two

6.6K 404 167
                                    

NAGING madali para sa 'min ni Mommy na magkasama kami sa bahay. Kahit hindi ako sanay, na-realize ko na na-miss ko rin naman 'yung magkaroon ng nanay.

Kahit sinabi ko sa kanya na huwag na siya mag-abala, magigising ako sa umaga na handa na 'yung almusal at kape ko. Ang linis din ng bahay ko. Likas kasi siyang maayos kaya maya't-maya eh nagliligpit. Hindi naman kailangan kasi nga hindi naman ako makalat at may cleaning service naman ako na nag-ge-general cleaning minsan sa isang buwan. Minsan din akong umuwi na naabutan ko siyang naglalaba! Hindi ko maalala n'ung bata ako na nakita ko siyang lumapit sa washing machine. Siguro nasanay na lang din kasi mag-isa lang siya sa New York.

Ang problema ko lang eh 'yung kapag madaling araw na ako umuuwi galing site, hinihintay pa talaga niya ako. Paano kung nag-uwi pala ako ng babae?

Na hindi ko magagawa dahil nga single ako at mas gusto kong matulog, pero paano pa rin di ba?

'Yun pala ano? Paano kung gusto ko nga mag-uwi ng babae? Pagpasok namin sa bahay, naghihintay sa sofa ang nanay ko. Kung ako naman ang magpa-uwi sa kanya, paano ko sasabihin na kailangan kong umalis nang maaga kasi hinihintay ako ng nanay ko?

Buti pa siguro huwag muna ako pumila sa Starbucks.

At kung nag-iisip ka, apat na babae pa lang ang nakakapasok sa bahay ko: si Ate Lourdes, 'yung naglilinis ng bahay, si Mommy, si Karina at si Meredith n'ung magkasama pa kami ni Ash. Virgin pa ang condo ko. Sa 'kin. Kasi malamang gumawa na ng milagro si Ash d'un.

So yeah, okay naman akong housemate si Mommy.

Ang totoo, matapos ng nangyari kahapon sa bahay kung saan nalaman na ni Ate Kaye na paghihiwalayin na ni Dad ang mga negosyo, mukhang pati tatay ko eh magiging housemate ko na rin. Sa sama ng loob, binantaan ni Ate Kaye si Dad na hihiwalay na silang mag-anak ng tirahan. Siyempre papayag ba naman ang tatay ko na umalis ang mga apo niya? Di sinabi niyang siya na lang ang lilipat kung talagang ayaw na ni Ate tumira sa poder niya.

Handa naman akong palipatin ang tatay ko sa 'kin. Hindi kami malapit pero hindi naman kami magka-away. Di tulad ng relasyon nila ni Ash na para silang aso't pusa, medyo mas malamig 'yung relasyon naming dalawa. Si Ate Kaye ang paborito niya; si Ash 'yung sakit ng ulo niya. Ako 'yung anak na nakakalimutan niyang meron siya. Pero pagkatapos naman ng lahat ng nangyari at ng nalaman ko-na nangaliwa nga si Mommy at hindi alam ni Dad kung anak ba talaga niya kami ni Ash-naging malinaw na sa 'kin kung bakit gan'un. Eh, okay lang. Di naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Isa pa, I am who I am because of that. Masaya naman ako sa kung sino ako ngayon kaya okay lang talaga.

Hindi ko inalis 'yung mga mata ko sa monitor ko nang may kumatok. Mabilis namang bumukas 'yun. Pumasok si Ayie at lumapit sa mesa ko.

"Sir Lex, four PM na po," sabi niya. Sinabi ko kasing ipaalala niya sa 'kin kung four na. Maaga akong aalis kasi pupunta ako ng gym para sa birthday ni Norris. "At bago kayo umalis, pakipirmahan po muna 'tong mga 'to."

Sinulyapan ko 'yung mga papel. Mga kontrata 'yun ng tatlong bagong mga projects na papasok.

Bago pa ako magsimulang maghanap ng ball pen, inabot na sa 'kin ni Ayie 'yung ball pen niya.

"Ewan ko kung ba't kailangan mo pa lagyan ng flags na nagsasabing sign here 'tong mga papel mo eh itinuturo mo rin naman sa 'kin kung saan ako pipirma," biro ko habang pinipirmahan 'yung space sa tabi ng daliri niya.

"Di kasi 'yan para sa 'yo, Sir. Para sa 'kin 'yan. Para alam ko kung saan ko ituturo."

Tiningala ko siya at nginisian niya ako. Umiling ako at pinirmahan 'yung iba pa. Medyo adik kasi sa office supplies 'tong assistant ko kaya may pa-Post It siya lagi.

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now