Chapter 15 A Beki's Cry

2.3K 102 5
                                    

Author's NOte: BIlang pangbawi sa isang linggo na walang update dati. Two chaps ang update ngayon. ENjoy :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Talk back and your DEAD!" ani Mah-lak-KEE

"Ha? Hanu daw?"

Napatingin ako sa seryosong mukha nito habang seryoso din akong kinakaladkad palayo sa mga babaitang malay.

Nag wowonder ako kung saan niya nakuha ang praise na iyon. Tagarito siya sa panahon na ito pero ang TBYD ay sa panahon ko pa. Ni hindi ko pa nga napapanuod ang movie nito eh. Infairness, english ang sinabi niya with a natural accent pa.

"Nabasa ko sa isa sa mga gamit mo" dagdag nito na tila nagpapaliwanag.

Inismiran ko na lamang siya. Hindi naman kami ganito ka close para makipag usap ako sa taong humuli sa akin. Napatingin na lamang ako kay Kuring at anak nito na nakaluhod sa harap ng mga malay.

Nagkatitigan kami ng matanda at tumango na lamang ako. Ibibigay ko na sa kanila ang aking mga gamit kung ganito lang naman ang aking kahihinatnan. Ngumiti ako sa matanda at nagpasalamat sa mga ginawa nito para sa akin.

"A-Aray. Nasasaktan ako. Puwede pakiluwagan?" mainit kong baling kay Mah-lak-KEE.

Naglalakad na kasi kami sa iilang parte na mangilan ngilan na lang ang tao ngunit kung makahila ito ay parang kung sino lang. Ako parin ang Diyosa nila kaya tama lang na igalang niya ako.

"Kriminal lang ang nasasaktan" anito na lalo kong ikinagalit.

"So talagang nag decide na kayong ako ang may kasalanan?" ani ko na nasaktan sa sinabi nito.

"Kaya ka nga tinawag na kriminal kasi may desisyon na"

"Aba. Pabalang ka nang sumagot ngayon ha! Ako ang Anit-"

"Isa kang impostor!" mataas ang boses nitong sambit na aking ikinagulat.

Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang hawak hawak ang aking panga.

"Na-sasaktan ako!" mahina kong sambit ngunit hindi nito binitawanan ang aking mukha.

"Dapat lang. Pinakaayaw ko sa lahat ang sinungaling. Lalo na ang mga taong ginagawa ito para makapamuhay ngmas mataas sa kapwa nila"

Iniitsa niya ako sa gilid ng daan. Walang pakialam na naglakad. Magpapahinga sana ako ng kaunti dahil nakaupo na rin ako ng bigla nitong hilahin ang aking tali. Ayoko mang sumunod ay wala akong choice. Nagsisimula na kasing mamula ang aking kamay at anytime ay masusugat na ito kung lalabanan ko ang paghila niya.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now