seven

7.1K 408 155
                                    

WALA SI ATE Kaye sa bahay nila n'ung dumating kami d'un ni Mommy n'ung hapon. 'Yung mga bata ang sumalubong sa 'min na excited na excited. Medyo istrikto kasi si Ate Kaye pagdating sa mga sleepover kaya pati ako nagulat na pumayag siya na ganito, lalo pa sa mood niya ngayon? Malamang si Kuya Tommy na ang nagdesisyon dito. Hindi naman nga kasi dapat madamay ang mga bata kung hindi man kami magkasundong magkapatid.

Pumirma kami ni Ash sa mga papeles sa harapan ng mga abugado. Pagkatapos n'un, 'yun na. Ako na ang CEO at si Ash na ang COO ng Aragon-Montesines Construction.

Tumayo kaming lahat nang magpaalam na 'yung mga abugado namin. Nakipagkamay kami sa kanila. Hinayaan ko nang sila Dad na ang maghatid sa kanila sa labas kasi pakiramdam ko maiiwan ko 'yung kaluluwa ko sa dining room kapag lumabas ako ngayon. Pakiramdam ko naka-upo pa rin ako sa mesa, pumipirma pa rin. Kahit nangyari na, di pa rin ako makapaniwala.

Nagkatinginan kami ni Ash na seryoso ang mukha. Sabay kaming napangisi, 'tapos sabay kaming tumawa.

Sumandal si Ash sa upuan at tiningala ang kisame ng dining room. "Ano ba 'tong pinasok ko? Sigurado ka ba sa gagawin natin?"

"Para akong nabunutan ng tinik," amin ko. Nand'un kasi 'yung kaba ko na hindi matutuloy 'to. Mamaya magbago rin ang isip ni Dad, at maisip niya na kalokohan na ibigay niya sa dalawang loko-loko niyang anak ang AMC. Kaya nga di ko masyadong binabanggit sa kanya din. Kahit okay-okay naman na kami ni Dad, nand'un pa rin 'yung pag-aalangan ko na kapag malaman nila ni Ate Kaye kung gaano talaga kahalaga sa 'kin ang AMC, baka hindi na nila ibigay.

Irrational na takot ng isang bata pero di mo rin naman maaalis sa 'kin. Pang-asar din minsan 'tong tatay ko eh.

"Kailan ka magsisimula?" tanong ko kay Ash.

Napalingon siya sa 'kin at nakita ko sa mukha niya na noon lang talaga niya na-realize na kapag COO na siya ng AMC, ibig sabihin n'un kailangan na niyang umalis ng Balajadia Industries.Batukan ko 'to eh.

Ang clingy! Buti nga Ayala-BGC lang kayo ni Mere!

"Hindi ka puwedeng maging COO ko pero sa Balajadia ka pa rin papasok ha," biro ko.

Umiling siya. "Hindi, alam ko naman 'yun."

"Pero ngayon lang tumatak sa 'yo na kapag pumirma ka rito, ibig sabihin kailangan mo na talagang umalis sa kanila?"

"Oo eh." Kinagat niya 'yung labi niya. "May isang buwan pa ako sa Balajadia. Okay lang ba kung tapusin ko na 'yung kontrata ko? Hindi mo naman siguro ako kailangan kaagad sa AMC 'no?"

"Hindi naman. Okay lang na tapusin mo na 'yung kontrata mo. Para rin ma-kondisyon mo na 'yang sarili mo na aalis ka na ng Balajadia. Baka mamaya makita na lang kitang umaatungal sa opisina mo kasi may sepanx ka kay Mere."

"Sobra ka naman!" defensive niyang bulalas. "Hindi naman sa opisina. Magtatago naman ako sa banyo bago ako umatungal."

Tumawa ako at hinampas ko siya sa braso. "Lika na nga. Tawagin na natin 'yung mga bata."

Tumayo kaming dalawa.

"Teka, sa 'min ka rin ba matutulog?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng dining room.

Umismid ako. "Oo. Inimbitahan ako ni Mere."

Pumalatak siya. "At bakit mas close na kayong lahat kay Mere kesa sa 'kin?"

"Mas maganda siya sa 'yo."

Sumimangot siya at mas lumaki lang ang ngisi ko. Masanay na siya at mahal naming lahat ang future misis niya.

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now