sampal sa akin ng sobrang lakas

" MY CONDOLENCES!." Sambit niya at dinala ulit ang mga gamit niya

" Ella please no please." Sambit ko na hinarangan ang pinto

" GO AWAY! PADAANIN MO AKO GABB!." Sambit niya

" NO HINDI AYOKO!." Sambit ko

" Utang na loob, wag mo na dagdagan yung pagkawasak ng puso ko, lubayan mo na ako, Loving you was my biggest regret Gabb! Sana naging karibal nalang talaga kita! ISA KANG BANGUNGOT NA DAPAT KALIMUTAN!." Nanghina ako sa sinabi ni Ella, sobrang tusok na tusok sa akin yung sakit, Wala na akong magawa, Tinitingnan ko nalang siya na unti-unting naglalaho sa paningin ko. 

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now