twenty-three

2.4K 144 36
                                    

A/N: This update is for Doc Shiela from Ko-fi! Thank you for always supporting my work. Hindi ko na alam kung paano mag-thank you haha pero super appreciated. I hope you enjoy this one!

--- 

N'UNG PINAPLANO namin 'tong bakasyon namin, nag-kompromiso kami ni Erica. On a scale of one to ten sa pagiging adventurous, nasa ten daw siya pero madalas na "the body is weak" so seven point five daw siya overall. Ako naman eh twelve pagdating sa kahit na ano. So ang compromise eh sa umaga, mamamasyal muna kami sa village. May gusto siyang puntahang bookstore at antique store so uunahin namin 'yun. Pagkatapos, saka kami pupunta d'un sa simula ng hiking trail na napagkasunduan naming subukan.

Maaga ako nagising kasi tumawag si Ash para manghingi ng hug. Moral support lang naman ang kailangan niya eh kasi alam naman niya 'yung ginagawa niya. Doble tuloy 'yung ganda ng araw ko kasi ang ganda na ng katabi ko n'ung nagising ako, nag-almusal pa ako ng pride para sa kung paano pinapatakbo ni Ash 'yung kumpanya. Kaya sigurado kong maganda na naman ang araw ko.

Matapos makapagligpit ng mga pinagkainan ng almusal, inempake ko na si Theo sa backpack niya para makaalis na kami.

Naglakad lang kami pababa ng bundok pabalik sa village. Presko naman, hindi pa mainit, 'tapos wala pang fifteen minute walk papunta. Naglakad si Theo nang mga three minutes 'tapos nahiga na lang siya sa gilid ng kalsada at umayaw na sa buhay niya. At dahil spoiled siya sa aming dalawa ng nanay niya, tumungo lang ako at binuhat siya hanggang sa makarating kami sa village. Pumasok kami ni Erica sa isang bookstore na may karga akong pusa.

Siyempre bumenta kami d'un sa mga lola na may-ari na pareho rin palang cat ladies. Habang naglilibot si Erica at naghahanap ng mabibili, tumambay kami ni Theo sa may counter at nagpakabusog sa chocolate chip oatmeal cookies (ako) at cat treats (ako pa rin. De joke lang) na bigay ni Mrs. Stevens. At n'ung binalikan kami ni Erica na may hawak nang trenta yatang libro, nakakuha din siya ng malaking discount dahil "we love wide readers, and cat lovers, and your gorgeous husband!"

Napatingin si Erica sa 'kin. Binigyan ko siya ng inosenteng tingin na katulad ng tingin ni Theo kapag nanghihingi siya ng pagkain sa nanay niya kahit tatlong beses ko na siyang pinakain.

"Well, he /is/ amazing," sabi niya nang muli niyang tingnan si Mrs. Stevens na may malaking ngiti.

Nang makalabas kami, inabot niya sa 'kin 'yung library in a bag niya. "Dahil amazing husband ka naman, ikaw nang magbuhat nito, Mr. Lavides."

Nanlaki 'yung mga mata ko. "Sa palagay mo hindi ako papayag na ako 'yung magpalit ng apelido kung ikasal tayo? Ang ganda kaya pakinggan ng Lex Lavides!" Inangat ko pa 'yung kamay ko para sumenyas sa ere na parang may billboard doon. "Engineer Lex Montesines-Lavides. Di ba? Parang mayaman?"

She snickered and then pulled me into the antique shop next door. Inilagay ko na sa backpack si Theo at sinigurong secure siya doon, kasi pagkapasok na pagkapasok namin, masama na agad 'yung tingin niya sa mga nakabitin na display. Bago pa niya talunin 'yung mukhang mamahaling kristal, nai-shoot ko na siya sa carrier niya.

Inisa-isa namin ni Erica 'yung mga tindahan sa magkabilang banda ng main street. Medyo marami-rami na rin akong nabili na pandagdag sa mga pasalubong.

Doon na rin kami nag-early lunch bago kami bumalik ng bahay. Hindi kasi namin puwedeng isama si Theo sa hiking kaya iiwan muna namin siya hanggang mamayang gabi. Ako ang nag-akyat ng dala naming mga bag habang sa kusina pumunta si Erica para maglagay ng snacks at tubig sa bowl ng baby namin, 'tapos kumuha na rin siya ng sarili naming snacks at tubig para sa hiking trip. Pagkatapos ay umalis na rin kami dala ang sasakyan.

"Sure ka na hindi mahirap lakarin 'to ah," pangungulit niya sa 'kin nang papasok na kami sa parking lot kung saan naroon ang simula ng trail.

"Sabi d'un sa website easy trail lang siya. Kailangan lang mag-rapel bago nating marating 'yung falls."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never Stop FallingWhere stories live. Discover now