thirteen

6.1K 435 102
                                    

PAKIRAMDAM ko mga isang oras kaming nakatayo lang d’un, nakangisi lang sa isa’t-isa. Pero pakiramdam ko lang naman ‘yun kasi baka hinuli kami ng pulis kung gan’un na nakaharang kami sa daan. (GUARD!)

Si Erica ang unang nakabawi sa ‘ming dalawa. “You need help?” tanong niya na sumesenyas sa mga bag ko.

“Ah, no. Okay lang.” Inayos ko pa ‘yung strap ng backpack ko. Kahit siguro bigat na bigat na ako, hindi ako aamin.

“Ahm. Gusto mo nang pumunta d’un sa rental counter?” tanong niya na may maliit na ngiti pa rin sa ‘kin. Nakatingin pa rin kasi ako sa kanya. Di ko maiiwas ‘yung mga mata ko.

“Ah, oo, sige.” ‘Tapos natawa na ako at napa-iling kasi matutulala na naman ako. Tinulak ko na ‘yung trolley.

“Tulungan na kita,” sabi niya na inaabot na ‘yung strap ng laptop bag ko. Sayang. Sana kamay ko na lang ‘yung inabot.

Pero buti na lang din at hindi kasi nanginginig pa rin ‘yung kamay ko sa excitement at sa nerbyos.

“Sorry, napuyat kita ah.”

“Hindi! Okay lang talaga. Saka wala naman akong pasok bukas di ba? Pinaghandaan ko talaga ‘to.”

“Tsk. Kinilig naman ako.”

Tumawa siya at napangiti ako. Totoo na ‘to. Magkasama na talaga kami.

Holding hands na ang susunod!

Pero saka na, kapag di na ako nangangapa… well, hindi. Kapag nangangapa na pala talaga ako dapat ehehe pero hindi. Kapag kilala na niya ako at sanay na siya sa kaguwapuhan ko, at kapag puwede na nga ako mangapa…

Unless, gusto niyang siya ang maunang mangapa, puwede rin naman.

Sabay kaming naglakad palabas papunta sa parking lot at nagulat ako nang igiya niya ako sa isang poging-poging kulay puting Range Rover.

“Wow! Ang gara ah,” tawa ko.

Nilingon niya ako. “Bakit?”

“Hindi ko lang ine-expect na Range Rover ang sasakyan mo.”

Ngumisi siya. “Actually, gusto ko sana talaga ng Mini kasi ang cute niya. Pero pasalamat ka na hindi ‘yun ang kotse ko kasi baka hindi ka kasya kung ‘yun ang gamit kong panundo sa ‘yo.”

“Eh buti na lang nga.”

Magkatulong naming nilagay ‘yung mga bag ko sa trunk, ‘tapos nagdalawang-isip ako kung ano ang susunod na gagawin.

“Uhm, Erica? Puwede bang pa-drive ako?” nahihiya ko pang tanong. “Matagal ko na gusto subukang mag-drive ng Range Rover eh.”

Bumungisngis siya. “Sure! Sabi ko nga mas gusto ko maging pasahero di ba?”

Inabot niya sa ‘kin ‘yung keychain niya na Japanese anime character na hindi ko kilala kung saan naroon ang mga susi niya. ‘Tapos pinagbukas ko siya ng pinto sa passenger side.

“O bakit?” tanong niya na natatawa kasi ang laki na naman ng ngisi ko habang hawak ‘yung pinto ng sasakyan.

“Kasi matagal ko nang pangarap na ipagbukas ka ng pinto eh,” masaya kong sabi.

Tumawa si Erica. Iba pala ‘yung tawa niya kapag live and in person. Mas masarap sa puso.

“Eh ayan na,” sabi niya. “Buksan mo lahat ng pinto para sa ‘kin ah.”

“Gagawin ko talaga ‘yun.”

N’ung makasakay na siya, isinara ko na ‘yung pinto, saka ako lumipat sa driver’s side. Kulang na lang mag-ballet ako sa tuwa habang naglalakad. Ang saya ko lang talaga. Simple lang naman kasi ang mga pangarap ko ngayon eh. Isa na ‘tong makasama siya sa sasakyan.

Gan’un kasi pala talaga kapag LDR, kahit pinaka-simpleng bagay gusto mo gawin basta kasama mo ‘yung mahal mong nasa malayo.

“Bumili na pala ako ng pizza sa Joe’s ah,” sabi niya habang sabay kaming nagkakabit ng seatbelt. “Kasi naisip kong baka sarado na sila pagdating mo kaya dumaan na ako nang mas maaga. Pero hinahanap ka ni Giovanni sa ‘kin! Sabi ko parating ka ngayon. Hindi pa raw niya nakakalimutan na kailangan mong magpakilala sa kanya.”

Natawa ako. “Sige, kung kelan mo ulit gusto mag-pizza.”

Pagkatapos n’un, tahimik na kaming dalawa habang nagmamaneho ako. Hindi naman awkward, pero tahimik kami. Music lang ‘yung maririnig sa loob saka ‘yung instructions niya kung saan dadaan o liliko kasi hindi ko na ni-program ‘yung GPS n’ung sasakyan.

Ang pogi talaga! Manliliit ‘yung Lexus ko kung itatabi ko rito. Pero naisip ko din na ang lakas siguro nito sa gasolina ano?

Kinumusta ni Erica sina Ash at Mere, ‘yung barkada, ‘yung mga pamangkin ko, ‘tapos tahimik na naman kami ulit.

Pinapakiramdaman ko siya. Naiilang ba siya sa ‘kin? Parang hindi naman pero siguro nahihiya. Ako ngang walang hiya, nahihiya sa kanya eh.

Naubos yata sa chat ‘yung landi ko. Ni hindi ko siya matawag na “baby” ngayon. Siya rin naman yata kasi Lex ang tawag niya sa ‘kin kanina at hindi “bub”. Di bale. Hintayin ko na lang siya.

Huminto ako sa stoplight at nakinig sa music habang nagmamasid. Matagal na akong hindi nagmamaneho sa New York pero wala namang masyadong nagbago. Marami pa ring sasakyan sa kalsada kahit madaling-araw na. Marami pa ring taong naglalakad. Marami pa ring mga nakapila sa labas ng mga bars, at mga naghihintay ng taxi o ng car sevice sa sidewalk.

Pinaandar ko na ulit ‘yung sasakyan nang mag-green ang ilaw. Napalundag ako sa gulat n’ung hawakan ni Erica ‘yung braso ko.

“’Yan na ‘yung building sa kanan, bub.”

Wala siyang kaalam-alam na sabay nawala ‘yung tensyon sa mga balikat ko at na nasindihan ‘yung sikmura ko sa paghawak at sa pa-bub niya sa ‘kin. Ang tagal kong hinintay ‘yun! ‘Tapos kinabahan pala talaga ako na baka hindi niya ako tawaging bub habang nandito ako kasi baka iba ‘yung maging relasyon namin dito.

Anak ng pating! Hindi ko naisip na hindi pala ako makahinga nang maayos hangga’t sa hindi ko siya naririnig na mag-bub.

Pero ‘eto na. Nakahinga na ako. Okay na ako. At parang alam ko na magiging okay na yata talaga kami.

“Okay,” sabi ko na hindi na naman naitago ‘yung tuwa ko. “Saan ako liliko?”

“Next intersection na lang. ‘Tapos ikot tayo. Sa likod ‘yung entrance ng parking.”

Sinundan ko ‘yung instructions niya. Tutal sunud-sunuran naman na ako sa kanya eh.

Sinilip ko sa labas ng bintana ‘yung building. Naisip kong ang mahal siguro ng renta sa condo niya. Kasi sa New York, parking space pa lang, di lang ginto ang halaga. Paano pa kaya ‘yung bahay niya ano?

Malawak din ‘yung parking space sa ilalim ng building nila. Nasa unang level ‘yung slot na naka-assign sa kanya ‘tapos medyo malapit sa elevator. Ipinarada ko ‘yung sasakyan sa pagitan ng isang BMW at isang Corvette (wala kayo sa Lexus ko!), saka kami sabay na bumabang dalawa.

Ipinakilala niya ako sa doorman na tumulong sa ‘min n’ung ibinaba namin ‘yung mga gamit ko ‘tapos umakyat na kami sa unit niya.

Pagkabukas ng elevator, may foyer siya na parang sa unit nina Ash, ‘tapos pagpasok namin, may iniwan siyang bukas na mga ilaw pero napatigil ako d’un sa view ng New York sa labas ng mga bintana.

Ang ganda! Sinasabi ko sa ‘yo, ang ganda. Nalula ako eh.

New York has always been one of my favorite cities. Mahal siya, hindi siya para sa lahat, pero isa talaga siya sa mga paborito kong lugar sa mundo. And Erica’s apartment has one of the best views of the city skyline.

“Meow.”

Tumungo ako sa tunog na pumutol sa pag-da-drama ko, saka ako ngumiti.

“That’s Theo.” Tumungo si Erica para buhatin ‘yung puting pusang mataba na may kulay blue na mga mata, at blue rin na collar na may maliit na bell. Kinarga niya si Theo na parang baby.

“Hey,” bati ko habang nakikipagtitigan sa pusa. Isa si Theo sa mga pinakamahalaga kay Erica kaya kailangang bati kaming dalawa.

“Nagpalinis ako ng bahay kahapon ‘tapos nag-vacuum ako kaninang umaga para sure na walang matirang balahibo si Theo. Baka kasi allergic ka pala talaga.”

“Okay lang naman. Hindi talaga ako allergic sa kanila. Si Ate ang allergic kaya hindi kami nagkaroon ng pusa noon.”

Inabot ko si Theo saka ko siya hinaplos sa pagitan ng mga tenga niya. Naningkit siya ‘tapos nag-purr.

Eh kung ako rin yakap ni Erica at nakasiksik sa pagitan ng boobs niya, lakas din siguro ng ungol ko.

“Yay! Gusto ka talaga niya, bub!”

Ayan na naman ‘yung bub!

“Buti naman. Kasi kung hindi, hindi ko siya ibibili ng Whiskas.”

“Actually, kung hindi ka niya gusto, d’un ka sa foyer matutulog,” biro niya bago ibinaba sa sahig ‘yung pusa na nag-inat pagkatapos eh nilayasan na kami. Hinila ni Erica ‘yung isa sa mga bagahe ko. “’Lika na sa kuwarto mo. Bagong palit naman ‘yung bedding saka may tuwalya na sa banyo.”

“Bigla yata akong nahiya na may sarili pa akong kuwarto rito. Kasi sabi sa ‘yo okay lang ako sa sofa.”

“’Nukaba? Tatlo ‘yung extra bedrooms dito ‘tapos sa sofa ka matutulog?”

Sumunod ako ulit sa kanya na bitbit ‘yung iba ko pang bagahe. “Ang laki pala ng bahay mo ano?”

“Eh di ba nga hindi lang naman sa ‘min ‘to? Pati mga tito, tita at mga pinsan ko, dito nakatira kapag nandito sila sa New York. Minsan, buong angkan nandito kaya napuno ‘tong bahay. Ngayon kasi ako lang ang nandito sa New York. Sa Seattle nagtatrabaho ‘yung isa kong pinsan, ‘tapos ‘yung family n’ung isa kong tita sa California na sila nakatira.”

Pagbukas niya ng pinto n’ung magiging kuwarto ko, napabuntong-hininga na lang ako. Para kasing nasa pelikula ako na naka-set sa New York. Kinikilig ‘yung balbas ko sa tuwa.

Maganda rin kasi sa lugar ni Mommy. Mas tahimik, mas homey. Mas gusto ko lang talaga ‘yung napapaligiran ng mga building. Kaya nga ako sa Ayala bumili ng condo eh. Para pagsilip ko sa ibaba, kita ko agad ‘yung traffic.

Siguro kapag may asawa na ako, lilipat na ako sa bahay talaga, pero habang binata pa ako, sa building muna ako titira.

N’ung binuhay ni Erica ‘yung ilaw, saka ko napansin ‘yung mga gamit sa loob. Kasya kaming dalawa saka ‘yung apat naming magiging mga anak d’un sa kama. May dalawang closets at dresser sa isang banda, may work desk sa kabila sa may bintana. May stand din na may malaking TV. 

“May mga gamit na din sa banyo so kung wala kang dalang toiletries…”

“Meron naman pero thank you.” Mapagbiro ko siyang tiningnan. “Kaya mo pala ako tinatanong kung ano’ng gusto kong shampoo ah.”

She wrinkled her nose. “Bakit? Akala mo interesado ako sa ‘yo?”  biro niya.

Nagkatawanan kami.

“Nagugutom ka na ba o gusto mo muna magpahinga?” tanong niya.

“Gising na gising pa ‘yung diwa ko, pero kung gusto mo na magpahinga, okay lang sa ‘kin.”

“Nope. Actually, kanina ko pa naiisip ‘yung pizza.”

“Eh di mag-pizza tayo.”

Binigyan muna niya ako ng tour sa apartment. Siguro doble ‘yung laki niya sa condo nina Ash. Pakiramdam ko kailangan ko mag-bike mula front door hanggang kusina.

Moderno ang design niya, maayos ang mga gamit at malinis. Walang theme ‘yung furniture at ibang mga gamit pero siguro dahil nga lahat ng kamag-anak niya eh nag-contribute para ma-furnish ‘yung lugar kaya parang may sumabog na architectural digest sa loob pero imbes na maging magulo, naging charming siya.

Kasing charming ni Erica.

Di mo na ako kailangang i-charm, baby ko. Sa ‘yo na ‘ko.

Ano raw?

Pinasilip niya ako sa kuwarto niya na pinakapaborito ko sa lahat ng mga kuwarto sa apartment. Isang silip lang kasi nakita ko na agad ‘yung personality niya. Hindi magulo ‘yung kuwarto pero hindi rin mukhang showroom na matatakot kang madikit sa mga gamit. Kahoy ‘yung frame ng kama niya at dark blue ‘yung comforter. May work desk din d’un, may sitting area, bookshelves na puno ng libro, at sa isang tabi, may cat bed na kulay blue rin. Pareho ng sa kuwarto ko ‘yung view sa labas ng mga bintana niya.

Puwede kayang dito na lang din ako para di sayang ‘yung space? Laki kasi ng kuwrto niya eh. ‘Tapos baka ginawin siya.

Nakarating naman kami ng kusina. Naupo ako sa upuan sa island habang nag-iinit siya ng pizza.

“Ano palang balak mo gawin bukas? Mamaya?” tanong niya.

“Kailangan nating pumunta sa bahay ni Mommy.”

Nilingon niya ako sa ibabaw ng isang balikat ‘tapos nakataas ‘yung mga kilay niya. “Natin?”

Ngumisi ako. “Oo, natin.”

“Ahh… kilala ba ako ng parents mo?”

“Si Mommy, oo. I told her about you.”

Parang nag-alala siya. “Alam niyang dito ka tumuloy sa ‘kin?”

“Ahhhh, hindi ko sinabi sa kanya,” mabagal kong sabi. “Pero kung malaman naman niya, okay lang ‘yun. Open-minded naman ang nanay ko.”

Tumango si Erica at dinala na sa harapan ko ‘yung pinggan na may higanteng slices ng pizza. “Thank you for not telling her,” sabi niya n’ung maupo siya sa tapat ko. “I mean, okay lang naman talaga na dito ka, kaya lang hindi ko pa kasi kilala ang mommy mo kaya siyempre…”

“Don’t worry, baby.” Shit! Natawag ko na siyang baby! Natawag ko na siyang baby!!! “Alam ko naman. Kaya ko nga hindi sinabi sa kanya kasi baka ayaw mo rin ipaalam. But my mom already loves you so I don’t think there’d be problem if she finds out I’m staying here.”

“I’d feel better kung hindi muna niya malamang hangga’t sa hindi kami nag-mi-meet. Kasi siyempre, mamaya ayaw pala niya sa ‘kin ‘tapos isipin niyang mas masama akong balak sa baby boy niya.”

“Okay lang d’un ‘yun. Saka okay lang din sa ‘kin kung may masama kang balak. Willing naman ako lagi.”

She made a face at me that made me grin, ‘tapos bigla siyang naningkit. “Teka lang ah. Sa palagay mo nakalimutan ko nang binigla mo ako na ipapakilala mo pala ako sa kanila? Hindi ka nagpaalam ah!”

Binigyan ko siya ng malaking ngiti. “Eh paano nga ba kita ipapakilala sa kanila? Ano sa palagay mo ang sasabihin ko?”

Inangat niya ‘yung slice niya ng pizza. “Ewan ko sa ‘yo.” Kumagat siya ng pizza, ngumuya at lumulon. “Ano nga ba ang sasabihin mo sa kanila?”

“Paano kung sabihin kong nakilala mo ako sa Tinder, ‘tapos willing kang maging sugar mommy ko para lang magkita tayo sa personal kaya pinapunta mo talaga ako dito?”

“Sige ah. Ikaw lang ang pumunta sa bahay ng mommy mo mamaya.”

Tumawa ako. “Hindi! Kasama ka dapat! Ikaw nga ang gusto nila makita eh!”

Namilog ‘yung mga mata niya. “Teka! Sinabi mo ba sa parents mo na nagpunta ka rito para sa ‘kin?”

“Aba! Ikaw ba ang pinuntahan ko rito? Hindi ba si Theo?”

“D’un ka sa sasakyan matulog mamaya ah!”

“Sige, d’un mo ‘ko patulugin, tatabihan kita mamaya!”

“D’un ka sa cat bed ni Theo!”

At ‘yun na siguro ‘yung sandali na nawala na nang tuluyan ‘yung kaba ko na baka iba ‘yung Erica sa imagination ko sa Erica sa totoong buhay. The woman laughing with me was pretty much the same woman I fell for over the phone.

And she was making me fall for her all over again.

---

PAGKATAPOS kumain, inaya ko siya sa kuwarto ko… hindi para sa kabastusan, sira, pero may dala kasi akong sari-sari store d’un sa isa kong bag. Eh dahil hindi pa kami inaantok pareho, sabi ko ibigay ko na ‘yung mga pasalubong ko.

Pinamili kasi ako ni Mommy. Ewan ko ba sa nanay ko. Hoarder ‘to eh. Laging natatakot na wala siyang mabibilhan ng patis sa New York. N’ung nabanggit ko ‘yun kay Erica, tinanong ko na rin siya kung may gusto siyang ipabili. Kung meron man kasi ng mga ‘yun sa Filipino stores, mahal ‘yun.

Tumili siya sa tuwa na para bang inalayan ko siya ng mga alahas n’ung nilabas ko na ‘yung Flat Tops, Choc-nut, Cheese Ring, Nutristar at ilang packs ng tig-pi-pisong Sugo na maanghang.

“Thank you!” Niyakap niya ‘yung mga pagkain. Sana ako rin ano? “Thank you! Ang dami! Akala ko konti lang ang dadalin mo! Thank you!”

“Konti nga lang ‘yan eh. Sa susunod, magpupuno ako ng balikbayan box.”

“Thank you talaga.”

‘Tapos binuksan niya ‘yung plastic ng Sugo at sinimulan na niya kainin.

Ang cute talaga niya. May pagka-PG rin.

Magkatabi kaming naka-upo sa sahig ng kuwarto ko, nakasandal sa kama. Nagkuwentuhan pa kami habang kumakain. Noon na tuluyang lumabas ‘yung Lex at Erica na sa chat magka-usap. Kung paano kami online, gan’un pala talaga kami kasi walang pinagkaiba n’ung magkasama na kami.

Mga alas tres ko na napansin na mapungay na ‘yung mga mata niya. Panay na rin ‘yung hikab niya ‘tapos hawak na lang niya ‘yung pakete ng Sugo. Hindi na siya nagbubukas. Either nagsawa na o masyado na siyang inaantok para ngumuya.

Kapag kaya kantahan ko ng lullaby, makatulog na nakahilig sa balikat ko?

“Antok na antok ka na! Matulog ka na,” sabi ko sa kanya.

Naghikab siya ulit. “Okay lang ba?”

Natawa ako. “Oo naman. Pinagod na nga kita, ‘tapos di ka pa puwede matulog?” Tumayo ako saka ko inilahad ‘yung palad ko sa kanya para tulungan siya tumayo. Inabot niya ‘yung kamay ko, at first time ko siya nahawakan. ‘Yun lang ah. Palad pa lang. Nilagnat na ako, sigurado ko.

N’ung makatayo siya, binitawan ko naman agad ‘yung kamay niya. Matulungin lang muna ang i-project nating image, at huwag manyakis. Magkatulong naming pinulot ‘yung mga balot ng mani, at ‘yung iba kong pasalubong sa kanya.

“What time tayo dapat nasa bahay ng mommy mo?” tanong niya na halos nakapikit na sa antok habang naglalakad kami papunta sa kuwarto niya.

“Kahit 12 na. Makikikain lang naman ‘tayo.”

She smiled, ‘tapos natuloy sa hikab. Ka-cute talaga. Parang kuting.

“Daan na lang tayo sa bakery. Bili tayo ng dessert or something,” sabi niya.

“Okay.”

“Try ko gumising nang maaga para mag-prepare ng breakfast.”

“Huwag na. Kung gising pa ako mamaya, ako nang bahala.”

“Okay,” siya naman ang sumang-ayon. 

Huminto siya sa tapat ng pintuan ng kuwarto niya saka tumingala sa ‘kin. She smiled sleepily at me, and there wasn’t anything more in the world that I wanted to do at that moment than to kiss her.

Lalo na kasi humakbang siya palapit, at niyakap ako.

Niyakap niya ako.

Eh di nakiyakap din ako. Tatanggi ba ako? Bumalot din ‘yung mga braso ko sa bewang niya ‘tapos idinikit ko ‘yung ilong ko sa buhok niya.

“Good night, bub. Welcome to New York.”

Nakangisi akong parang tanga n’ung hukambang siya palayo. “Thanks, baby ko. And good night.”

N’ung pumasok siya sa kuwarto niya at isinara niya ‘yung pinto, hindi ako agad naka-alis sa tapat n’un. Gusto kong kurutin ‘yung sarili ko kasi hindi ko sigurado kung totoong nasa New York ako, at nasa likod lang ng pintuan na ‘yun si Erica, at na nararamdaman ko pa rin sa palad ko ‘yung kamay niya, saka naaamoy ko pa rin ‘yung buhok niya. Para talagang panaginip eh.

Di bale. Bago matapos ang dalawang linggo ko rito, siguro naman naniniwala na akong totoo ‘to… saka na makakatulog na rin ako sa loob ng kuwarto niya.

Ano ba? Pangarap na nga lang, di mo pa taasan di ba?

Natawa ako sa sarili ko saka ako napangisi.

‘Tapos akala ko aatakihin ako sa puso kasi bumukas ulit ‘yung pinto at nahuli niya akong nakatayo pa rin d’un na mukhang stalker na may masamang balak. Tiningnan niya ako nang mapagtanong.

“Sorry!” malakas kong sabi bago ako nagturo ng random na direksyon. “Ano… balik na ako sa kuwarto.”

Tumawa siya at itinuro ‘yung kabilang direksyon. “D’un ‘yung kuwarto mo, bub. Sa kitchen ‘yan papunta.” Tapos tumungo kami kasi nag-meow si Theo na nasa paanan ko pala. “Ayan na,” sabi ni Erica. “Akala ko kasi nandito na siya sa loob kanina. Napagsarhan ko tuloy ng pinto.”

Pinanood kong pumasok sa kuwarto niya si Theo, ‘tapos tumalon paakyat ng kama.

Medyo nainggit ako sa kanya kasi may puwesto siya sa kama ni Erica. Di bale talaga. Darating din ang araw na ako rin, puwede na d’yan.

“Sooo…?”

“Hmm?” tanong ko na sa kanya naman tumitingin. “Ah! Oo! Good night na pala.”

She smiled back sweetly. “Good night.”

Bago pa niya maisara ‘yung pinto ulit, kumaway na ako saka naglakad pabalik sa kuwarto ko. Mamaya kasi maisip na may maitim nga akong balak kasi ang creepy na lagi akong nakatayo sa tapat ng pintuan niya. Baka magdalawang-isip pa kung bakit ba ako pinatira sa bahay niya.

Isinara ko na rin ‘yung pinto ko saka ako dumerecho sa kama. Di ako tumalon na parang si Theo pero nahiga ako. Hindi pa talaga ako inaantok pero nararamdaman ko na ‘yung pagod galing sa biyahe.

Inabot ko ‘yung telepono ko, ‘tapos in-open ko ‘yung chat namin ni Erica.

‘Tapos nagpadala ako ng message.

Lex
Good night, baby.
😚

Erica
Good night, bub.
😘


Ngumiti ako saka ako umayos ng higa sa kama.

Nandito na ako sa New York. Wala na sa kabilang mundo si Erica, nasa kabilang kuwarto na lang siya. I have two weeks to get to know her, and to let her get to know me. Sana bago ako umuwi, kung hindi man kami na, at least may pundasyon na kami.

I really want to be with her. I want a future with her. I just… want her.

Sana, sa loob ng dalawang linggo, makumbinsi ko siya na gusto rin niya ako.

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now