Chapter 24 Past Tense

2.3K 93 4
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Ano bang nangyayari sayong bata ka? Tanghali na pero hindi ka parin bumabangon"

Mula sa pagkakatihaya ay dumapa ako sa kama upang itago ang aking mukha sa sinag ng araw. Binuksan kasi ni mama ang bintana at hinayaang pumasok sa kuwarto ang hangin sa labas.

"Bumangon ka na diyan at magagalit na naman papa mo kapag nakita kang ganiyan" anito na hindi ko pinansin.

Nanatili lamang akong nakadapa at pinilit ang sariling matulog. Wala pa ako sa huwisyo upang bumangon o di kaya ang maglinis ng aking katawan.

Dahil sa aking ginawa ay hindi ko namalayang nakatulog na pala akong muli. Parang naririnig ko na ang aking sariling paghihilik ng magising ako sa masamang panaginip.

"Ughhhh!"

Agad akong umupo sa kama. Akala ko nalulunod na ako sa malalakas na patak ng ulan ngunit malalaking patak pala ng pawis ang nasa aking mukha. Agad akong napatingin sa bintana ngunit muli na itong nakasara. Pero ang electric fan sa loob ay patay at nakabukas lahat ng ilaw kaya parang sauna ang loob ng kuwarto.

"Tsk.. si mama talaga"

Bumangon na lamang ako at inayos ang aking higaan. Nilinis ang buong kuwarto saka bumaba sa hapag kainan.

"Bumaba ka rin" ani papa na nakasimangot sa akin. Nakanguso itong nagpapalipat lipat ng tingin mula sa diyaryo na binabasa at sa aking pag upo sa lamesa.

"Opo"

"Anong oras ka na naman ba umuwi kagabi at tanghali ka na nagising? Wala ka na bang gustong gawin sa buhay mo?" galit nitong tanong

Hindi ako sumagot. Nanatili lang ako nakayuko at tahimik na kumakain.

"Wag mo nang pagalitan ang anak mo. Diyan lang naman sa bubong yan naglagi kagabi eh" ani mama

"May mahihita ba yan sa bubong. Mas maigi sana kung bumalik na lang yan sa pag aaral at baka natuwa pa ako"

Kumain ako ng tahimik. Inayos ang pinggan sa lababo pagkatapos at muling umakyat sa kuwarto. Narinig ko pa ang pangaaway ni mama kay papa dahil hindi man lang daw ito marunong mag timpi.

Napabungtong hininga na lamang ako at kinuha ang notebook kung saan ko isinusulat lahat ng nangyari sa akin sa nakaraan.

"Anak puwede bang pumasok?" tanong ni mama na sinagot ko ng oo.

Binuksan nito ang pintuan at umupo sa aking tabi. Inilatag ang baso  ng gatas sa ibabaw ng aking studay table at ginulo ang aking buhok.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now