nineteen

7.3K 350 70
                                    

N’UNG MAGISING ako, nasa gitna na naman ako ng kama imbes na nasa sarili kong puwesto.Nasa gilid na naman si Erica, nakatalikod sa ‘kin, pero nakasiksik siya sa harapan ko, gamit na unan ‘yung isa kong braso at masarap din ang tulog. At least secure siya sa tabi ko, saka may kumot siya ngayon.

Madilim-dilim pa sa labas at malamig. Hindi ako makagalaw kahit pa nagsisimula nang ma-realize ng katawan ko na nangangawit ako kasi may mainit at malambot na babaeng maganda na nakasandal sa harapan ko. Isa pa, may mainit at malambot ding pusang nakasiksik sa likuran ko. 

Huminto yata sa pag-circulate ang dugo ko but I wouldn’t have it any other way.

Ayoko na talagang bumangon pero na-realize din ng katawan ko na desperado na akong mag-CR.

Hinalikan ko sa batok si Erica saka marahang hinila ‘yung braso ko mula sa ilalim niya. Umayos siya ng higa at nagsumiksik sa ilalim ng comforter hanggang sa tuktok na lang ng ulo niya ang kita ko. Mahina akong tumawa saka ko siya hinalikan ulit sa tuktok ng ulo.

Si Theo naman eh automatic na bumangon kasi ang ibig sabihin ng gising na human eh may magpapakain sa kanya.

Sinamahan niya ako sa CR. Napansin kong mula nang magkakilala kami ni Theo, lagi niya akong sinasamahan sa CR. Buti pa siya, interesado sa mushroom ko, ‘yung nanay niya, nagpipigil pa.

Ingat lang talaga kasi masama ang tingin ni Theo sa ‘kin. Baka bigla akong gawing scratching post eh. Patay tayo d’yan.

Nag-hugas ako ng kamay, naghilamos at nag-toothbrush pa ako (kung sakaling gusto akong i-morning kiss ni Erica mamaya). ‘Tapos tahimik kaming lumabas ng kuwarto ni Theo para pumunta sa kusina.

Balak ko sanang pakainin lang si Theo, saka ako babalik sa kama kasama ng mama niya, pero naisip ko ring hindi naman na ako makakatulog, at alam ko ring mga 8 pa gigising at babangon si Erica ngayon. Gusto ko man na panoorin lang siyang matulog, alam mo namang hindi ako ‘yung tipo ng taong kayang ilang oras na walang ginagawa. 

Nag-revise ako ng plano. Maaga pa talaga eh. Puwede pa akong mag-jogging. Bibili na lang din ako ng bagels sa bakery bago ako umuwi mamaya.

Bumalik ako sa kuwarto ko para mag-shower at magbihis, ‘tapos dumaan ako ulit sa kuwarto ni Erica. Hindi pa rin siya gumagalaw mula kanina. Inangat ko ‘yung kumot para silipin siya. Malalim pa rin ‘yung tulog niya. Nakanganga pa nga eh saka tulo laway…

Joke lang. Hindi. Maganda pa rin. Maganda lalo.

Hinalikan ko siya sa noo saka ko sininghot ‘yung buhok niya. ‘Tapos inayos ko ‘yung kumot sa ibabaw niya.

Nag-dalawang isip pa ako kung mag-te-text ako o mag-iiwan ng note. Parang mas personal ‘yung note ano?

May maliit na notepad sa ibabaw ng mesa niya na may nakasulat na “Meow to Self” at may picture ng gray na pusa sa isang kanto. Nanghiram ako ng ball pen saka ako nagsulat.

Baby—
Went out to jog. Sandali lang ako. Mag-uuwi akong bagels. Text me if you want anything (lalo na kung ako ‘yung gusto mo).
Good morning!
-Bub

Iniwan ko ‘yung note sa ibabaw ng telepono niya saka ako tahimik na lumabas.

Telepono, susi at 10 dollars lang ang dala ko nang lumabas ako ng bahay.

---

HINDI na ako pumunta ng Central Park. May maliit na park na mas malapit sa condo kaya d’un na lang ako pumunta.

Habang tumatakbo, si Erica ang laman ng isip ko. Kapag nag-jo-jog talaga, ang dami kong naiisip. Gan’un din ako habang naliligo pero dito tayo sa jogging mag-focus.

Huli kong relasyon na ganito eh n’ung high school. Hindi pa puwede mag-boyfriend ‘yung girlfriend ko kaya hindi alam ng mga magulang niya, ‘tapos hindi ko pa siya “girlfriend” pero puwede na akong manghalik. Halik lang saka holding hands. Bawal pa ang hipo. Ganito rin ‘yun noon.

Masaya ba ako ngayon? Oo.

Kulang ba kung ano’ng meron kami? Hindi naman. Kulang ng label… saka sa hipo… pero hindi naman ‘yun ang basehan ng relasyon eh.

Tsk. Pero gusto ko na siyang maging girlfriend. Gusto ko nang masabi sa mundo na ako ‘yung pinili niya.

‘Tsaka gusto ko nang manghipo!

Nakaka-ilang ikot na ako nang marinig ko ‘yung beep sa tainga ko sa gitna ng pinapakinggan kong rock music. Binagalan ko ‘yung takbo ko at hinila palabas ng bulsa ko ‘yung telepono ko.

Text siya galing kay Ash.

Simple lang naman.

Kuya, gising ka na ba? Kung hindi pa, message mo ako paggising mo. Kailangan lang kitang maka-usap. 

Kung kuya o ate ka na gaya ko at nag-text nang ganyan ang kapatid mo, ang una mong maiisip ay ‘Emergency! Emergency! Kailangan ako ng kapatid ko!’

O ako lang ba ‘yun? Si Ash kasi ‘yung kapatid ko eh. N’ung college kami, kapag mag-text na siya sa ‘kin, alam ko nang kailangan na niya ng tulong.

Huminto ako sa pagtakbo at tumabi ako para hindi ako masagasaan ng iba pang mga nag-jo-jog, saka ako nag-dial. Video call na para sigurado.

Lumabas ‘yung mukha ni Ash sa screen. Wala naman siyang bangas kaya ni-rule out ko ‘yung aksidente o away. Nasa bahay din siya kaya mukhang di rin siya pinalayas ni Mere.

“Nagtatatakbo ka na naman?” tanong niya nang mapansin na nasa labas na ako. “Takbo ka nang takbo, wala namang humahabol sa ‘yo!”

“Hinahabol na ako ng taba ko,” sagot ko.

“Kuya, parang awa mo na. Sabihin mo sa ‘king sa Central Park ka nag-jo-jogging at hindi kita na-istorbo sa gitna ng happy time n’yo ni Erica.”

“Gago.”

Pinakita ko sa kanya na nasa labas nga ako.

Nang ibalik ko sa mukha ko ‘yung camera, nakangisi na siya. “Eh kumusta naman ‘yung happy time n’yo ni Erica?”

Naningkit ako sa kanya pero kailan ko ba nakuha sa tingin ang walangyang ‘to?

“Hindi ka pa nakaka-happy time ano?” tanong niya na nakangisi pa rin.

Bumuga ako ng hangin, saka ko ginulat ang sarili ko kasi hindi ko inaasahan ‘yung lumabas sa bibig ko. “Hindi pa ako sinasagot eh.”

Hayop. Pero dahil si Ash siya, kapatid ko, at fiancé ng isa sa mga best friends ni Erica, wala nang iba pang mas makaka-intindi ng sitwasyon ko ngayon kesa sa kanya.

“ANO?”

Lakas ng sigaw ah!

“Gulat na gulat?”

“Hindi ka pa sinasagot?”

Gusto kong matawa sa itsura niya. Kung sinabi kong apat ang pinagsasabay-sabay kong girlfriends, gan’un din siguro ang reaksyon niya.

“Okay lang naman,” sabi ko. “Parang kami naman na. Gusto lang niyang makilala muna ako ng mga magulang niya bago niya ako sagutin.”

Pinagmasdan niya ako. “Paano kung biglang di ka pala sasagutin?”

“Eh di aray,” tawa ko. Walangyang ‘to! Salamat sa suporta! “Pero di naman siguro. Sana hindi gan’un. Kasi para sa ‘kin, siya na talaga.”

Napangiti si Ash kaya napangiti na rin ako. ‘Tapos tumawa siya.

“Baka naman pag-uwi mo eh, kasal ka na! Unahan mo pa ako!”

Tumawa na rin ako. Kinilig ako eh! “O, eh di okay lang! Sa isang taon pa naman ang kasal mo. Hindi tayo sukob!”

“Hindi puwede ah! Paano ako mag-be-best man?”

“Hindi pa nga ako sinasagot!” tawa ko ulit. Pero bago pa kami magkalimutan, ibinalik ko na sa kanya ang usapan. “Teka, bakit ka nga napatawag? May problema ba?”

“Kapag tumawag ako, may problema na kaagad? Di ba pwedeng miss lang kita at gusto kong masigurong nabili mo na ‘yung spam ko?”

“Oo na nga. O, kumusta? May kompanya pa ba tayo?”


Ikinuwento niya sa ‘kin na isinama siya ni Mr. Andrews sa bagong site nila, at na nagparinig sa kanya na baka sa ‘min din nila ibigay ‘yung project.

“Whoa! Talaga?” bulalas ko, na-impress.

At bakit hindi? Si Ash na halos ‘yung mag-isang humawak sa project na ‘yun. Kung interesado si Mr. Andrews na ibigay din sa ‘min ‘yung bagong project nila, ibig sabihin masaya siya sa trabaho ng kapatid ko.

I am so proud.

“Oo raw. Sana.”

May narinig ako sa boses niya na pag-aalinlangan, ‘tapos bigla akong may naisip. “Teka. Kanina ka niya isinama?” mabagal kong tanong.

“Oo.”

“Di ba kanina ‘yung food tasting n’yo sa caterer?”

Kumurap siya. “Paano mo nalaman?”

“Sabi ni Erica.”

Topic din namin sa almusal ang kasal nina Ash eh.

“Kumusta ‘yun?” tanong ko. “Masarap ba ‘yung pagkain?”

Napangiwi siya. “Hindi ko alam eh.”

“Ano?!”

“Hindi kasi ako nakasipot kanina.”

“ANO?!” Ako naman ‘yung gulat na gulat.

“Kinidnap ako, Kuya!” sumbong niya. “Sabi sa ‘kin ni Mr. Andrews sa Alabang lang kami pupunta ‘tapos tinakpan na nila ng panyo ‘yung ilong ko at nilagay ako sa trunk ng kotse. N’ung nagkamalay ako, nasa Tagaytay na ‘ko!”

Alam ko dinadaan na naman ako sa joke nito eh. Gusto kong tumawa kasi ‘yung mukha niya eh ibinagay pa talaga niya sa kuwento niya, pero dahil ako ‘yung kuya, ako ‘yung kailangang maging responsible adult.

“Ash, dapat di ka na sumama.”

“Oo nga, alam ko naman ‘yun.” He paused. “Ngayon.”

Ibig sabihin, kanina hindi?

“Sabi ni Mere kailangan ko raw matutunan ‘yung skill na mag-push back kapag di na reasonable ‘yung hinihingi ng kliyente. Eh wala pa ako n’un, kaya nakidnap ako. Pagbalik mo, magpapaturo ako sa ‘yo.”

“Madali lang ‘yun. Isipin mo kung ano ang mas mahalaga, then go with whatever that is.”

Well, at least, that’s how I do it.

“Naisip ko kasi kung gan’un din kalaki ‘yung kikitain natin—” Napahinto siya ‘tapos namilog ang mga mata niya. “Shit. Mukhang pera na ako.”

Natawa ako. Napalingon ako n’ung tumayo na ‘yung mag-boyfriend yatang nagsusubuan ng almusal sa isang bangko para umalis. Lumapit ako sa bangko nila para ako naman ang maupo bago kami nag-usap kami ni Ash tungkol sa project, at sa mga dapat niyang i-prioritize at kung paano niya ‘yun pipiliin.

Medyo lamang ako sa kanya pagdating sa gan’un dahil mas may experience ako sa pagpili ng priorities. Mas suplado rin ako sa kanya kaya mas marunong akong humindi sa mga tao.

N’ung mukhang gumaan naman na ang kalooban ni Ash, tumango na ako.

“Buti hindi ka tinulian ulit ni Mere dahil sa nangyari.”

“Hindi nga eh. Kaya mas lalo akong nakukunsensya. Basta di na mauulit ‘yun.” Napahinto siya ulit kaya naghintay ako. Alam kong may kasunod pa ‘to. “Kuya, may sasabihin pa pala ako.” Huminga siya nang malalim. “Nabangga na naman ako n’ung isang araw.”

“Ha? Anong nangyari? Nasaktan ka?”

Ayan na naman ‘yung panic.

Ako ‘yung tinawagan ng pulis n’ung na-total wreck sa C5 ‘yung Audi R8 ng tatay namin. Nasa ospital daw si Ash, walang malay at nasa surgery.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital nang hindi na-aaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko ng kotse habang nanginginig ‘yung buo kong katawan.

Natakot ko na ‘yung mga nurse sa itsura ko at naka-upo na ako sa waiting room n’ung nakita kong baliktad ‘yung T-shirt ko at magka-iba ‘yung suot kong tsinelas. Pero buti nakapag-shorts pa ako n’un.

“Hindi! Okay lang ako,” mabilis niyang sabi. “Nabasag lang ‘yung ilaw n’ung kotse.”

“Ba’t ka nabangga?” tanong ko. Alam ko naman na hindi na siya nagmamaneho nang lasing kaya hindi na ako nag-alala tungkol d’un—

“Kasama ko kasi si Liz.”

D’un ako nag-alala. Well, actually, hindi. Hindi ako nag-alala. Nabawasan pa nga ‘yung kaba ko eh. Napalitan ng… hindi ko pa maintindihan ngayon na kung anong emosyon.

“Hinipuan niya ako sa kotse. Nakabig ko ‘yung manibela kaya napaliko ako.”



Nagpatuloy siya na parang pari ako at nangungumpisal siya.

“Hindi naman niya ako hinipuan pala. Sinubukan lang niya. Nasangga ko naman ‘yung kamay niya. Gusto ko lang sabihin sa ‘yo kasi baka sabihin niya kay Mr. Andrews na ako pa ‘yung nanghipo sa kanya. Unahan ko nang mabanggit sa ‘yo.”

Kailangan kong huminga nang malalim para manatili akong kalmado.

“Kinausap mo na si Liz?”

“Sinabihan ko lang na huwag nang ulitin.”

Nagngalit ako ng bagang. “Tatawagan ko na lang—”

“Kuya, huwag na,” sabi niya. “Ang sagwa kasi. Nagsusumbong ako ng sexual harassment.”

Nasindihan ‘yung galit ko. Malaking damulag ito pero baby namin ‘to. And that’s exactly what it is, sexual harassment.

Pinilit kong manatiling kalmado. “Ash, kung hinipuan ka niya na walang pahintulot—”

“Okay ka lang? Siyempre walang pahintulot ‘yun ano!” sigaw niya.

“’Yun na nga.”

“Pero ang sagwa pa rin! Isipin mo nga kung pumunta ako sa pulis. Boss, hinipuan ako eh. ‘Tapos ang nipis n’ung babaeng ituturo ko. Paano ko sasabihing nanlaban ako?”

At iyon ang dahilan kung bakit konti lang ang lalaking nag-re-reklamo ng sexual harassment. May idea ang mga tao na “eh lalaki ka naman eh.”

Lalaki man, babae, LGBT, guwapo, maganda, hindi, kilala mo o nakasalubong mo lang sa daan, an unwanted touch is an unwanted touch.

Napahilamos ako. “Ako nang magha-handle sa project pagbalik ko.”

“Pangalan ko ang nasa kontrata,” sabi ni Ash.

“Kaya okay lang na ganunin ka niya?” hamon ko.

“Siyempre hindi, Kuya. Pero okay na. I handled it. Hindi na niya uulitin.”

Hindi maalis ‘yung kunot ng noo ko. “Sigurado ka ah. Kasi simula pa lang tinanong na kita. Desisyon mo ang susundin natin sa project na ‘to.”

“Okay lang talaga, Kuya,” he reassured me.

Hindi ako kumbinsido pero alam naman ni Ash kung ano ‘yung tama at mali, at kung ano ‘yung dapat at hindi dapat gawin. Alam din niya kung saan siya komportable, kung saan hindi, kung ano ang kaya niya, kung ano ang hindi.

Hindi na bata si Ash. At sa loob ng ilang buwan, pinanood kong ilagay niya ‘yung sarili niya sa ayos kung saan siya talaga magiging masaya.

“Fine. Ikaw ang bahala,” sabi ko na.

“Yup. Ako talaga,” masayahin niyang sabi.

“Pero, Ash—”

“Opo, opo. Kapag may lumabas pang problema, ako na ang magdedesisyon, promise. Sige na. Magtatakbo ka na d’yan. Hi kay Erica.”

Kunot-noo pa rin ako. May gusto pa akong sabihin tungkol sa mga puwedeng gawin para protektahan siya. Gusto kong sabihing kakausapin ko si Mr. Andrews, na babalaan ko si Liz, na handa naman talaga akong bitawan ‘yung proyekto nila, at sa iba na lang nila ibigay, kung ang kapalit n’un eh ‘yung peace of mind ng kapatid ko. Pero sige, kung ano ang gusto ni Ash, kung paano niya iyon gustong i-handle. Sa huli, siya pa rin ang masusunod.

“Sige, sabihin ko na lang. Tawagan mo raw si Mommy. Miss na niya ang baby boy niya.”

Tumawa si Ash. “Sige, mayamaya. Bihis lang ako saka kain siguro. Gutom na gutom na ‘ko eh.”

“Alright.”

“Thank you, Kuya, ah,” sabi niya na mas malaki at mas sinsero na ang ngiti ngayon. Halatang mas magaan na ‘yung pakiramdam niya ngayong nasabi na niya sa ‘kin ‘to.

“Okay lang. Basta kapag may iba pang problema… kapag maulit—”

“Hindi na, promise. Salamat ulit. Lab you.”

Natawa ako. “Lab you rin,” sagot ko na ang tono eh parang tono ng maton sa kanto na naghahanap ng away.

Ngumisi siya, kumaway, saka pinutol ang tawag.

Hindi ako agad tumayo. Gusto ko munang iproseso ‘yung nararamdaman ko. Galit ako, siyempre. Si Ash ‘to eh. Binastos ‘yung bunso namin.

Nabukas ko na ‘yung call log ng telepono ko at pipindutin ko na ‘yung number ni Dad n’ung pigilan ko ‘yung sarili ko.

Naalala ko lang si Dad n’ung tumawag ako noon para sabihing na-aksidente si Ash. Akala ko aatakihin siya sa puso eh. Alam kong pag-aalala ‘yung narinig ko pero dahil si Dad ay si Dad, pinagtakpan niya ‘yun ng galit. Kailan ko lang na-realize na gan’un siya kasi ayaw niyang ipahalata na pusong mamon din siya pagdating sa bunsoy niya.

Kahit pa hindi pa siya sigurado n’un na sa kanya nga si Ash.

O ako.

Long story.

Anyway, okay naman na sigurong tumawag ano? Hindi naman na gan’un kaaga.

Nag-dial ako at sumagot naman siya agad.

“Dad! Morning!” bati ko.

“O, ‘nak!”

Hindi ko napigilan ‘yung ngiti. Isa pa ‘yun sa kailan lang niya sinimulang gawin, ‘yung tawagin kami ni Ash na ‘nak. Dati kasi, ako eh si “Lex” lang, at si Ash eh ‘yung “kapatid mo”.

“Ang aga mo tumawag ah. Nag-almusal ka na?”

