Chapter 23 Cry Me A River!

2.5K 93 6
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

 "Flattery aside ..hindi ko alam na may kaibigan pala si Mah-lak-KEE na kasing ganda mo"

Hindi ko alam kung matutuwa o hindi sa sinabi ng lalaki. Ni wala akong ideya kung nakikilala ba ako nito o hinde. Patuloy lang ito sa pagsasalita habang nakatitig sa akin. Ako naman ay umiinom lang ng kape habang pinagmamasdan din ito.

“N-nambola ka pa Arayuon-man.” sagot ko na inilihis ang tingin sa lalaki. Nahihiya akong tingnan ito sa mata dahil hindi ko alam kung ano ang makikita duon.

Nalilito na ako kasi sa totoo lang. Hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko na alam kung nasa nakaraan pa ba ako o hindi na. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hinde.

"Arggh" ani ko sa aking sarili. Parang gusto ko na lang magkamot ng ulo at baka duon ay makahanap ako ng kasagutan.

Nasa 2015 na ako at certain ako sa bagay na iyon dahil na rin sa ilang bagay na ipinaliwanag ni mama na nangyari. Base sa mga kuwento nito ay marami rami akong na miss simula ng mahulog ako sa manhole. Patunay na nasa present ako dahil nakalagay pa sa chart ang mga araw na naospital ako. At heto nga, nandito ako ngayon sa ospital pagkatapos kong  bawian ng hininga sa nakaraan.

Suot ko pa ang aking kimono na patunay na kakagaling ko lang sa nakaraan. Ngunit hindi ko lang maintindihan kung bakit naririto na si Mah-lak-KEE ng ikasal si Marian dahil pitong araw na ng mangyari iyon. Iisang araw lang kami ng mamatay. Dalawang oras lang ang pagitan ngunit imposibleng pitong araw siyang  nauna dahil lamang duon.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong nito na hindi ko pinansin.

Nalilito tuloy ako kung maniniwala ba ako na ang best friend nito sa kuwarto ay si Mah-lak-KEE na nakasama ko sa nakaraan. Pero kung totoo naman ang sinabi ni mama na dinalaw ako ng lalaki  ay maaring ito nga ang lalaking iyon. Na may koneksiyon talaga kami.

Pero ano naman ang ginagawa ni Arayuon-man sa panahon ko? Hindi naman ito namatay, ni hindi nga ito nanggaling sa mundo ko para mag krus ang aming landas.

Napatitig ako sa mukha ni Arayuon-man habang humihigop ito ng kape. Naka suit ito at napaka linis ng gupit. Na emphasize pa lalo ng kaniyang puting vest ang kayumanggi nitong  balat.

Ibang iba ito sa taong nakilala ko sa nakaraan. Mas mukha pa nga itong intelehente kesa sa akin na Diyosa. Pero ano naman ang gagawin nito sa kasalukyan? At ni hindi ako nito kilala?

"Kanina ko pa napapansin ang pagsimangot mo. I hope it has nothing to do with us bumping each other earlier"

"Ahh..ehehehehe" ani ko na lamang na napasimangot.

Manonosebleed pa yata ako sa version nito sa present.

"So, How did you know Mah-lak-KEE?" tanong nito sa akin.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now