one

6.7K 358 106
                                    

KUNG may isang salita na puwedeng maglarawan sa buhay ko, ang salita na 'yun ay "busy". Wala yatang oras na hindi ako busy.

Sabi ni Mommy, mula pa raw n'ung unang beses akong magmulat n'ung baby ako, lagi na raw akong may pinagkakaabalahan. Mula raw sa pagnguya ng mittens o baby booties ko, nag-graduate daw ako sa pagkalkal sa lahat ng makakalkal n'ung marunong na akong gumapang. 'Tapos n'ung kinder na ako, hindi raw puwede na kulang sa dalawa ang ginagawa ko sa buhay.

Kasabay ng Kindergarten eh karate at taekwondo classes. Tuwing summer, may bago akong sport. Nag-soccer, swimming at tennis ako n'ung grade school. 'Tapos n'ung high school, pinagsabay ko 'yung glee club at theater. At n'ung college, ang pinagsabay ko eh pag-aaral at internship sa AMC. N'ung ganap na akong engineer, pinagsabay ko naman 'yung trabaho at master's ko, at isang taon din akong naging instructor ng CIVAMAT sa DLSU.

Ewan ko. Parang ang dami kong oras. Hindi kasi ako mapakali kapag walang ginagawa.

Ang di ko lang napagsabay talaga eh girlfriend. Loyal talaga ako sa isa pag may girlfriend ako. 'Tsaka sa isang girlfriend na nga lang, nahihirapan ako, magsasabay pa ako ng dalawa?

N'ung una hindi ko pa alam kung bakit. Hindi ko pa na-realize agad na 'yun ay dahil hindi ko talaga priority ang girlfriend. Ipinaalam pa 'yun sa 'kin n'ung second to the last girlfriend ko nang sabihin niya sa 'king buntis siya... sa ibang lalaki, dahil mas gusto ko pa raw makita ang mga foreman ng AMC kesa sa kanya.

Sige na, kasalanan ko na. Pero masisisi mo ba ako eh mas loyal kesa sa kanya 'yung mga foreman ko?

Kaya pagkatapos niya, siniguro kong bibigyan ko ng sapat na atensyon 'yung sumunod kong girlfriend. Natuto akong i-prioritize siya at 'yung relasyon namin, pero sa huli, naghiwalay pa rin kami, at ako pa rin ang may kasalanan.

Di naman akong masamang boyfriend kasi di naman ako isinumpa ni Mira, 'yung huli kong girlfriend, n'ung nag-break kami. Talagang mas makakabuti para sa 'min pareho na maghiwalay kasi n'ung dumating 'yung second anniversary namin, magkaiba na kami ng gusto sa mga buhay namin. Magkaibigan pa rin naman kami hanggang ngayon at ninong pa ako ng anak nila ng mister niya.

Ba't ko biglang naisip ang mga 'to? Kasi nakatingin ako sa bunso kong kapatid na kanina pa nakatitig sa kisame ng sala ko kung saan kami naglatag ng sleeping bags. Dito kasi sa bahay ko nakatira ang nanay kong umuwi galing America para sa pamamanhikan ni Ash, at d'un siya sa dating kuwarto ng kapatid ko pipirmi. 'Yung tatay naman namin--na bawal pang tumabi kay Mommy--eh nand'un sa kuwarto ko.

Halatang hindi makatulog si Ash. Noon eh kahit isabit mo lang sa pako 'yung likod ng T-shirt niya makakatulog na siya. Ngayon, alam kong di 'to makatulog kasi wala sa tabi niya 'yung fiancée niya.

Naranasan ko na ba 'yung hindi makatulog kasi hindi ko katabi 'yung girlfriend ko? Hindi pa. Mas gusto ko kasi talagang matulog nang mag-isa. Si Ash kasi cuddler 'yan. Ako, gusto kong puwede ako mag-starfish sa kama.

"Mamaya butas na 'yung kisame ko sa pagkakatitig mo d'yan," sabi ko habang naiilawan 'yung mukha ko ng backlight ng iPad.

Bumaling siya sa kabila, patalikod sa 'kin. "Hindi na. Tutulog na 'ko. Good night, Kuya."

Saglit kong tiningnan 'yung likod niya. "Sigurado kang dito ka matutulog?"

Saglit pa siyang nag-isip at umangat 'yung sulok ng mga labi ko nang bumuntong-hininga na siya. Kilala ko 'to eh. Hindi 'to makakatiis.

"Hindi." Bumangon na si Ash. "Pahiram akong kotse," sabi niya na nakalakabi pa.

N'ung mga bata kami, gan'un din siya kung manghihiram siya ng laruan. Nagpapaawa na para bang tatanggihan ko siya kahit ni minsan eh di ko ginawa. Spoiled 'to sa 'kin eh.

Never Stop FallingUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum