five

5.6K 393 234
                                    

Erica

I really need to ask you something... what's your full name?

Lex
Lex Montesines

It's 3 AM there, Erica. What are you doing up?

Erica
Thinking 😅

Lex
About my name? 😳

Erica
Hahaha naisip ko lang when I got up to get a drink 😅 Sige na. I'm going back to sleep.


Lex
😳

Erica
Hahaha stop it! Matutulog na ako.

Lex
Alright! Sweet dreams!

Erica
😊

TAGAL kong nakangisi sa telepono ko matapos 'yung simpleng usapan na 'yun. Paano, nagising siya ng madaling-araw na ako ang iniisip, kung di ba naman ako maging guwapong-guwapo sa sarili ko n'un, ewan ko na lang.

Ang sarap kasing makita na iniisip na rin niya ako kahit papaano.

Nagtuluy-tuloy ang maganda kong mood hanggang hapon. Maaga kong inaya si Manong Chito na umuwi kasi may mga tatapusin pa akong trabaho sa opisina. Bukas, mag-a-adjust ako ng oras ng pasok kasi pupunta kami kila Dad ng hapon para tuluyan nang maging amin ni Ash ang AMC.

Alam ko naman nang walang magagawa si Ate para pigilin 'yun pero kabado pa rin ako. Para rin kasing panaginip.

Hindi ko naman talaga pinlano na maging boss ng AMC pero aaminin ko na naisip ko siya noon pa. Sa 'kin kasi, logic lang naman 'yun. Mas mahal ni Ate ang supermarket niya at mas magaling siya sa gan'un. Ako 'yung may background talaga na humawak ng kompanya na tulad ng AMC. Pero 'yun nga, pumasok naman ako sa kompanya na alam na si Ate Kaye ang boss d'un. Di ko naman basta-basta kinuha 'tong kompanya dahil lang gusto ko siyang pahiyain o ano. Di lang naman trip-trip 'to. Para rin naman 'to sa AMC.

N'ung nag-ring ang telepono ko, sinilip ko kung sino 'yung tumatawag kasi baka si Oka na naman, pero si Mere 'yun.

Hala. Sinabi kaya ni Erica sa kanya na nag-uusap kaming dalawa?

"Hello?"

Sa harapan, hininaan ni Manong Chito ang old school music niya para marinig ko si Mere sa kabilang linya.

"Hi, Kuya Lex!"

Napangiti ako sa tono ng bati niya sa 'kin. Para kasing ang cheerful lang nitong si Meredith. Ang positibo lang ng aura niya talaga. Nasabi ko na ba kung gaano ako kasaya na siya ang mapapangasawa ni Ash? Hindi pa ngayong araw? Puwes, masaya talaga ako na siya ang mapapangasawa ni Ash. She makes him really happy, at 'yung lang naman ang gusto ko para sa kapatid ko, na maging masaya siya. He deserves it.

"Hey. What's up?"

"Kuya, invite sana kita tomorrow sa bahay. Pumayag daw si Ate Kaye na mag-sleepover 'yung mga bata so we're having everyone over."

"Ah, sure! Sige. Sa inyo na dederecho pagkatapos kila Dad bukas?"

"Yup!"

"Do you need me to bring anything? Food?"

"Nope!" sagot niya ulit. "Just bring yourself."

"Okay. Sasama ka ba kay Ash sa bahay bukas?"

"Hindi na, Kuya. Magluluto kasi ako. Pero alagaan mo siya ah! Baka awayin kayo ni Ate Kaye!"

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now