Chapter 6 A Mah-lak-KEE(ng) chance that slip away!

3.8K 162 16
                                    

Author's Note: Dahil madami ang nagrerequest. Tinapos ko talaga tong chapter na to today. Kahit 12am na. Ma post lang. Sorry guys.. tinapos ko kasi yung isang story na I Love You Mr. Homophobe eh.

Pa vote po ah at pa comment na din. What do you think of fthe story at kung ano ang inaabangan niyo :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****



"Sinech itey?" tanong ko kay Maganda habang nakatingin sa lalaki.

Parang na mesmerize ako sa kaniyang gwapong features. Ang balat nitong may pagkakayumanggi ang dating ngunit mas maputi lang ng kaunti. Ang ilong nitong matangos na ibang ibang sa ilong ng mga tagarito.

Napahawak ako sa aking dibdib. Lumalakas ang tibok nito habang pinagmamasdan ko siya ng matagal. Para na akong hihimatayin ng mapako ang aking paningin sa mata niyang kasing itim ng gabi. Hinihigop nito ang aking lakas kaya hindi ko mapigilang hindi mapahawak sa balikat ni Arayuon-man.

"Bakit? Ako dapat ang nanghihigop ng lakas at hindi ikaw.." ani ko sa aking isip.

Patuloy parin ang malakas na buhos ng ulan. Ang mga tao sa paligid ay nagbubunyi parin ngunit hindi ko maipaliwanag ang nais kong gawin. Natutulala akong hindi ko maintindihan.

"Aray!"

Napasigaw ako ng bigla akong sampalin ni Maganda. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa harap ng gwapong lalaki kaya napatingin ako sa kaniya ng masama. How dare her! How dare her na ipahiya ako sa aking love at first sight.

"Lumalabas na tunay mong kulay wrong turn ha? Mamaya ka sa akin" banta ko.

"Ikaw naman nagsabi na gawin ko ang bagay na yan kung sakaling mahuhumaling ka na naman sa mga lalaki" bulong nitong inirapan ko.

May katotohanan naman kasi ang kaniyang sinabi. Sa pamamalagi ko rito ng halos dalawang linggo, may mga bahag boys talagang pinaglaway ako ng bongga ngunit hindi ko makuha. Sa sobrang stress ay naikuwento ko iyon sa kaniya kaya gumawa kami ng deal na sasampalin niya ako upang maiwasan ang gulo.

"Lumapit ka sa akin" mahina kong utos na ginawa ng lalaki. Agad itong yumukod sa aking harapan kaya buong laya kong napagmasdan ang likuran nito.

Ang suot nitong putong ay katulad at kakulay ng suot ng aking mga tagabantay ngunit it ay may emroidery na naiiba sa mga ito. Nakasuot din ito ng parang jacket na damit na kulay itim at bahag na kaiba ang pagkakabuhol.

"Salamat mahal na Anito!" anitong tumingala. Nagtama ang aming mga mata. Ako na ang unang bumawi ng tingin dahil para akong natutunaw sa kaniyang mga titig.

"Ngayon lang yata kita nakita dito. Anong pangalan mo?" tanong ko na inutusan ang ibang iwanan kami.

“Mah-lak-KEE. Yan ang pangalan ko mahal na Anitong Tao” sagot ng lalaki. Pinatayo ko siya. Inikot ng aking mga gutom na mata ang kaniyang katawan.

“Taray. Living to your expectation ka pala ha” ani ko na pinagmasdan ang kaniyang kabuuan. Hindi nga maitatanggi na malaki talaga ang effect ni kuya.

Bumubukol..

Pumipintig..

Nanghahalina

Cut above the rest...

At

TALAGANG MALAKI!

“Mahal na Anito, doon na po tayo sa may bahay magpatila ng ulan” sabat ng isang lalaking yumukod sa akin.

Lumalakas na nga ang ulan pero parang nainis akong bigla dahil nawala ang momentum ko sa pag papantasya dahil sa lalaki.

“Anu ba yan! Gusto niyo ng ulan.. tapos ngayon sisilong kayo para hindi mabasa? Dapat pala hindi na kayo nag request pa... hmmppp”

Itinaas ko ang aking monopod. Papatigilin ko ang ulan. Huh. Subukan lang nila.

“Ipagpaumanhin niyo po si Bagoon mahal naming Anitong Tao. Naisip lang po namin ang kalagayan niyo kaya niya nasabi iyon” sambit ng matanda na humawak sa aking paa.

Nabasa ito ng ulan. Humalo na rin ang damit nito sa putik dahil sa lakas ng tubig na galing sa langit.

Tumalikod ako. Marahang tinanggal ang kaniyang kamay at tinitigan ng masama ang lalaking tinawag na Bagoon.

“Ay hindi. Hindi na ako tatawag pa ng ulan sa susuno-“

Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi ng maramdaman ang pagkawala ng payong sa aking ulo. Nauna nang bigla si Maganda dala ang payong.

“Hoy wrong turn.. hindi mo ba ako aantayin?” sigaw ko ngunit hindi man lang ako nito pinansin. Pupulot na sana ako ng bato upang ibato sa kaniya ng mamalayang wala naman akong tubig ulan na nararamdaman.

“Hindi pa ba sapat ang braso ko upang hindi ka mabasa?”

Napatanga ako kay Mah-lak-KEE. O mas tamang sabihing hindi ako makagalaw dahil sa aming pagkakalapit.

“A-Anong ginagawa mong kalapastanganan sa ak-“

“Ipagpaumanhin niyo mahal na Anito. Subalit ito lamang ang nakikita kong paraan upang mapasalamatan ka sa iyong ginawa sa aking mga kasama” paliwanag nito.

Nakataas sa aking ulo ang kaniyang damit. Nakahubad na itong tuluyan sa kaniyang katawan kaya ang tubig ay diretsong namamalisbis sa kaniyang katawan.

“Paano ka? Hindi ka ba magkakasakit?” tanong ko.

Pero wala naman talaga akong pakialam duon. Ngayong halos naka akbay siya sa akin, ramdam na ramdam ko ang init na isinisingaw ng kaniyang katawan. Halos dalawang dangkal na lang din ang layo ng aking mukha sa kaniyang mukha kaya amoy ko ang swabeng amoy ng kaniyang hininga.

“Walang kaso sa akin ang mabasa. Ngunit hindi makakaya ng aking isipan ang makitang lapastanganin ng tubig ulan ang iyong maganda at banal na kasuotan”

“Damit ko lang talaga ang maganda? Kakaloka ha. Nag eeffort naman ako maglagay ng make up kahit papaano” ani ko na nakasimangot

“Walang salita ang maaring magpaliwanag kung gaano kayo kaganda mahal na Anitong Tao.” Sagot nito

Napangiti na lang ako. Kahit papaano ay may point naman si Mah-lak-KEE. Baka wala ngang salita na puwedeng sabihin patungkol sa akin na makikita sa dictionary.

“Ang ganda ko kasi...” ani ko sa aking isip.

Tinahak namin ang mabako bakong daan. Muntik muntikan na akong matumba dahil sa suot kong heels pero okay lang. Hindi rin naman ako tumitingin sa daanan. Nakatutok lang ako sa kaniyang pang ibaba na basang basa na ng tubig ulan.

Parang bigla akong naglaway. Hindi sapat si Arayuon-man kanina. Nabubuhay na naman ang aking kalandian. Mantakin mong parang brief lang ang suot suot niya. Kitang kita ang hugis ng patola dahil sa tubig!

“Aaarayyyyyyyyy!” ani ko kunwari natapilok.

Napayakap ako sa kaniyang katawan. Sinadya ko talagang mapayakap sa kaniyang abs. Idinikit ko na rin ang aking ulo sa kaniyang dibdib na tinutuluan ng ulan..

Uhmmmm.. Yumyum.

“Okay ka lang po ba?” anito na maagap naman akong nasaklulohan. Agad nitong naibuka ang kaniyang dalawang paa upang hindi kami matumba.

“Sayang” ani ko

“May sinabi po ba kayo mahal na an-“

“Ay wala. Sige salamat” putol ko sa kaniya.

Nanghihinayang lang ako na hindi kami natumba. Kung natumba lang sana siya ay for sure babagsak ako sa kaniyang pagkalalaki. Makakapa ko sana siya ng dis oras.

May chance pa na darating! Kaya ko to.. Aja!

“Aayusin ko na po ang magiging daraanan niyo” ani Arayuon-man na tumingin sa aking kamay na nakayakap pa rin sa katawan ni Mah-lak-KEE. Agad din naman nitong inalis ang tingin at tinanggal ang maliliit na bato na maaring maging dahilan ng aking pagkatapilok.

“Shhhh.. badtrip lang. Nawala na lahat ng chance ko ngayon” bulong ko sa aking sarili.

Napayuko na lang ako. Tinitigan ang bahag ni Mah-lak-KEE. Napalunok kasama ang isang panaghoy na sana may mangyaring masama.

“May dinaramdam po ba kayo?” anito

“Wala. Wala naman” sagot ko

Kung tutuusin malapit lang naman ang bahay na pahingahan ng mga timawa. Ngunit dahil nagmaganda talaga ko sa aking heels, halos abutin kami ng siyam siyam sa paglalakad.

