four

6K 367 197
                                    

HEY! MEDYO natagalan 'yung meeting. Baka tulog ka na. Good night!

Buong araw akong naghintay ng reply pero patago lang. Hindi naman ako tumitig sa telepono ko. Tumingin-tingin lang ako sa kanya mga every five minutes kahit alam kong malamang eh tulog nga si Erica. Tinitingnan ko rin 'yung relo sa screen ko kasi dinagdag ko na d'un 'yung relo na nagpapakita ng oras sa New York. Para handa ako kung sakaling mukhang oras na ng gising niya.

Medyo nagpagabi ako sa opisina kasi marami akong inasikaso. May mga kliyente na concerned sa mangyayari sa mga proyekto nila pag matuloy na nga na umalis na ng AMC si Ate Kaye kasi 'yung iba, lalo na 'yung mga pamilya na kliyente pa ni Dad, si Ate Kaye talaga ang nakilala sa opisina. Kailangan ko pang lambingin at i-reassure na maaasahan din naman kami ni Ash.

Sa totoo lang d'un nauubos ang energy ko, sa pakikipag-usap sa mga tao. Kaya ko ng manual labor pero 'yung marketing at PR side, 'yun ang ayoko. Mas gusto ko pang ako na lang ang magtayo mag-isa ng scaffolding sa building kesa mag-asikaso ng mga kliyente pero wala naman akong choice ngayon.

Unless, ipasa ko 'yun kay Ash kapag pormal ko na siyang COO. Mas friendly kasi 'yun eh. Mas approachable kasi laging nakangiti. Kausapin ko na rin siya tungkol d'un.

Nagta-type pa ako ng bagong report para sa isang kliyente nang mag-beep ang telepono ko. Ang bilis ng pagdampot ko sa kanya! Parang may aagaw!

Pagkakita ko kung kanino galing 'yung message, nawala 'yung pagod ko.

Erica
Good morning! Sorry nakatulog nga ako kagabi. I hope your meeting went well. 😊

Nagkatali-talisod pa 'yung mga daliri ko sa pagta-type ng reply.

It dif thanls, papsaok ka na?

Buti binasa ko bago ko i-send.

It did, thanks. Papasok ka na?

Erica
Kape muna. Ikaw? Pauwi ka na?

Lex
Mamaya pa. May report pa ako. Tatapusin ko Ericna.

Erica
O

h, sorry. You're busy.


Kala niyadi ko siya kakausapin dahil may report ako? Hindi 'no! Walang busy-busy!

Lex
No! Okay lang. I need a break anyway. Nasa NYC ka di ba? Kelan ka pa d'yan sa US?

Erica
After college 😊 Sabay kami ni Mere nag- masters. Pero sa Wharton siya. Dito na ako kaagad sa New York.

Lex
Ah, talaga? Saan ka nag-aral d'yan?

Erica
Columbia University.

Nakikita ko na lang 'yung resume niya. Ang bigat! Ateneo, 'tapos Columbia University? Buti na lang talaga secure akong tao.

Erica
Ikaw ba? San ka nag-aral?

Lex
Out of school youth ako. Joke lang ahaha Sa DLSU ako 😅

Erica
Oh, my God! You're the enemy! 😂

Never Stop FallingUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum