ten

7.6K 390 109
                                    

NAG-GOOD morning, baby ako sa kanya nang magising ako ulit three hours later pero hindi siya naka-reply agad. Siguro kasi kagagaling sa sakit kaya hinayaan ko na. Dala ko lang buong araw 'yung tuwa na baby na ako ni Erica. Six footer, medyo maskulado, may weekend beard stubble, CEO ng isang kompanya, pero tuwang-tuwa na baby ako ng isang babae.

Wala ni isa sa mga ex ko ang ginamitan ko ng nickname eh. Hindi ko alam kung bakit. Pero si Erica, una pa lang gusto ko na siyang i-baby. Puwede rin na tulungan siyang gumawa ng baby—

Saka na 'yun. Basta baby agad ang naisip ko. Basta masaya ako.

Masaya rin naman 'yung almusal namin kahit nahalata kong may konting tensyon sa pagitan nina Ash at Ate Kaye. Binulungan ako ni Kuya Tommy na medyo nagkasagutan yata 'yung dalawa kanina pagdating namin, pero patago lang kasi mukhang hindi rin narinig nila Mommy na nauna nakarating sa bahay kesa sa 'min.

Siguro nahiya din si Ate sa balat niya. Nand'un sina Mr. at Mrs. Balajadia, at sila Ninong Ernest at Tita Vera. Huwag naman sana siya mag-eskandalo.

Wedding plans ang pinag-usapan nila sa almusal, at ako naman eh walang alam sa gan'un kaya si Kevin ang kakuwentuhan ko.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ang mga magulang ni Mere na mauuna na kasi hahabol daw sila sa misa. Nagpaalam na rin sina Ninong Ernest at Tita Vera. Nagtanong pa si Dad kung tuloy sila ni Ninong sa Sabado para mag-golf. Alam ni Ninong na sasama si Dad sa New York kaya ngumiti lang siya.

"Sige, sabihan mo lang ako," sabi lang niya sa kuya niya.

Pag alis nila, pinagtulungan naming isakay ang mga bagahe ni Mommy sa Grandia. Sa dami ng pinamili ni Mommy dito sa Pilipinas, hindi naman na magtataka si Dad kung bakit ang daming maleta ni Mommy. Kahit pa dalawa d'un eh puro damit niya ang laman.

Nasa front door sina Ate Kaye at Kuya Tommy. Umiiyak si Kent kasi hindi siya pinayagang sumama. Nauna sila ng Daddy niya na magpaalam kay Mommy, 'tapos pumasok na sila ng bahay para hindi na kami mapanood ni Kent na umalis. Lumapit si Mommy kay Ate Kaye. Nakita ko na naman kung gaano sila magkamukha. Kung kami ni Ash eh mukhang pinilas kay Dad, si Ate Kaye naman, halos clone ni Mommy.

May sinabi si Mommy sa kanya na hindi namin narinig pero nakita kong nangilid ang mga luha ni Ate, huminga siya nang malalim at tumango. Hinalikan siya ni Mommy sa noo saka sa mga pisngi bago sila nagyakapan. Kumapit si Ate Kaye sa kanya at nang maghiwalay sila, pinunasan ni Mommy 'yung mga luha ng ate ko.

Naawa naman ako. Mahal din naman kasi ni Ate Kaye 'yung nanay namin. Madami lang talaga siyang sama ng loob mula pa n'ung mga bata kami na hindi niya kayang bitawan, at hindi nila kayang ayusin sa loob lang ng ilang linggo.

Sumakay na kami sa Grandia. Sa front seat ako naupo. Lumapit si Ate sa van para magpaalam din kay Dad. Siguro nasabi na ni Mommy sa kanya na kasama nga niya ang tatay namin. 'Tapos bumalik na siya sa may front door. Sana sinabi kong sumama na lang siya. Kahit sakmalin niya ako, at least nauna akong sumubok na makipagbati. Pero hindi rin ako nagsalita eh. Hindi naman dahil sa pride na gusto kong siya ang mauna, pero matigas din kasi ang ulo ko. Wala pa rin kasi ako sa kondisyon na makipag-usap sa kanya.

Tahimik lang kami lahat. Siguro kasi hindi lang ako 'yung nakakita na tumakbo papasok ng bahay si ate na umiiyak bago makalabas ng gate 'yung van.

Napalingon ako nang matawa si Ash.

"Pinukpok ako ni Dad ng unan!" sumbong niya habang kinukuskos 'yung tuktok ng ulo niya.

"Paano ayaw ako pahawakin sa kamay ng mommy mo!"

Tumawa na kaming lahat.

"Aba, Dad!" sabi ko. "Magdamag na nga kayo magkasama kagabi, manghahawak ka pa ng kamay ngayon?"

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now