twelve

6.6K 519 357
                                    

NANG mga sumunod na linggo, CR lang ang pahinga ko. Dumalaw ako sa lahat ng mga sites ng mga kasalukuyan naming projects mula Bulacan hanggang Tagaytay, at nakipagkita ako sa lahat ng mga kliyente, ‘yung iba para i-reassure nga silang okay pa rin ang kompanya, ‘yung iba para magpakilala kung sakaling nakalimutan na nila ang mukha ko kasi nga si Ate Kaye at si Daddy lang ang lagi nilang kausap noon. May mga natapos nang proyekto at may mga bagong pumasok. At ‘yun nga, ‘yung Andrews Project na kailangan ng matinding strategic planning sa laki. Kailangan kong siguruhin na bago simulan ‘yung proyekto na ‘yun, at least tatlong sites na ang tapos kasi kailangan namin ng mga tao.

Kung marunong ka ng construction work, apply ka sa opisina.

Naka-resign na si Ash sa Balajadia Industries. Tinapos lang niya ‘yung kontrata niya, ‘tapos pumunta lang sila ni Mere sa Hong Kong para sa monthsary nila, ‘tapos magsisimula na siya sa AMC. Kaya ko na rin tinrabaho ‘yung mga dapat ayusin, para pagdating ni Ash, okay ka. Mauupo at magkakape na lang siya.

Isa pa, nakukunsensya ako kasi hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi sa kanya na ako naman ang aalis pa-New York. 

Sabado ng tanghali, nasa bahay ako, naghahain ng ulam at kanin kasi inimbitahan ko si Onew sa bahay ko. Nag-pratice kasi ako magluto ng pork nilaga at siya ang magiging ginuea pig ko bago ko ‘yun ipatikim kay Erica. Baka kasi kung magustuhan niya ‘yung sabaw ng nilagang baboy ko, baka magustuhan din niya ‘yung iba kong sabaw… ‘yung sabaw ng sinigang ko naman.

N’ung kumatok si New, handa na ang pagkain at pinapasok ko na siya.

“’Tapos na ‘yung bahay nina Mr. Tiamson!” sabi ng isa sa mga best friends ko mula pa n’ung college. Malaki ang ngiti niya at halos maglaho ‘yung mga mata niya sa tuwa. Kung single lang ‘to, ibebenta ko ‘to sa ‘yo eh, lalo na kung mahilig ka sa mukhang idol. Na-feature ‘to sa isang actual Korean website na number one na pinakaguwapong kapatid ng K-Pop idol, akala mo!

Oo, may kapatid siyang idol pero ibang kuwento na ‘yun.

“Puwede na sila lumipat kahit mamaya pa kung gusto niya,” dagdag niya.

“Ayos! Good job.” Nag-fistbump pa kami saka niya ako sinundan sa kusina. “Ano’ng gusto mong sawsawan?”

“Nilagang baboy di ba? Eh di patis at kalamansi!”

Naghugas siya ng mga kamay habang tinatapos ko ‘yung paghahanda. Natigilan siya n’ung makita niya ‘yung dami ng mga mangkok sa mesa.

“Iba-ibang klaseng nilaga kasi ‘yan.” Pinaupo ko siya sa tapat ko saka itinuro ang mga mangkok. “Plain pork nilaga as in may patatas, pechay at repolyo lang. Pork nilaga na may patatas, pechay, repolyo at mais. Pork nilaga na may patatas, pechay, repolyo at saging na saba. At pork nilaga na meron lahat.”

Tumango-tango siya habang naglalagay ng kanin sa pinggan niya. “Ba’t bigla ka naman yata nagka-interes na magluto? At bakit pork nilaga?” Natigilan siya saka ako tiningnan. “Babae ano?”

“Babae agad? Di ba puwedeng gusto ko lang ma-perfect ang nilagang baboy ko?”

Naglagay pa siya ulit ng kanin sa pinggan. “Iba kasi ang effort mo eh. Kung ako lang ang pakakainin mo, ibibili mo lang ako ng isang bucket ng fried chicken, okay na ‘yun. Kung barkada naman, mag-o-order ka lang ng crispy pata at sisig. Pero ‘yung magluto? Na hindi instant?” Pinandilatan niya ako. O at least sinubukan niya akong pandilatan kasi parang linya lang ang mga mata niya eh. “May girlfriend ka na ‘no?”

Natawa ako. “Wala!” Itinulak ko palapit sa kanya ‘yung magkok ng plain nilaga. “Pero may…”

May ano? Ano nga ba? Nililigawan ko na ba si Erica? Kasi parang medyo nag-skip na rin kami sa ligaw talaga at may pa-baby/bub na kaming nalalaman eh. ‘Tapos ang tanda ko naman na para sabihing may ka-MU ako!

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now