Chapter 2 A HOLE New World!

4.7K 176 5
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH -ray!"

Nasampal ko ang aking sarili ng marindi sa kakasigaw. Halos maubusan na ako ng boses sa kakatili. For sure ang litid sa aking leeg ay kanina pa ang nagrereklamo dahil sa aking ginagawa.

Tumingin ako sa paligid. Wala akong makita. Napakadilim kaya kailangan ko pang mangapa upang makagalaw. Confident naman ako sa aking kapain abilities pero agad akong napatayo ng may mahawakan akong matigas na bagay.

Hinawakan ko ang aking kamay. Mainit init ang aking nahawakan. Muli akong umupo. Dinama ito. Hindi nga ako nagkamali. Malaki siya. Mahabang pabilog.

At...

At..

Pumipintig.

"Humaygad. Huwag mong sabihing may lalaki dito sa manhole" mahina kong bulong.

Bumalik ako sa pagkakahiga sa lupa kasama ang matigas na et**s ng lalaki. Malas niya at ako ang nahulog sa butas. Ihi lang ang magiging pahinga niya.

Pinakiramdaman ko ito. Hindi ko maiwasang kabahan sa mga bagay na maaring mangyari. Lalo na at hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng sexcapade sa manhole!

Ako na talaga. Ako na ang pinakamaganda at pinakamalandi.

"Puwede na tayong magsimula kung gusto mo" ani ko na hinawakan siya.

Bigla akong naglaway ng maramdaman ang init at lamig ng kaniyang balat. Kakaiba ito sa mga nauna kong nakilala. Parang yummy.

Kinapa ko ang aking cellphone na hawak hawak ko kanina ng mahulog. Ilang minutong kapaan din ang aking ginawa bago ko ito nakita sa may bandang mabuhok.

"EHhhhh... so excited na!" tili ko.

Okay lang naman kung taong  imburnal siya. Basta ba malaki masaya na ako.

Binuksan ko ang flashliht ng aking telepono. Gusto kong makita ang kaniyang datung. Para masaya ang aking buong experience.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Napatayo akong bigla at napasandal sa gilid. Parang nalaglag ang aking puso sa sobrang kaba ng makita ang bagay na kanina ko pa hinahawakan.

Totoo naman. Malaki ito. Mahaba. Bilugan at mainit.

Pero...

Pero..

Madulas din.

"Shhhhhh"

"H-huwag kang lalapit.. sisigaw ako sige ka. Huwag kang lalapit"

Inilawan ko ang aking napakalaking maleta. Dahan dahan itong hinila papunta sa akin habang nakatingin sa bagay na aking katabi kanina.

"Huwag kang lalapit please.. binabawi ko na ang sinabi ko. Ayaw na kitang ma experience!"

Hinila ko ang maleta ng bigla itong gumalaw. Agad akong tumakbo sa labas ng madilim na lugar na iyon ng walang lingon liko.

"AHAS! MAY AHAS!"

Para lang akong tangang nagsisisigaw. Ngunit nagulat ako sa aking inabutan pagkalabas na pagkalabas ng lugar kung saan ako bumagsak.

"Kuweba?" ani ko na napatingin sa maliit na butas na aking pinanggalingan. Wala akong natatandaang kuweba dahil sa manhole ako nalaglag.

Titigil sana ako sa pagtakbo ng makita ko ang malaking ahas na sumusunod sa akin. Agad na lang akong umiskapo sa pinakamalapit na bundok.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now