Chapter 29 FINALE

2.1K 77 7
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****


Author's note: Wahhhhhh finale na. Masyado ko nang pinatagal kaya post ko na po. Share your comments po sa comment box. Don't forget to vote po ha. Mahal ko po kayo :D




Mah-lak-KEE's POV



Napangiti ako ng makita ang pamumula ng mukha ni Steph. Kahit ang pilit nitong pagtago sa kaniyang nararamdamang excitement ay kitang kita ko dahil sa marahan nitong pagkagat sa kaniyang labi at pagyuko na ginagawa lamang niya kapag hindi niya kayang makipagsagutan.

"Will you marry me?" muli kong tanong ng hindi ito sumagot kanina.

"Ma-lak-KEE.."

"Gusto kitang pakasalan Steph hindi dahil mahal mo ako o mahal kita. Dahil magagawa naman nating magmahalan kahit hindi tayo magpapakasal. Puwede tayong magsama kahit walang basbas ng iba." ani ko na nakatingin dito.

"Pero gusto kitang pakasalan dahil hindi ko kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko Steph. Dahil sa bawat minuto, oras o araw na hindi kita kasama ay kinakain ng kung ano anong pag aalala ang utak ko. Kung okay ka lang ba, kung sino ang kasama mo, kung namimiss mo ba ako.. o.. o.. kung sumagi man lang ba ako sa utak mo"

Natawa ako sa aking sinabi. Parang gagong tumingala upang mapagtakpan ang aking pagkapahiyang nararamdaman.

"Siguro bobo lang talaga ako pagdating sayo. Nakakahiya mang aminin pero para akong kotse na ayaw umandar dahil wala ka Steph. Corny pero ikaw ang ang susi sa buhay ko eh."

Nakita ko ang takot na nasa kaniyang mukha kanina. Alam ko na iniisip nitong kasalanan niya ang lahat kung bakit ako na ospital, kung bakit puro masasamang bagay na lang ang nangyayari sa akin. Ngunit walang katotohanan iyon. Mahal ko si Steph at kahit na anong mangyari ay hindi ko siya sisisihin sa mga nangyari sa akin.

"Naiintindihan mo ba kung gaano kita kamahal Steph?" tanong ko dito na sinagot niya ng tango.

"Mahal na mahal kita na kung maari lang kitang itali sa aking katawan ngayon ay gagawin ko upang hindi ka na makalabas ng kuwartong ito at ..at iwanan ako. Ganito kita kamahal. Kaya sana sagutin mo ng buong puso ang tanong ko... kung...kung... kung payag ka bang pakasalan ako"

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang sagot nito. Nakaharap ako sa kaniya ngunit nais kong pigilan ang aking emosyon

"No"

Ramdam ko ang biglang panghihina ng aking katawan. Ang ngiti at saya na kanina lamang na aking nararamdaman ay parang gusaling gumuho. Gusali na nagbibigay ligaya ng nakatayo pa ngunit pighati pala ang dala ng gumuho na.

"B-bakit?" tanong ko. Nagdadalawang isip man kung gusto ko nga ba talagang malaman kung bakit 'No' ang kaniyang isinagot ay hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Mahal na mahal ko si Steph. Sa dinami rami ng nangyari sa akin ay ito lang ang tanging bagay na hindi ko makakayang hindi makuha.

"Steph! Bakit? H-hndi mo ba ako ma..mahal?"

Niyugyog ko ang katawan ni Steph. Ngunit muli akong napatigil ng muli itong tumanggi habang puno ng luha ang kaniyang mukha.

"Hindi. Hindi Mah-lak-KEE."

Napatigil ako sa pagtatanong ng makita kong hindi nakatingin sa akin si Steph. Paulit ulit itong himihindi ngunit hindi para sa akin.

"Tama na please" anito

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now