“Hindi pa, Dad. Inuna ko ‘yung jogging. Ano po kasi, Dad. Tumawag si Ash. Huwag kayo mag-alala ah! Kasi okay lang siya.”

“HA?!” bulalas niya.

“Sabi nang huwag mag-alala eh,” sabi ko na mapagbiro ‘yung tono. Para kahit nag-alala na siya agad sa intro ko, at least, subconsciously, ma-isip niyang hindi naman ako magbibiro kung nasaktan nga si Ash.

“Ang sabi mo huwag ako mag-alala kaya nabigla na lang ako.”

Tingnan mo ‘to.

“Masyado kang masaya ngayong mga oras na ‘to, ano, Dad?”

Baka nambastos na naman ng sofa ng may sofa.

“Eh bakit ba kasi? Ano’ng nangyari?” ‘Tapos noon yata niya na-realize na baka may nangyari nga. “Teka, ano’ng okay lang si Ash? May nangyari kay Ash?”

“Nabangga daw siya ulit.”

“HAAA?!”

Ikinuwento ko ‘yung sinabi ni Ash tungkol sa aksidente niya pero nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya kung bakit naaksidente si Ash.

Sa huli, sinarili ko na. Personal din kasi ‘yun at parang hindi na—o hindi pa—kailangang malaman ng tatay namin. Saka parang kung malaman niya, dapat kay Ash manggaling.

Basta sinabi kong okay lang si Ash at na minor accident lang, at na gusto ko lang ipaalam sa kanya. Noon kasi, hiniling niya sa ‘kin na i-report ko sa kanya kung may ginawa si Ash na kalokohan. I rarely told him anything. Ako ang umaayos kapag may katarantaduhan si Ash.

Hindi naman kasi seryosong mga kagaguhan ‘yun. Hindi ko siya kailangang ipiyansa o ikuha ng abugado. Madalas kailangan ko lang magbayad sa bar kasi may mga nabasag dahil nakipagsuntukan siya. Hindi pa ‘yun dahil lasing siya ah. Nakikipagsuntukan lang naman ‘yun kapag 1) may babaeng nabastos sa harapan niya, and 2) napagtripan siya ng lasing kasi naangasan sa mukha niya.

Hindi nagpa-awat si Dad at sinabing tatawagan niya muna si Ash para masiguro na okay si bunso. Sabi ko gising pa naman ‘yun kasi kakakausap ko lang sa kanya.

Nang putulin namin ang tawag, saka ako tumayo. Medyo tanghali na kaya tama na ang jogging. Baka pagising na rin si Erica. Uuwi na ako sa kanya.

---

PAGDATING ko ng bahay, gising na nga ang baby ko. Nakaluto na siya ng bacon at itlog, at may naghihintay nang kape para sa ‘kin. Parang normal na lang na hinalikan ko siya sa mga labi nang lumapit ako sa kanya.

“Bagels,” sabi ko na nakadikit pa rin sa mga labi niya ang bibig. Hindi ko mahila palayo eh. Parang may glue. “May plain, may cream cheese.”

Siya ‘yung lumayo pero hindi naman ako itinulak at hindi rin umalis mula sa pagkakayakap ko sa bewang niya. Ngumiti siya sa ‘kin.

“Okay. Ready na ang bacon and eggs. Gusto mong mag-shower muna? O kakain ka na muna?”

“Shower muna. Amoy pawis ako eh.”

Lumapit siya ulit at ibinalot ‘yung mga braso niya sa leeg ko. Susko po. Sana huwag mapansin ‘yung mushroom na biglang tumubo sa pagitan namin.

“Hindi naman,” sabi niya na may singhot pa sa kurba ng leeg ko. “Bango pa rin naman.”

Bumuntong-hininga ako saka ko hinigpitan ‘yung yakap ko sa kanya.

“You okay?” bulong niya na may haplos pa sa buhok ko.

“Nabangga raw si Ash,” sabi ko. 

Naramdaman kong natigilan siya saka siya lumayo. “What? Is he okay?”

“Okay lang.”

“Ano’ng nangyari?”

“Hinipuan kasi siya ng ex niya.”

“WHAT?!”

Hinalikan ko siya sa ilong saka siya hinawakan sa mga balakang. “Maliligo muna ako. Mamaya ko na ikukuwento habang kumakain tayo.”

Hindi niya ako binitawan. “Ang daya! Mamaya ka na maligo! Ikuwento mo muna!”

Tumawa ako. “Mamaya na!”

“Hindi!”

Nag-alumbitin siya sa leeg ko. Eh di yumakap din ako. “Sige, ikukuwento ko na ngayon pero samahan mo ako sa banyo ah!”

“Kainis!”

Binuhat ko siya para simulan siyang dalhin sa banyo pero malakas siyang tumawa saka kumapit sa gilid ng kitchen island.

“Bub!” tili niya.

Tumawa ako ulit, tuwang-tuwa sa buhay. “Akala ko gusto mong ikuwento ko na!”

“Sige na! Maligo ka na muna! Bilisan mo!”

Binitawan ko na siya at itinulak niya ako palayo. Nakangisi ako habang papunta sa banyo sa kuwarto ko.

Di bale. Someday soon, sasabay na sa ‘kin ‘yan maligo. Idadagdag ko ‘yun sa listahan ko ng mga goals ko sa buhay.

---

GAYA ng inaasahan, gigil na gigil siya nang ikuwento ko sa kanya ‘yung nangyari kay Ash. Kinailangan kong agawin ‘yung telepono niya bago pa niya matawagan si Mere para makakuha ng iba pang detalye.

“Huwag nga!” tawa ko habang inilalayo sa kanya ang telepono niya. “Hintayin mong siya ang magsabi sa ‘yo! Baka sabihin naman na tsismoso ako! Ako pa ang unang nagkuwento!”

“Ay, hindi ba?”

Inipit ko sa pagitan ng dalawang daliri ‘yung ilong niya saka ko inilagay sa bulsa ko ‘yung telepono niya. Baka kasi gusto niyang kuhanin, eh di dukutin niya sa bulsa ko, di ba? Kung may iba pa siyang madukot, eh di masaya.

“Ba’t may mga taong gan’un, ano?” gigil niyang tanong. “Alam na ngang masaya na sa relasyon nila sa iba ‘yung tao eh!”

“May mga tao rin namang pumapatol,” sabi ko.

“Ano’ng sabi ni Ash? Kumusta na siya?”

“‘Yun nga eh. Mas nag-aalala pa tungkol sa project.”

Sumimangot si Erica. “Gaano ba kalaki ‘yung project na ‘yun.”

Bumuntong-hininga ako. “‘Yun kasi ‘yung pinakamalaki at pinaka-high profile na project namin mula n’ung magsimula ang AMC,” amin ko. “The businessman in me says to let it go, pero ‘yung kuya, gustong sumugod para awayin ‘yung bully na nang-aaway sa kapatid niya.”

“Aww.” Inabot niya ‘yung braso ko.

“Saka nag-aalala rin ako. I mean, puwede kong bitawan ‘yung proyekto pero binanggit kasi ni Ash. Paano nga kung baliktarin ni Liz ‘yung kuwento? Paano kung sabihin niyang siya ang hinipuan ni Ash?”

“Bitch.”

Natawa ako. “Inis na inis ang baby ah.”

“Subukan lang niya, naku! Walang tanong-tanong, makakalbo ang bruha na ‘yun.”

“People would believe her, though,” I pointed out.

“Yeah, but not the people who count.” Inirapan niya ako. “Saka sa palagay mo maniniwala akong ipagpapalit ni Ash si Mere sa kanya?”

“Malay mo?” sabi ko.

Pero inakbayan ko na siya n’ung mas lalo siyang maningkit sa ‘kin, bago pa ako masaktan.

“Joke lang. Hindi. Hindi gan’un si Ash. Kahit masapian ‘yun ng demonyo, hindi ‘yun manloloko ng babae… lalaki lang ang niloloko n’un.”

Bumungisngis ulit si Erica. “Yeah. Mere told me about Marlon.”

Ako naman ang tumawa.

“Have you ever cheated on any of your girlfriends?” bigla niyang tanong.

Nilingon ko siya. “You think I’d admit it if I had?”

“Yes, you would. You’re honest like that.”

Ngumisi ako, na-touch. “Then you’d know that I’d never cheat.”

Saglit pa niya akong pinagmasdan bago siya tumango. “Sabagay.”

“Bait ako eh. Mas mabait akong boyfriend. Kaya sagutin mo na ako para ma-experience mo.”

Natawa siya. “Ipilit, bub?”

I grinned.

“Anyway, sige na. Hihintayin ko nang magsabi si Mere. I’m sure mag-e-email ‘yun bukas.”

“E-mail? Wala kayong group chat or something?”

“Meron kami nina Alessa and Pia. Nand’un si Charlotte pero hihimatayin ka sa gulat kapag mag-message siya. Mere doesn’t like messaging apps so if she needs to tell us anything as a group, she texts us or e-mail kung mahabang kuwento.”

“Ah,” sabi ko. “Sabagay. Ikaw nga lang ang kinakausap ko sa messenger eh. Kahit si Ash naka-block d’un.”

Malakas na naman siyang tumawa. “Napaka-suplado nito!”

“Sa ‘yo nga lang hindi!”

Kinunot niya ang ilong niya saka inabot ulit ‘yung mug niya ng kape. “Anyway, bub, ano’ng gusto mong gawin next week?”

“Huwag nang umuwi ng Pilipinas.”

Hindi ko sigurado kung ano dapat ‘yung maramdaman ko sa idea ng “next week”. Sa susunod kasing Sabado, uuwi na kami ni Dad. Matatapos na ‘tong panaginip ko na ‘to, at LDR na naman kami ng baby ko.

Lumabi si Erica at inabot ‘yung kamay ko. Lumabi din ako at pinagbuhol ‘yung mga daliri namin. ‘Tapos lumapit siya ulit at inihilig ‘yung ulo sa balikat ko.

“One week ka na ba dito? Bakit parang kakarating mo lang kanina?”

Hinalikan ko siya sa noo bago ko idinikit ‘yung pisngi ko sa tuktok ng ulo niya. “Ang bilis ng oras ano?”

“Oo nga eh,” sagot niya bago siya bumuntong-hininga ulit, ‘tapos tumuwid. “Pero may isang linggo pa tayo. And I’m on leave from Wednesday to Friday. Let’s go somewhere.”

“Ayaw mong dito lang sa bahay?”

Ilong ko naman ang inipit niya sa pagitan ng mga daliri niya sabay tulak palayo sa mukha ko. “Sayang naman ang punta mo rito kung dito ka lang tatambay! Gumala naman tayo!” sabi niya na may pisil pa sa kamay ko.

Inangat ko ‘yung mga kamay namin para mahalikan ko ‘yung likod ng sa kanya. “Saan tayo pupunta?” 

“Gusto mong pumunta ng Hamptons?”

“Ano’ng meron d’un?” tanong ko. Isang beses pa lang ako nakapunta sa Hamptons eh, saka bata pa ako n’un. Ang alam ko lang ngayon tungkol d’un eh bakasyunan siya ng mga mayayaman at celebrities.

“Beach,” sabi niya.

Tiningnan ko lang siya. “September ngayon,” paalala ko. Mainit na siguro ‘yung 23 degrees Celsius dito kapag September. ‘Tapos gusto niyang mag-beach?

“Hindi naman natin kailangang mag-swimming!” tawa niya ulit. “Para lang maiba naman. Puro buildings ang nakikita natin dito eh. And it’s only about two plus hours away.” Saglit siyang nag-isip. “Hindi! Alam ko na! Gusto mong pumunta ng Catskills na lang? Tutal mahilig ka sa outdoors! Tama! D’un na lang! Mas ma-e-enjoy mo ‘yun!”

“Ako? Eh paano ikaw? Mag-e-enjoy ka rin ba d’un?”

“Oo! Okay lang ‘yun! Habang nagpapakapagod ka mag-hike at mag-bike, hihintayin na lang kita sa cabin o sa isang coffeeshop! Balikan mo na lang ako!”

Napalakas na naman ang tawa ko. “Eh dito na lang tayo! Puwede rin naman akong maglakad dito! May coffeeshop naman d’yan sa malapit! Sasamahan na lang kita!”

“Hindi! Pupunta tayo d’un para sa view!” excited na rin niyang sabi. “Sige na, bub! Catskill Mountains na!”

“Eh sige,” sang-ayon ko na saka ako tumayo para simulan nang magligpit ng mga pinag-kainan namin. “Basta ba mag-e-enjoy ka rin d’un ah.”

“Oo, promise! So, d’un na lang? We can go on Thursday morning ‘tapos Friday ng hapon tayo bumalik dito.”

“Puwedeng Saturday na ng umaga,” sabi ko habang nag-lo-load ng dishwasher. “Sayang naman kung overnight lang. Saka okay akong mag-drive ng gabi kung gusto mong Wednesday pa lang, bumiyahe na tayo. Sayang kasi ‘yung oras eh. Sunduin ka na namin ni Theo sa trabaho ‘tapos derecho na tayo.”

Alam mo ‘yung mga mata ng mga anime characters na biglang nagniningnig saka nagiging hugis puso? Naging gan’un mga mata ni Erica.

“Kasama si Theo?” tanong niya na boses baby.

“Hala! Alangan namang iwan mo ‘yung panganay natin dito na mag-isa!” bulalas ko mula sa harapan ng lababo.

“Hindi naman dito! Kapag umuuwi akong Pilipinas, iniiwan ko siya sa petsitter o sa vet niya kasi may pet hotel sila. He loves it there. Lagi ko siyang sinusundo na mas mataba kaysa n’ung iniwan ko siya.”

“Eh dito lang naman tayo sa New York. Puwede natin siyang isama. Hanap na lang tayo ng pet-friendly na tutuluyan.”

Hindi ko inaasahan ‘yung halos liparin niya ako mula sa kinatatayuan niya para mag-alumbitin ulit sa leeg ko.

Not one to miss an opportunity to hug her, ibinalot ko ‘yung mga braso ko sa baywang niya.

Tumingala siya na nakangisi. “You’re perfect.”

“I know I am,” sagot ko. “But why am I perfect this time?”

Bumungisngsi siya. “Kasi gusto mong pumunta sa Catskills imbes na sa Hamptons.”

“Mas gusto kong pumunta sa bundok ngayon kesa sa beach,” singit ko.

“Kasi okay lang sa ‘yo na kasama si Theo.”

“Maiiwan mo ba ‘yun? Baka mangayayat,” singit ko na naman.

“Because you feed him when I’m not here, and you clean his litter box.”

“O, eh alangan namang hayaan kong marumi ‘yun. Ilong ko naman ang kawawa.”

Ngumisi siya ulit at sinapo ang mukha ko. “And you respect me and my boundaries. You’ve never made me feel afraid of you or uncomfortable, even when were in bed together.”

