six

6K 406 225
                                    

Erica

Lex? Gising ka?

Lex
Yeah. 😄 Alis na tayo?

Erica

Ang bilis ng sagot! 😂 Natulog ka ba?

Lex
Oo naman! Madalas ganitong oras tapos na ko mag-jogging eh.

Erica

Ang aga naman!

Lex
Di naman. Sakto lang.

'Tsaka maaga ko balak pumasok ngayong araw kasi may lakad ako mamayang hapon. So, alis na nga tayo?

Erica

Sandali lang! 😄 Magliligpit lang ako.

Lex
Okay! Hintayin kita.

PAGKATAPOS n'un, bumangon na rin ako agad. Kanina pa naman talaga ako gising. Hinihintay ko lang na mag-message siya.

Nag-T-shirt ako kasi naka-boxers lang ako natulog kagabi. Nararamdaman kong di pa oras para pakitaan ko siya ng dibdib. Mga five seconds kong inisip kung mag-aahit ako pero kung magliligpit lang siya, malamang wala na 'kong oras mag-banyo.

Kiniskis ko ng palad 'yung panga ko. Okay lang naman siguro ako? Di pa naman ako mukhang ermitanyo eh.

Nag-hilamos naman na ako 'tsaka nag-toothbrush (parang maaamoy niya 'yung hininga ko ano? Pero weird kasi na alam kong makikipag-usap ako 'tapos gan'un 'yung pakiramdam ng bibig ko.) kanina kaya nag-brush na lang ako ng buhok, saka ako lumabas na ng kuwarto.

Saan ba 'ko pupuwesto? Sa sofa o sa kusina? Namataan ko 'yung sofa...

De. Sa kusina na lang.

Erica

Done! You ready?

Hindi na ako nag-reply. Tumawag na lang ako agad sa kanya.

Kahit pangalawang beses ko na 'to na maka-usap siya, para pa rin akong sinikmuraan n'ung makita ko siya sa screen.

Nakalugay na 'yung buhok niya ngayon, may makeup na siya...

'Tapos may suot na siyang salamin sa mata.

Fuuuck. Ba't mas lalo siyang naging hot?

"Hi!" bati niya na may double-dimpled na ngiti.

"Hi," sagot ko na kunyari eh hindi nanginginig ang mga tuhod ko.

"Uhm, I'm on my way down our building," kuwento niya bago siya nag-angat ng paningin mula sa screen ng telepono niya at nagsimulang maglakad. "Do you want me to call you when I get there o..." Mahina siyang tumawa. "Sorry, I have no idea how these things work."

"You mean long-distance dating?"

Natawa siya ulit. "Is that what this is?"

Napangiti na rin ako. "Eh, di ba natin 'to first date?"

"I don't remember you asking me out," biro niya.

Mas lumaki pa 'yung ngiti ko. "Kung tama ang pagkaka-alala ko, ikaw ang nag-aya sa 'kin."

Pinandilatan niya ako. "Hindi kaya! Ikaw ang nagsabing isama kita ah!"

Namilog na rin ang mga mata ko. "Ako ba?"

"Gusto mo bang sumama o hindi?"

"O, eh di ikaw talaga 'yung nag-aaya!"

"Ewan ko sa 'yo!"

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now