fourteen

6.4K 443 78
                                    

HINDI ako nakatulog nang maayos.

Jetlag. Excited. Di mapakali kasi nasa kabilang kuwarto lang si Erica. 

Kaya matapos magpabaling-baling sa kama at maiidlip lang ng ilang minute, bumangon na ako n’ung makita na nagsisimula nang sumikat ‘yung araw. Naisip kong lumabas para bumili ng almusal kaya lang ayoko namang gisingin si Erica para magpaalam o para makisuyo na pagbuksan niya ako ng pinto mamaya. Saka baka di ako papasukin ng doorman sa ibaba pagbalik ko kasi di niya ako kilala. Makikialam na lang ako sa kusina niya para paggising niya may almusal na. Papalitan ko na lang kung sakaling may plano pala siya sa kalahating dosenang itlog na balak kong i-scramble. 

Nagsuot naman ako ng pajama bottoms kagabi kaya nag-T-shirt na lang ako at nag-tsinelas bago ako lumabas ng kuwarto.

Pagdaan ko sa kuwarto niya, napahinto ako n’ung nakita kong naka-awang ‘yung pinto. Gising na ba siya?

Marahan kong itinulak pabukas ‘yung pinto para sumilip sa loob. Madilim doon at nakasara ang blinds. Sa gitna ng kama, may Erica-shaped na umbok na nakatalukbong ng comforter. Tulog pa yata. Kaso… sino’ng nagbukas ng pinto—

“Meow.”

Napatungo ako sa tunog at nakitang nasa paanan ko si Theo, nag-iinat, saka siya naghikab at tumingala sa ‘kin.

“Meow.”

“Ikaw ‘yung nagbukas ng pinto?” pabulong kong tanong para hindi maistorbo ang mommy niya.

“Meow.”

Mahina akong tumawa saka ako tumungo para haplusin siya sa pagitan ng mga tenga.

“Nag-almusal ka na? Gutom ka na ba? Hindi ko alam kung nasaan ‘yung pagkain mo eh pero hanapin ko na lang.”

N’ung tumuwid ako, hindi pa ako nakakahakbang, nauna na si Theo sa ‘kin. Siya ‘yung sinundan ko papunta sa kusina.

Allergic si Ate Kaye sa balahibo ng aso’t pusa kaya hindi kami nagkaroon ng mga alaga noong mga bata kami. Nanalo si Ash minsan ng gold fish sa perya kaya lang namatay naman agad kaya binigyan na lang namin ng isang makabagbag-damdaming burol saka namin nilibing. Actually, finlush namin siya sa toilet. Pero ‘yun na ‘yun. Di na kami nag-alaga ng kahit anong pet ulit. Kaya wala akong alam sa mga pusa ngayon. Pero kung base lang sa usapan namin ni Erica, parang madali lang naman.

Pagpasok ko ng kusina, binuhay ko ‘yung ilaw saka ko sinubukang alalahanin kung saan kinukuha ni Erica ‘yung catfood. Madalas ko kasi siya panoorin na pakainin si Theo habang ka-chat ako kaya may idea naman ako kung saan kukunin ‘yung pagkain at kung paano siya pakainin.

1. Buksan ang lata.  

2. Isalin sa lalagyan.

Kumikiskis na si Theo sa binti ko kaya kailangan kong maingat na maglakad papunta sa cupboard kung saan sa palagay ko ay nakatago ‘yung mga lata ng catfood. Pag maapakan ko siya, patay na. Baka sa kotse talaga ako patulugin ng nanay niya.  Napangiti ako n’ung tama agad ang binuksan kong cupboard. Maayos na nakahilera ‘yung mga lata at binasa ko ‘yung mga labels, saka ako kumuha ng isa.

“Boneless chicken shreds and cheese with goat milk!” sabi ko kay Theo na nasa tuhod ko na ‘yung dalawa niyang paa sa harapan sa excitement niyang kumain. “’Eto ‘yung favorite mo di ba? Mukha ngang masarap ano? Puwede ko ba ‘to tikman?”

