Chapter 25 Non existent

2.1K 84 1
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Mama naman bakit niyo pinapasok!" inis kong sambit ng sabihin ni Mama na nasa baba si Arayuon-man.

"Eh anak ang gwapo niya eh"

Napapakamot na lamang ako ng ulo na napatingin kay mama. Para kasi itong teenager kung makaakto dahil lamang may lalaking gwapo kuno sa labas.

"Okay na siya sa akin anak. Kahit hindi kayo mag kaanak ay push mo  parin, support kita" anito na lumabas ng aking silid.

Napailing na lamang ako ng halos madulas ito sa hagdanan dahil sa pagmamadaling makababa.

"Ano bang nakita nila sa lalaking 'yon?" ani ko sa sarili.

Nagdesisyon akong bumaba ng sala pagkatapos magpalit ng damit. Habang nasa hagdanan ako ay hindi ko maiwasang hindi mapatigil ng marinig ang tawa ni itay. Nang sumilip ako ay si Arayuon-man ang katawanan nito sa hindi ko malamang kadahilanan. Kaya agad ko na lamang nilapitan si inay upang magtanong.

"Hindi ko nga alam diyan sa tatay mo...inagawan ako ng pagkakataon na makausap ang manliligaw mo"

"Mama naman" ani ko na biglang nakaramdam ng inis.

"Hindi ko alam" ani na tumingin sa akin "ayaw na ayaw ng papa mo sa mga lalakeng umaaligid aligid sayo pero hindi ko alam kung bakit nagpapakabait ngayon" dugtong nito na nakanguso.

"Bakit kayo nakanguso?" tanong ko.

"Baka kako umatras pa ang manliligaw mo dahil sa pangangaliskis ng  papa mo. Puntahan mo na nga ng matigil na yun sa kakatawa" utos ni Mama na pumasok ng kusina.

Nagpaalam ito na kukuha lang ng meryenda para sa bisita.

"A-arayuon.." tawag ko sa lalaki.

"Magandang gabi sayo Steph"

Napataas ang aking kilay sa kapormalan nito. May iniabot pa talaga itong bulaklak sa akin sabay halik sa aking pisngi.

"O siya..iwanan ko na muna kayo dito ng anak ko" ani itay na nakipag kamay kay Arayuon-man.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin