seventeen

6.4K 379 151
                                    

BUONG araw akong tumambay sa bahay kinabukasan. Nagtrabaho lang ako, nagpakita sa isang meeting na medyo late na sa Pilipinas ni-schedule ni Ayie para makasama ako, ‘tapos nag-review ako ng mga reports ni Ash. Ayaw pa kasi n’ung maniwala na tama naman ‘yung mga ginagawa niya eh. Kailangan pa ng hug.

Sinamahan ako ni Theo maghapon. Tulog lang siya sa tabi ko sa sofa, aalis para kumain, ‘tapos babalikan na niya ako. Sarap pala ng may alaga ano? Hindi pa kasi talaga ako nagkakaroon ng alaga eh.

Si Ash pa lang.

\N’ung nagbabasa na ako ng mga files ni Ayie tungkol sa mga possible future projects, may pumasok na notification sa telepono ko. Inabot ko ‘yun at nakita ‘yung message ni Erica.

Erica
Sakit ng ulo ko. ☹️

O, eh di siyempre, nag-alala naman ako.

Lex
You okay? Gusto mo na umuwi? Susunduin na kita.

Erica
Hindi pa puwede eh.
Bub, bukas na lang kita ipagluluto ng dinner ha.

Lex
Of course. Pahinga ka na lang pag-uwi. Ako nang bahala mamaya.
Sure kang kaya mo pa? May dala kang gamot?

Erica
Opo, meron at opo, kaya. Kapag matapos ako agad, uwi na lang ako nang mas maaga.
Gusto ko lang n’ung soup kagabi. Meron pa ba? Kahit ‘yun na lang dinner ko.

Lex
Meron pa. Sige, ‘yun na lang.
Let me know kung anong oras ka makaka-uwi para mas maaga akong umalis ng bahay.

Erica
Okay. Wait lang. Meeting.

Lex
Go ahead.

Erica
😚

Lex
😚🍄

Erica
😭 HUWAG MO KO PATAWANIN!

Lex
Sorry! Haha sige na. I’ll talk to you later.

Nagtrabaho lang ako hanggang mga alas dos ng hapon kasi nagutom ako. Kumain ako ng tuna sandwich habang pinag-aaralan ‘yung mga designs ni Marlon para sa bahay ng isang client. Magaling din ‘tong si Marlon eh. Ewan kung bakit ngayon lang ginamit ‘yung pagka-arkitekto niya.

Pero buti na lang din kasi kung noon pa, baka di siya sa ‘min nagtrabaho. Sa tingin mo tatanggapin siya ni Ate Kaye kung nag-apply siya sa AMC, eh best friend siya si Ash? Kaya buti na rin ‘yung sa ‘kin siya nag-apply. Better late than with another company.

Pagpatak ng alas tres, nag-text na si future girlfriend and misis na undertime daw siya kaya nagbihis na ako para manundo. Siniguro kong may tubig at pagkain pa si Theo bago ako lumabas.

Nasasanay na akong ‘yung Rover ang dala. Akala mo kung sino ako kung makipagsabayan sa traffic ng New York eh. Ang laki kasi ng dala ko! Takot lang ng mga kasabay kong gitgitin ako.

Baka pagbalik ko ng Maynila parang bike na lang sa ‘kin ‘yung kotse ko. Bumili na rin kaya ako ng Range Rover? Oo ano?

Para mula bahay ko sa Ayala hanggang sa opisina ko sa Ayala rin eh ubos ang sampung litro ng gasolina…

‘Sakto ang dating ko sa building nila Erica kasi palabas na siya n’ung inihinto ko ‘yung sasakyan sa sidewalk. Awang-awa ako sa kanya kasi namumutla siya at parang naiiyak na. Hindi na niya ako hinintay na bumaba para mapagbuksan siya ng pinto. Hinila na niya pabukas ‘yung passenger side door saka umakyat ng sasakyan.

Binigyan lang niya ako ng mabilis na ngiti, saka siya pumikit. Nakakunot ‘yung noo niya at parang nasisilaw pero lumapit pa rin siya para humalik sa pisngi ko. Eh di ini-anggulo ko na ‘yung ulo ko para sa mga labi ko mag-landing ‘yung halik. Baka kasi hindi lang niya na-asinta nang maayos kasi nga nakapikit siya.

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now