Binuksan ko ‘yung lata saka ko sinundan si Theo sa mat kung nasaan ‘yung mga bowls niya. Isinalin ko ‘yung pagkain sa food bowl at nagsimula na siyang kumain. Napangisi ako kasi ang lakas ng purr niya.

Hinaplos ko siya sa pagitan ng mga tenga. “Bati tayo ah,” sabi ko. “Gusto ko kasi si mommy mo eh. Hindi ako sasagutin n’un kung ayaw mo sa ‘kin.”

Nag-angat ako ng ulo n’ung marinig kong may bumungisngis.

Napangiti ako n’ung makita ko si Erica.

Nakatayo siya sa pintuan, nakasuot ng kulay baby blue na pajamas na may print ng puting cartoon na pusa, naka-ponytail ang buhok, at suot din niya ‘yung salamin niya sa mata.

Gusto ko siyang lapitan, yakapin, halikan, dalhin sa kama… para maghapon kaming mag-… cuddle.

“Hi,” bati ko.

“Hey,” sagot niya. “Huwag ka mag-alala, Theo likes you. Lalo na ngayon na binigyan mo siya ng almusal.”

Tumayo na ako at kinuha ‘yung lata na iniwan ko sa counter. “Parang ang sarap nga nitong breakfast niya eh. Chicken shreds? May cheese pa o.”

“P’wede naman tayong mag-chicken mamaya. Di ba sabi mo gusto mong pumunta sa Sylvia’s kapag nandito ka na?”

Muntik tumirik ‘yung mga mata ko sa idea ng Sylvia’s.

‘Yun na siguro ang pinaka-iconic na fried chicken restaurant sa New York. Siguro may masarap pa kasi iba-iba naman ang panlasa ng tao, pero sa ‘kin, ‘yun talaga ang pinakapaborito ko dito. Naisip ko lang ‘yung classic fried chicken nila, sumasaya na ako. 

“Puwedeng sa dinner?” tanong ko na sinusundan siya ng tingin n’ung papunta siya sa coffeemaker niya.

“Puwede naman. Anong oras tayo pupunta sa bahayng mommy mo?”

“Sasamahan mo talaga ako?” mapagbiro kong tanong.

Nilingon ako ni Erica sa ibabaw ng isa niyang balikat. “O, di ba sabi mo sa kanya na kasama mo ako?”

“Oo, pero sabi ko rin na di ko maipapangakong sasama ka kasi ipapaalam ko pa sa ‘yo.” Lumapit na ako sa kanya at isinandal ang mga balakang ko sa counter. “Okay lang talaga kung ayaw mo akong samahan. I should have asked for your permission first, anyway.”

“It’s okay. I’ll go with you.” She gave me a sweet, sleepy smile, sabay pisil sa braso ko bago niya ako binitawan ulit para abutin ‘yung mga mugs sa itaas.

Well, at least, live and in person na ‘yung dahilan ng morning erection ko ngayon. Braso ko ‘yung pinisil pero iba ‘yung nagising eh.

Saglit akong pumikit, inisip na naman ‘yung mga mgaulang ko sa sofa bago pa mahalata ni Erica na may nag-gu-good morning sa kanya. Mahirap magtago ng mga dapat itago habang naka-pajamas ka lang eh.

“Nakatulog ka ba?” tanong niya na walang kaalam-alam na pasimple akong lumalayo para itago ‘yung kalahati ng katawan ko sa likod ng counter sa kabilang dako ng kusina. “Ang aga mo bumangon.”

“Medyo,” sabi ko. “Umidlip lang ako. Jetlag. Ang aga mo ring nagising. Bukas na ‘yung pinto mo n’ung dumaan ako eh.”

“Nagbubukas ako ng pinto sa madaling araw kasi nasa CR dito sa labas ‘yung litter box ni Theo,” paliwanag niya. “Nakatulugan ko na ulit kanina.”

Para na rin niyang sinabi na may tiwala din naamn kasi siya sa ‘kin kaya okay lang na hindi siya nakapag-lock ng pinto.

Medyo mas lalo yata ako nahiya na may erection ako ngayon. Sinasabihan niya ako na may tiwala siya sa pagiging maginoo ko pero ‘eto naman ako, nag-iisip ng bastos.

“Okay lang ba ang toasted bagels with cream cheese? Magluluto na lang din ako ng bacon and eggs.”

“Okay lang.” Actually, kahit siya lang ang almusal ko, masaya na ako. Malamang siya rin, magiging masaya.

Maginoo, Lex. Maginoo!

“Uh, need help?” tanong ko.

Nginitian niya ako ulit. Susko, ‘yung dimples talaga. “Nope, okay na. Ikaw na lang sa kape, please?”

“Okay.”

Pinanood ko siya maghanda ng almusal namin habang masayang kumakain ‘yung pusa sa paanan niya, at unti-unting nagliliwanag ang langit sa labas ng mga bintana dahil sa bagong sikat na araw mula sa likod ng mga buildings. It was one of the best scenes ever in the movie that is my life. 

“Bakit?” tanong niya. Nakatingin na rin pala siya sa ‘kin.

Mahina akong tumawa. “Kahapon kasi pinapangarap ko lang ‘tong ganito. Ngayon totoo na talaga siya.”

“So how is it so far?” biro niya.

I studied her, then gave her a small smile, and honestly, quietly told her, “It’s even better than I thought it would be.”

She held my gaze, and I knew she understood that I didn’t just mean being in New York. I also meant being with her. And it really was even better than I thought it would be.

---

INABOT kami ng alas diez na nagkukuwentuhan lang, ‘tapos nagpaalam na siya na may cat mama duties pa siya bago niya kailangang gumayak para makapunta kami sa bahay ni Mommy. Sinamahan ko na siya, at nakitulong pa ako maglinis ng litter box ni Theo. Kung magiging cat papa ako, aba, kailangan ko ring matuto ng mga ganito.

Tawang-tawa si Erica sa ‘kin kasi naging kulay green daw ‘yung mukha ko n’ung magsimula niyang linisin ‘yung litter saka niya isinalin d’un sa hawak kong plastic bag ‘yung dumi ng pusa. Sabi niya, mild pa nga raw ‘yun kasi maganda ‘yung brand ng catfood ni Theo ngayon. Dati raw eh mas toxic pa ‘yung amoy! ‘Tapos kapag nasa New York daw ‘yung mga kamag-anak niya, nand’un pa sa sarili niyang banyo ‘yung litter box ni Theo kaya iba daw ‘yung hangin d’un noon.

Di bale. Masasanay din ako sa mga ganito. Para sa future!

Sabay kami naligo… sa magka-ibang banyo. Halos sabay din kami lumabas ng mga kuwarto namin. Nakasuot siya ng puting v-neck at long-sleeved na blouse, jeans at sneakers, at hawak niya sa isang braso ang isang pulang jacket. Hawak din niya sa isang kamay ang isang maliit na leather na backpack. Casual at cute pero gusto ko pa rin siyang i-kama… para i-cuddle. Ang cute kasi talaga. 

Sabagay, mukha lang din naman akong schoolboy sa suot kong long-sleeve polo na nakatupi ang mga manggas hanggang sa siko ko, jeans at sneakers, saka may dala rin akong sarili kong backpack at baseball cap. Mukha lang akong high school ngayon. Nag-ahit pa naman ako. 

“Let’s go?” aya ko.

“Let’s go,” nakangiti niyang sagot.

---

AKO ULIT ‘yung nagmaneho papunta kila Mommy. Dumaan lang kami sa bakery para bumili ng dessert. Nagtanong siya kung anong cake ang dadalhin namin kaya lang kahit ano naman kinakain ng nanay at tatay ko. Si Erica kasi ‘yung pihikan. Game siya kumain pero marami siyang hindi kinakain. Actually, mas madali nga ‘yung marami siyang di kinakain. Alam ko agad na pork o chicken lang ‘yung iluto para sa kanya. Triple chocolate cake ang binili namin kasi ‘yun ang favorite niya na paborito rin ni Dad.

Tahimik si Erica sa biyahe n’ung papunta na kami ulit.

Maingat ko siyang siniko sa braso. “Hey, you okay?”

“Yeah.” Nilingon niya ako. “Kinakabahan lang ako.”

“Mabait naman ang parents ko.”

Ngumiti siya. “I would think so, considering ganyan kayong mga anak nila.”

“Ako lang, actually,” biro ko na ibinabalik ‘yung atensyon sa kalsada. “Masungit si Ate Kaye ‘tapos loko-loko si Ash. Ako lang talaga ‘yung mabait sa mga anak nila.”

She burst out laughing. “Sumbong kita kay Ash.”

“Sige nga!” hamon ko na nakangisi. “Paano mo ako isusumbong sa kanya?”

“Gan’un ah!” Hinampas niya ako sa braso. “Kay Mere na lang pala muna! Sasabihin ko pinilit mong makipaglapit sa ‘kin ‘tapos ni-stalk mo na ako! Pinuntahan mo ako dito sa New York na walang paalam!”

“Weh! Ipapakita ko sa kanya kung gaano na ako kamahal ni Theo para malaman niyang tinanggap mo talaga ako sa bahay mo!”

Tumawa ako nang hampasin niya ako ulit.

“Patay talaga tayo sa kanya kapag malaman ni Mere,” sabi niya.

“Ewan ko ah. Kasi mahal ako ni Ash. Hindi ‘yun papayag na saktan ako ni Mere.”

“Ipakagat kita kay Theo eh.”

“Hindi ako sasaktan n’un! Pagkatapos ko siya bigyan ng almusal?” Nginisian ko siya. “Mamaya lang mas mahal na niya ako sa ‘yo.”

“Hmp. Ikaw ang maglinis ng litter box niya mamaya ah!”

Tumawa na naman ako. Tuwang-tuwa lang talaga ako. Enjoy na enjoy ako kasama niya kahit ganito lang naman ang ginagawa naming dalawa.

N’ung narating na namin ‘yung street nila Mommy, itinuro ko sa kanya ‘yung brownstone ng nanay ko, saka ko ipinarada ‘yung Range Rover sa gilid ng kalye.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan, ‘tapos hinintay lang niyang kunin ko mula sa likod ‘yung bag ng mga pasalubong. Hindi ko pa nasasara ‘yung pinto ng sasakyan, bumukas na ‘yung pinto ng bahay ni Mommy at tumatakbo na siya palabas, pababa ng hagdan, saka siya tumalon para yakapin ako na para bang ten years niya akong di nakita.

“Lexie!”

Tumawa na ako at niyakap na rin siya.

N’ung bata ako, hiyang-hiya ako kapag ganito niya ako batiin sa school o sa harapan ng mga kabarkada ko. Ngayong matanda na ako, na-appreciate ko na siya.

“Hi, Mom.”

Lumayo siya sa ‘kin at binigyan ako ng isang masayang ngiti. “I’m so happy you’re here. And you must be Erica!” bati niya kay Erica na nakatayo lang sa tabi ko, hawak pa rin ‘yung bakery box na may lamang cake.

“Opo.”

“I’m Lexie’s mom. You may call me Tita Raquel.”

“Nice to meet you po, Tita.” Inabot niya ‘yung kahon ng cake kay Mommy. “Nagdala po kami ng dessert.”

Narinig mo ah! Kami raw ‘yung nagdala. Ahaha. May kami na!

“Thank you! Nag-abala pa kayo!” Lumingon si Mommy sa tatay ko na pababa na ng hagdan ngayon. Nakangiti na rin siya at mukhang… healthy, masaya. Mukhang madalas nakaka-sopa. “Oh, and that’s Lexie’s father, Tito Efren.”

“Good morning po,” bati ni Erica.

“Good morning,” sagot ng tatay ko na may ngiti para sa kanya saka ako binalingan. Inabot niya ako at tinapik sa braso. ‘Yun na ang equivalent ng hug kay Dad. “Kumusta ang flight.”

“Okay lang, Dad. Walang aberya.”

“Wait, sa taas na tayo magkumustahan!” singit ni Mommy. “Hon, kunin mo na ‘yang bag ni Lexie.”

“Akala ko mag-ho-hotel ka?” tanong ni Dad n’ung abutin niya ‘yung handle ng trolley bag. Masama yata ang loob kasi istorbo ako sa honeymoon nila ni Hon.

“Di, mga pabili ‘yan ni Mommy,” paliwanag ko. Kesa rin sa ipaliwanag ko na kasalukuyan din akong ibinabahay ng baby ko naman, di ko na ako nagbanggit ng hotel.

“Pabili?” Gulat siya eh. Ang laki kasi n’ung bag para sa mga “pabili”. “Ano ‘tong mga ‘to?”

“Ano ka ba?” tawa ni Mommy na kinukuha ang kamay ng tatay ko. “Mahal mag-grocery sa Filipino store dito! Iba naman ang lasa ng adobo kapag toyo at suka nila rito ang gamit mo. Halina kayo!” pilit na niya na binibitawan na si Dad at inaabot na si Erica para igiya siya sa taas.

Tinulungan ako ni Dad na iakyat ‘yung trolley bag kahit pa kaya ko naman ‘yun mag-isa.

“Ang bigat naman nito. Gaano karaming suka ba ang dala mo? Naka-bote ba ‘yun?”

Natawa ako. “Di naman, Dad. Pero puwede na kayo magtayo ng sarili n’yong sari-sari store mamaya sa dami n’yang dala ko.”

Naabutan namin ‘yung dalawang babae na nagkukuwentuhan na sa kusina habang naghahain si Mommy.

“Natuto ako dito magluto,” sabi niya kay Erica na nautusan na niyang maglipat ng kanin sa isang malaking pinggan. “Dati kasi talaga ang alam ko lang eh magpakulo ng tubig para sa instant noodles. N’ung una akong lumipat dito sa America, sinubukan ko magluto ng mga simple lang, like adobo, nilaga. Pero iba talaga ang lasa niya. Kaya naghanap ako ng Filipino store, o nakikisuyo ako sa mga kaibigan ko na magbabalik-bayan, o d’yan kay Tito Efren mo na padalhan ako ng mga toyo at suka, saka patis!”

“Gan’yan din po ako, Tita,” sabi ni Erica na halatang mabilis na naging komportable sa nanay ko. “Actually, sa Pilipinas po, carbonara lang po ang specialty ko. Pero kung si Mere po pala ang tatanungin, pasta with cream sauce lang ‘yun. Ang carbonara kasi kay Mere, may itlog talaga. Pero gustong-gusto po niya ‘yung luto ko.”

“Meredith is such a good cook ano?”

“Opo.”

“But you have to cook your carbonara for us. ‘Yang si Tito Efren mo, mahilig ‘yan sa pasta. And Lexie eats anything, pero favorite niyan ang manok.”

“Nag-aya na nga po siya na pumunta kami ng Sylvia’s.”

“His first time here in New York n’ung bata siya, d’un din siya unang nag-aya,” tawa ni Mommy sabay napansin yata na pinapanood lang namin silang dalawa ng tatay ko. “O, kayong dalawa, dalhin n’yo na ‘tong mga ulam sa mesa! Natulala na kayo d’yan.”

Lumapit si Dad sa kanya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo at hinaplos ang buhok niya bago kinuha ‘yung hawak niyang pinggan ng adobo. Lumapit ako kay Erica pero kinuha ko lang ‘yung hawak niyang pinggan ng kanin. Wala pang kiss o haplos. Baka pukpukin ako ng sandok eh. Ngumiti lang ako sa kanya ‘tapos sumunod na ako kay Dad sa dining room.

---

HABANG kumakain, in-interview ni Mommy si Erica. Alam mo ‘yung interview na ginagawa ng mga magulang mo sa mga bago mong kaibigan kasi curious siya sa kanila? Gan’un, pero dahil kilala ko si Mommy, alam ko ring may bahid ng interrogation sa candidate for future daughter-in-law ‘yung pagtatanong niya.

“Alam mo, mabait ‘yang si Lex,” sabi niya na nakangisi pa sa ‘min. “Responsableng bata ‘yan. Masipag, matalino, saka kita mo na, kahit wala pang 30, CEO na.”

“Mom,” I groaned.

“Huwag mo naman pahiyain si Lex,” malumanay na saway ni Dad sa kanya habang namamapak ng dala naming cake.

“Opo nga, Mommy. Pati si Erica, nahihiya o!”

“Actually, hindi naman,” tawa ni Erica mula sa tabi ko.

“Pero, hija,” patuloy ng tatay ko. “Kung gusto mo nga ng boyfriend, mabait talaga ‘yang binata namin.”

Siya naman ang pinandilatan ko. “Dad!”

Bumungisngis si Erica at malakas na tumawa si Mommy.

“May trabaho ‘yan. May sariling bahay, may ipon. Handa na ‘yan mag-asawa.”

Tinakpan ko na ‘yung mukha ko sa kahihiyan.

“Saka malinis naman ‘yan. Araw-araw ‘yan naliligo.”

Noon, pati ako natawa na.

“Eh hindi naman po nanliligaw si Lex,” sabi ni Erica na may himig na nagsusumbong. 

Nilingon ko siya sa gulat at siya naman ‘yung pinandilatan ko. “Hindi ba?” tanong ko.

Ngumisi siya. “Wala po siyang sinasabi sa ‘kin eh,” sabi niya sa tatay ko.

“Tsk. Eh pasensya ka na at mabagal talaga ‘yan. Pero puwede namang ikaw na ang manligaw. Uso naman na ngayon ‘yun.”

“Utang na loob, Dad.”

“O, bakit? Ako nga ang nililigawan ngayon ng mommy mo!”

Masaya ang tawa ni Erica pero tinakpan ko na ulit ‘yung mukha ko.

Matagal din kami d’un. Inabot na kami ng merienda pero halatang nag-enjoy naman si Erica sa nanay at tatay ko, at na gusto rin siya ng mga magulang ko. N’ung nagkapaalaman na, nagtanong si Erica kung puwede muna makigamit ng banyo, ‘tapos si Dad, nagpaalam na kukuha pa ulit ng cake, kaya naiwan kami ni Mommy sa sala.

Pinaalala ko sa kanya na hindi pa alam nila Ash na magkakilala kami kaya kung puwede, huwag muna nila ikuwento ni Dad sa kanila sa Pilipinas. 

“Eh may ikukuwento ba ako kay Ash?” mapanuksong tanong sa ‘kin ng nanay ko.

“Eh wala rin naman, Mom,” buntong-hininga ko. “Hindi pa naman kami.”

“Paano magiging kayo eh hindi pala niya alam na nanliligaw ka!” tawa niya.

“Sus. Kayo nga ni Dad, tatlo na ‘yung anak n’yo, di mo pa alam na mahal ka talaga niya.”

“Narinig ko ‘yon!” tawag ng chismoso kong tatay mula sa kusina.

“Eh tama naman si Lexie!” balik ni Mom sa kanya.

“Manhid ka lang talaga!” sagot ni Dad.

Bumungisngis ang nanay ko saka niya ako binalingan ulit. “I like her, Lexie. And I have a good feeling about her. Same feeling I had when I first talked to Meredith.”

Ngumiti ako sa kanya. “I’m glad, Mom. Because I really like her, too.”

Mayamaya, tumayo na ako nang marinig kong papalapit na si Erica. Kapag kasi hayaan ko siyang maupo ulit sa tabi ko sa sofa, malamang abutin na kami ng hapunan sa bahay ng nanay ko, eh may date kami at ng fried chicken ni Sylvia mamaya.

Lumabas na rin si Dad ng kusina na may dalang isang higanteng slice ng chocolate cake. 

Ibinaba niya ‘yung pinggan sa mesa n’ung sinabi kong aalis na kami ni Erica, saka siya lumapit sa ‘min. Tinapik niya ako sa balikat at niyakap ako ni Mommy. Nakipagkamay si Erica kay Dad, pero humalik siya sa pisngi ng mommy ko.

Hinatid nila kami sa front door kung saan ko tinulungan si Erica na isuot ‘yung jacket niya.

“Magkita naman tayo ulit,” sabi ni Mommy sa ‘min habang nakatayo siya sa tabi ni Dad, nakabalot sa bewang ng tatay ko ‘yung isang braso habang naka-akbay si Dad sa kanya. “Kung wala kayong balak sa Sunday? Kahit kami naman ang pumunta sa ‘yo, Lexie. Saan ka ba ulit nag-si-stay?”

Ahhhh, shhhhhit.

Naghahanda na ako magsinungaling pero bago pa nakabawi ang brain cells ko, narinig ko nang sumagot si Erica.

“Sa ‘kin po, Tita.”

Nilingon ko siya.

Nilingon siya ni Dad.

Nilingon siya ni Mommy.

Nilingon siya n’ung slice ng chocolate cake sa pinggan sa mesa.

Malamang kung narinig siya n’ung driver ng taxi na dumaan sa labas, lumingon din siguro si Manong.

“Oh,” simpleng sagot ng nanay ko bago siya mabagal na tumango. “That’s… great!”

Sinulyapan ako ni Erica na may maliit na ngiti sa mga labi. “May extra rooms po kasi sa bahay so I offered him a place to stay. Kesa po mag-hotel pa siya.”

“And that’s really sweet of you,” sabi ulit ni Mommy na base sa kinang ng cartoon hearts sa mga mata niya eh na-iisip na niya ang magiging mga apo niya sa ‘min.

May pinagmananahan naman talaga ako kung advanced ako mag-isip sa mga ganyang bagay. 

Nagulat lang talaga ako na inamin nga niya na sa kanya ako nakatira. Siguro nagustuhan talaga niya ang nanay ko, at na-realize niya na hindi sila mapanghusga kaya sinabi na niya ‘yung totoo.

“O, paano?” tanong ni Mommy. “May plans ba kayo? Kung wala, we could meet for lunch ulit?”

“Sa bahay na lang po kayo mag-lunch, Tita,” sagot ni Erica. Tumambling sa tuwa ‘yung puso ko. “Puwede ko na po kayo ipagluto ng carbonara.”

“Ay, oo nga! Sige, if it’s not too much trouble.” 

“No trouble at all po.”

“Wonderful.” Lumapit si Mommy at hinalikan siya ulit sa pisngi, saka ako binalingan.

“Drive carefully, Lexie. We’ll see you on Sunday. Kami naman ang magdadala ng dessert.” Hinalikan niya ako ulit at niyakap. “Love you, baby boy.”

“Love you, too, Mom.”

Binigyan na rin ako ni Dad ng isang mabilis na yakap bago nila kami pinanood na bumaba sa front steps. Kumaway kami sa kanila bago ko pinagbuksan ng pinto ng sasakyan si Erica.

N’ung makasakay na rin ako, nagkakabit na siya ng seatbelt.

“I love your parents,” sabi niya sa ‘kin.

Ako, hindi?

“They love you,” balik ko. “Lalo na si Mommy.”

“You think so?”

“Yeah.”

She smiled. “Well, I can see kung bakit love na love din siya ni Mere. Puwede namin siyang kabarkada. And nakakakilig sila ng daddy mo. Kung hindi mo ikinuwento sa ‘kin na naghiwalay sila noon, hindi ko maiisip na nag-away sila ever.”

Binuhay ko na ‘yung makina n’ung masigurong naka-seatbelt na siya.

“Nag-away lang naman sila noon kasi hindi nila sinasabi sa isa’t-isa na mahal nila ‘yung isa’t-isa,” sabi ko. “Pataasan ng pride. Naghihintayan na mauna ‘yung isang umamin. Mas gustong magsakitan. Eh ayan.”

“I’m just glad they’re okay now. They look happy.”

“Know what? I think they really are, now. They’re really happy.” Sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin siya sa ‘kin. “So am I.”

Nagpalitan kami ng ngiti saka ko binalingan ulit ‘yung kalsada.

“Gusto mo ba munang umuwi?” tanong ko. “Maaga pa para maghapunan. Pang-isang manok pa lang ‘yung space sa tiyan ko.”

Tumawa siya. “Saan mo nilalagay ‘yung pagkain eh ang flat naman niyang tiyan mo!”

Tinapik-tapik ko ‘yung tiyan kong ‘yun. “Magic ‘to. Nag-e-expand ang abs ko.”

Gusto mo makita? P’wede ko itaas ‘tong polo ko.

“Kung gusto mo, punta na tayo ng Harlem,” aya niya. “Maglakad-lakad muna tayo para mas matunawan ka pa.”

“Parang mas gusto ko muna maglakad-lakad sa Times Square,” sabi ko.

“Wala pa namang mga ilaw d’un. Maliwanag pa eh.”

“Okay lang. Turista ako eh. Balik na ang tayo pag gabi na.”

“Okay. Times Square na muna tayo.”

---

IPINARADA namin ‘yung sasakyan niya sa isang parking building, ‘tapos naglakad na lang kami papunta sa Times Square. Nagtatangkaran ang mga billboards sa mga building, lahat kilalang mga brands na hindi naman na kailangan ng billboards. Maraming tao, maraming kotse, kung magkamali ka ng baba ng sidewalk, parang mahahagip ka ng isa sa mga yellow cabs ng New York o kaya ng messenger na naka-bike. Kung huminto ka naman sa sidewalk, malamang sagasaan ka rin ng mga nagmamadaling Amerikano.

I didn’t mind. Iba talaga ‘yung energy ng New York sa ‘kin. And I love it.

Huminto kami ni Erica sa sidewalk para maghintay na tumigil ‘yung mga kotse para makatawid kami. Nagmamasid lang ako, halatang turista, nag-e-enjoy sa mga nakikita ko.  

“Sandali,” sabi ni Erica at nilingon ko siya. Kinuhanan niya ako ng picture gamit ‘yung phone niya.

Natawa ako. “Teka! Hindi ako naka-pose!”

“Okay lang!” Tiningnan niya ‘yung picture ko sa screen. “Gusto lang kita kuhanan ng picture. Parang ang saya-saya mo kasi eh.”

“Baka pangit naman ako d’yan! Isa pa!!”

Siya naman ‘yung tumawa saka niya tinutok sa ‘kin ulit ‘yung telepono niya. Tiningnan ko siya saka ako ngumiti at tumingin sa camera. Gusto ko lang makita sa picture ‘yung totoo kong nararamdaman, kung gaano ako kasaya na nasa New York ako, at na kasama ko na siya. 

She looked at the screen, then she looked up at me.

Huminto ang mga sasakyan at umilaw ‘yung WALK sign para sa mga pedestrian. Hindi ko alam kung sino sa ‘min ‘yung unang nag-abot ng kamay sa isa pero alam ko inangat ko ‘yung kamay ko, at naramdaman ko na lang na sumilid sa pagitan ng mga daliri ko ‘yung mga daliri ni Erica.

For the first time, I closed my hand around hers.

‘Yun lang, holding hands lang, ang lakas na ng kabog ng puso ko. Sinulyapan ko siya habang naglalakad kami. Nakatungo siya at nakatingin sa dinaraanan namin pero kita ko na may maliit siyang ngiti. Ngumiti na rin ako kahit hindi niya nakikita.

Inangat ko ‘yung kamay niya sa mga labi ko at hinalikan ko ‘yung likod niyon. Alam ko napatingin siya sa ‘kin pero hindi ko siya nilingon. Binaba ko ‘yung mga kamay namin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa tabi niya.

And if she’d let me have my way, I’d stay right there beside her, with her hand in mine, for the rest of our lives.


Never Stop FallingWhere stories live. Discover now