“Bastos talaga ako, baby, pero usually sa isip ko lang.”

Bumungisngis siya ulit. Then, she wrapped her arms tighter around my neck, and softly pressed her lips to mine. Sabay na natunaw ang puso ko at nabuhay ‘yung katawang lupa ko.

I pressed my forehead to hers. “I want you,” amin ko na mas hinihigpitan ang yakap ko sa baywang niya. “I want to touch you. I want to do things to you, with my hands. With my mouth. With my mushroom…”

She giggled again, and I love how it sounds.

“Pero hindi ko ‘yun gagawin hanggang sa walang permiso galing sa ‘yo. Kahit pa tayo na.”

“Hindi ba ‘yun ang dahilan kung bakit gusto mong sagutin na kita?” tanong niya habang pailalim na nakatingin sa mga mata ko. “Para may permiso ka na?”

Mahina akong tumawa. “Eh isa ‘yun, siyempre. Gusto ko nang manghipo talaga eh.” Naningkit siya at hinalikan ko siya sa ilong. “Pero hindi ‘yun ‘yung una. I want to be with you. I want to be yours. I want all the rights and the privileges that come with that.”

“And the problems,” dagdag niya na mukhang nag-aalala. “Problems come with being in a relationship.”

“Yeah, but we’ll make it work.”

Tumungo siya, saglit na nag-isip, pagkatapos ay muling tumingala sa ‘kin. “Bub, sa bakasyon natin…” Huminto siya, huminga nang malalim, saka ako tinapat. “I’m not going to sleep with you then either, okay?” sabi niya na mas tumingkad ang pamumula ng mga pisngi. “I mean… I’m not… I didn’t suggest it to set up a seduction. I think sayang lang talaga ‘yung pagpunta mo dito sa New York kung hindi tayo lalabas ng New York City. I’m sorry if that’s—”

I kissed her again, then held her close and cradled her head against my shoulder.

“Alam ko ‘yun,” sabi ko at nag-relax siya sa yakap ko. “Sayang.” Natawa ako nang sundutin niya ako sa tagiliran. “Pero alam ko ‘yun. Masaya naman ako sa ganito lang. ‘Yung pumapayag ka nang payakap-yakap ako at pahalik-halik, saka ‘yung magkatabi tayo matulog. Masayang-masaya na ako d’un. Lalo na’t alam kong si Theo lang ‘yung isa pang lalaking pinapayagan mong tumabi-tabi sa ‘yo.”

She looked up at me and smirked. “Una, pusa si Theo. Pangalawa, kapon siya.”

“Ayun naman ang huwag mong hingin sa ‘kin. Gusto ko pang masundan natin si Theo.”

Natawa ulit si Erica pero tumuwid siya at hinalikan ako ulit sa pisngi.

“Sige na. Mag-re-research na ako. Gusto mo bang mag-hotel? Cabin? Saan mo gustong mag-stay?”

“Ikaw nang bahala. Kahit magtayo lang tayo ng tolda sa gubat, basta tabi tayo matulog.”

Kinurot niya ako ulit sa ilong saka ako binitawan. “Okay.”

Lumayo na siya at nagsimulang maglakad palayo bago niya ako ulit hinarap. “Teka! ‘Yung phone ko!”

“Sa bulsa ko,” sagot ko saka ako kumindat-kindat. “Kunin mo?”

“Yoko. Baka iba madukot ko.”

Tumawa ako at kinuha ang phone niya mula sa bulsa ko, saka siya ulit naglakad palabas ng kusina.

I watched her, then I blew out a breath and leaned back against the kitchen counter.

Tumungo ako sa mushroom ko na nakatingala sa ‘kin. Nagising kasi sa pakiramdam ng malambot na katawan ni Erica na nakahilig sa ‘kin, saka umasa na rin kasi siya.

Romatic vacation na kaming dalawa lang? Saka si Theo pala? Ilang araw at gabi na magkasama kami sa isang honeymoon setting? Siyempre, ambilis ng takbo ng imagination ko eh. Pero hindi naman ako asang-asa kasi na-set naman na kasi ‘yung expectations ko dati pa.  Hanggang dito lang ‘yung kaya at gusto niyang ibigay sa ‘kin kaya hanggang dito lang ako.

“Bub!” excited niyang tawag mula sa sala. “May nakita akong magandang cabin! Mag-cabin na lang tayo!”

Napangiti ako.

“Sige. Pero check mo ‘yung wild life sa paligid. Baka may oso d’yan o kaya wolf! Baka makain si Theo!”

“Ay, shoot! Teka, check ko!”

Naglakad na ako para samahan siyang magplano ng honeymoon, este, ng bakasyon namin.

Kahit hindi masaya ang mashroom, masaya naman ang puso. Okay na ‘yun sa ngayon. We have this week together, and then—

Umiling ako. Hindi. Saka ko na iisipin ‘yung ‘pagkatapos’. We have this week. Okay na rin ‘yun sa ngayon. Saka na ‘yung ‘pagkatapos’.

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now