Chapter 26 - Truth Hurts

2.2K 91 2
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental***




"Maihahalintulad ang pagmamahalan noon sa pagbili ng pag ibig ngayon. Noong sinaunang panahon, kung nais mong mahalin ka ng isang babae... kailangan mo lang mag alay ng malaking halaga sa magulang nito. May pagkakataon rin na kailangan mong bilhin ang kalayaan ng taong iyong iniibig mula sa nag mamay ari sa kaniya"

Napatigil ako sa pagpasok sa aking classroom ng makita si Mah-lak-KEE na nakaupo sa mesa na nasa harapan ng buong klase.

"Oi Steph.. nakabalik ka na pala"

Tinanguan ko lamang ang ilan sa aking mga kaklase na hindi ko na masyadong maalala ang mga pangalan. Pumasok ako sa loob ng classroom na hindi tumitingin sa lalaking patuloy sa kaniyang lecture.

"Ibig sabihin ba ser kailangan mayaman ka noong unang panahon para magka asawa?"

"Hindi. Kailangan mo lang maging masipag" rinig kong sambit ni Mah-lak-KEE habang hinahanap ko ang aking upuan.

"Kapag masipag ka...kaya mong pakasalan kahit sino. Kahit gaano pa kalaki ang hinihingi nilang kapalit  upang mahingi mo ang kamay ng iyong iniibig, mababayaran mo iyon kung masipag ka lang magtrabaho."

Sabay sabay na nagsitanguan ang aking mga kaklase sa kaalaman na ngayon lang nila narinig.

"Ser kahit sino ba puwede?"

"Yep."

"Eh di maraming bakla nuon ser? Kaya na nilang bilhin ang mga lalake eh. Scary!"

Nagkagulo ang mga lalakeng nakaupo sa aking unahan sa kakatawa.

"Tsong dami siguro sumusupsup ng etits duon" ani ng isa na kinantiyawan ang kaklase nilang bakla.

Napaismid na lamang ako sa kanilang kababawan. Kung alam lang nila na hindi ganito kababaw ang tingin sa amin sa nakaraan. Kung ngayon ay kinagigiliwan kami dahil sa pagpapatawa, duon ay isa akong Diyosa.

"Sige lang, magpakabusog kayo sa kakatawa" bulong ko na kinuha ang aking journal. Balak ko na sanang magsulat ng magsulat ng mapatingin ako sa direksiyon ni Mah-lak-KEE.

Hindi ko akalain na nakatitig rin pala ito sa akin kaya agad kong binawi ang aking tingin. Pinunasan ko ang aking noo dahil sa pawis na umagos mula rito.

"Mr. Steph Phiennes" tawag nito.

"P-po?"

Agad akong tumayo ng tawagin ng lalaki ang aking pangalan. Nakatingin ito sa papel na kaniyang hawak habang palipat lipat na ibinabato sa akin ang atensiyon.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now