eleven

11.3K 439 172
                                    

KUMAKAIN ako ng hapunan sa kusina ko habang nasa screen ng telepono ko si Erica na kumakain naman ng almusal.

“Eto na ah!” sabi ko sa kanya nang iusog ko ang cursor sa screen ng laptop ko na nasa kabila naman ng pinggan ko. “Ibu-book ko na.”

Tumawa siya habang ngumunguya ng sandwich. “Ikaw! Kung sure ka na.”

Naka-ponytail siya at nakasuot ng kulay gray na nightshirt na may picture ng cartoon na pusa sa harapan. Naninigkit pa siya sa antok pero siyempre, maganda pa rin.

“Eto na talaga. Wala nang bawian!”

Itinaas niya ‘yung tasa niya ng kape. “Go!”

Ni-click ko ang buton sa screen, naghintay saglit, nag-check ng confirmation page, pagkatapos ay dumating na rin sa e-mail ko ang confirmation na may two-way ticket na si Lex Aragon Montesines papunta ng New York (at na kasabay ko na nga rin pauwi si Efren Montesines, sa ayaw at sa gusto niya).

“’Yan na!” Nagtaas pa ako ng dalawang kamao sa ere. “Pupunta na talaga ako!”

Sana hindi halata na umiikot ang sikmura ko sa takot at kaba dahil seryoso na. Magkikita na talaga kami. 

“Okay!” masayahing sabi ni Erica. “Kelan ulit ‘yan? Para alam ko kung kelan ako aalis ng New York para hindi mo ako abutan dito.”

“Hoy!”

Tumawa siya ulit ‘tapos ay tiningnan lang ako sa screen. BIgla siyang nagseryoso.

“Totoo na? Pupunta ka talaga dito?”

Ngumiti ako sa kanya, ‘yung reassuring kahit pa nag-aalala talaga ako na baka mali ‘yung impulsive—impulsive pero ang tagal ko naman na pinag-isipan—na desisyong puntahan siya.

“Oo. Sabi ko naman sa ‘yo di ba? Na seryoso ako.”

Seryoso ako na pupunta akong New York, at na seryoso ako sa kanya.

Tumango siya.

“Ayaw mo na ba?” tanong ko.

“Hindi!” sabi niya agad na pinapaikot-ikot sa mga kamay niya ‘yung mug niya. “Excited naman ako kaya lang kinabahan ako bigla.”

“Bakit?”

Pinagmasdan niya ako. “Paano kung di pala tayo magkasundo?”

“O bakit naman? Iba ba ugali mo pag di mo ako kausap?”

Natawa siya. “Siyempre, hindi! Kaso…” Umiling si Erica. “Eh alam mo naman ako, introvert ako. Iba ‘yung nasa screen ka, iba ‘yung kapag nandito ka na. Eh, basta, kinakabahan ako.”

Gusto kong abutin ‘yung kamay niya. “Eh ako rin naman eh,” amin ko. “Paano kung di pala ako kasing guwapo sa personal?”

Natawa na naman siya.
Noon ko na inabot ‘yung screen ko. ‘Yun lang naman ‘yung paraan para mahawakan ko siya eh. “It’s going to be alright, baby. Huwag ka na mag-alala, okay? I’m sure we’ll get along just fine.”

She titled her head toward my hand as if I was really touching her face. “Yeah, okay.” She smiled softly. “Pero excited naman talaga ako na makilala ka.”

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now