fifteen

7K 406 127
                                    

A/N: Pasensya na po at masyadong natagalan itong si Lex. Ilang beses ko kasi siya sinimulan pero hindi ako ma-satisfy sa mga sinusulat ko kaya hindi ko matapos-tapos. Pasensya na po kasi sabaw din po ang utak ko n’ung sinusulat ko ‘to at hindi ko pa na-edit. Sa susunod na lang po as usual.

I just want to take this opportunity to thank the generous people who bought me and Lex coffee sa BMAC. Hindi po ninyo alam kung gaano ko ka-appreciated ang mga pa-kape ninyo. Kaya po I’ll do my best to make every update worth the coffee haha thank you po ulit.

At thank you sa inyo na matiyagang naghihintay na super understanding sa pinagdadaanan ko. Maraming salamat po.

Sana po kahit paano, ma-entertain kayo ng update na ‘to.

Also, edited pala 'yung previous chapters kasi marunong pala mag-drive so Erica, my gulay! Hahaha sorry po. Loophole. Marami pa akong makikita n'un and I'll try to fix all of them as I go.

Thanks po ulit!

---

KUNG ako lang, baka hindi ako natulog nang dalawang linggo para wala akong ma-miss na oras kasama ni Erica. Kaya lang the spirit might be willing but the incredibly hot and sexy body is weak.

Bago pa lumubog ang araw, nakahabol na ‘yung antok ko nag-aya na ako sa Sylvia’s para sa early dinner kaya hindi na namin naabutan ang pagbubukas ng mga ilaw sa Times Square.

Di ko alam kung napansin niya pero hawak ko ‘yung isa niyang kamay habang nagmamaneho ako, n’ung naglalakad kami papuntang Sylvia’s, at n’ung naka-upo na kami sa loob ng restaurant.

Kahit magkatapat kami, hawak ko sa ibabaw ng mesa ‘yung kamay niya. O eh nakapalibot din naman ‘yung mga daliri niya sa hinlalaki ko na parang bagong panganak na baby lang sa mga “first photos” na laging pinopost ng mga bagong magulang.

“Huy,” tawag niya na may kasama pang mahinang tapik ng paa niya sa paa ko sa ilalim ng mesa. Malamang. Alangan namang nasa ibaba ng mesa ang mga paa namin. “Tulog ka na yata eh. Gusto mong ako na ang mag-drive pauwi?”

Nag-angat ako ng mukha sa kanya saka ko pinilit na lakihan ‘yung mga mata ko. “Hindi! Medyo inaantok lang ako pero okay pa ako. Mag-o-order na lang ako ng kape mamaya pagkakain.”

“Halos dalawang araw ka naman na kasing gising. Okay lang talaga kung ako na.”

“Umiidlip naman ako. Saka mula n’ung makilala kita lagi nang kulang ang tulog ko kaya sanay na ako.”

“Hoy!” tawa niya. Napalakas na ‘yung tapik sa paa ko. Tinapakan na niya ‘yung dulo ng sapatos ko!

“Aray naman!” tawa ko na rin.

“Kasalanan ko pa pala na di ka natutulog nang maayos ah!”

“Oo. Chat ka kasi nang chat eh.”

Tumawa ako ulit at hinuli ‘yung isa pa niyang kamay na pinangkurot niya sa braso ko. O, eh di dalawang kamay na niya ‘yung hawak ko sa ibabaw ng mesa! Score!

Natahimik kaming dalawa at idinaan ko ‘yung mga hinlalaki ko sa likod ng kamay niya habang doon ako nakatingin. Ang lambot eh. Lalo tuloy nagmukhang kamay ng karpintero ‘yung mga kamay ko. 

“Luh, nakangiti na naman nang walang dahilan,” biro niya sa ‘kin.

“Meron kaya! Paano, nanananching na ako, di mo pa alam.”

Natawa na naman siya pero di naman niya binawi ‘yung mga kamay niya. Sumara pa nga lalo ‘yung mga daliri niya sa mga daliri ko eh. I consider that chansing with consent. Mutual chansing. Chansing-ge na nga kasi gusto ko rin naman…

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now