Napamura ako ng lihim. Tinanggal na kasi ni Mah-lak-KEE ang aking kamay sa kaniyang katawan. Wala na rin akong makitang mga bato sa daanan.

“Kung minamalas ka nga naman!” anito ko na napapadyak. Nasa aking likuran ang lalaki kaya mas lalo akong nainis. Ni likuran nito ay hindi ko man lang mapagsawaan ng tingin.

Hindi ko na napansin pa ang lubak sa aking daanan dahil sa aking inis. Nang pumadyak akong muli ay saktong nasuot ang aking paa duon dahilan upang matapilok ako.

In fairness totoo na itong nangyayari.

Napahiga ako sa lupa. Ngunit bago pa iyon mangyari ay nahablot ko ang bahag ni Mah-lak-KEE dahilan upang mapasama siya sa akin. Naramdaman ko ang kaniyang braso sa aking likuran bago pa ito tumama sa lupa.

“Pakshetttt”

Napuno ng tubig ulan ang aking mukha. Napapikit ako ng maramdaman ang biglaang pag hapdi ng aking ulo. Ang damit ko rin ay nagsimula nang magkulay putik sa aking pagkakahiga.

“Mahala na Anitong Tao!”

Napadilat ako ng mata ng marinig ang boses ng lalaking aking kasama. Nakatanglaw ito sa aking mukha.

May ilang tubig na tumutulo sa aking pisngi galing sa kaniyang buhok na nauulanan. Napatingin ako sa mga mata ni Mah-lak-KEE na nakatitig sa akin. Ngayon ko lang napansin na hindi pala itim ang kaniyang mga mata. May pagka light brown ito na tila may itinatagong sikreto.

“Mah-lak-KE-“

“Anitong Tao” sambit nito na nakatingin sa aking labi. Napatingin narin ako sa kaniyang bibig na maliit. Mapupula ang labi nito na parang ang sarap halikan.

“Kiss me..” ani ko

Itinaas ko ang aking kamay. Hinaplos ang kaniyang pisngi at pinapungay ang mga mata.

“Kiss me.. . please” pagsusumamo ko.

Ibinaba nito ang kaniyang mukha. Tinanggal ang kaniyang kamay sa aking likuran at hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

“Mahal na Anitong Tao?”

“Y-Yes?” sagot ko na napapikit. Ramdam ko na sa aking pisngi ang kaniyang hininga. Kinikilig na hinintay na lamang ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin.

Ito na ang pagkakataon na aking hinihintay. Hindi man natuloy ang balak ko kanina, naging sagabal man si Arayuon-man, feeling ko ay pinapaboran parin ako ng Diyos. Alam ko naman eh. Gusto Niya talagang ma experience ko si Mah-lak-KEE.

Huwag Ka pong mag alala. Share ko sa yo ang experience ko later.

Napangiti ako sa aking naisip. Hinintay ko na lamang ang kaniyang halik. Ngunit ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pa ring nangyayari. Agad agad akong dumilat at nagulat pa ng naroroon parin ito. Hindi nga lang gumagalaw!

“M-may may masakit po ba sainyo Mahal na Anito?” tanong nito na agad ipinagsalikop ang kaniyang dalawang palad sa aking ulo. Hindi na na lang ako nakapagsalita ng bigla niya akong buhatin.

“O-okay lang ako” ani ko na napayakap sa kaniyang leeg.

Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking balakang habang ang isa ay nasa aking balikat. May napansin akong dugo sa kamay na ipinanghawak niya ng aking ulo kanina ngunit hindi na ito nagsalita patungkol duon kaya hindi na rin ako umimik.

“Dadalhin na kita sa bahay ko na malapit dito upang mapatingnan ang iyong ulo mahal na Anitong Tao” ani Mah-lak-KEE

Napatango na lang ako sa kaniya. Hindi ko na tiningnan pa ang aking mga kasamahan dahil masaya na ako sa aking kinalalagyan.

Dama ko ang tiyan niyang mabilis na tumataas baba sa hirap sa pagbubuhat sa akin. Ang pagtahip ng kaniyang basang dibdib ay nagpapataas ng aking libido. Ngunit ang pinaka the best sa lahat ay ang matigas niyang bukol na tumatama sa aking tagiliran habang kami ay naglalakad. Napatunayan kong may ipagmamalaki talaga siya sa aking palagay.

“Uhmm a-aray” ani kong lalong isiniksik sa kaniyang katawan ang aking ulo.

“Te-hee...” sambit ko sa aking sarili na napangiti.

*****

“Wow.. ang gara ng bahay” ani ko ng papasukin ako ni Mah-lak-KEE sa loob ng tinitirhan nito.

Kapansin pansin ang pagiging tahimik ng lalaki ng dumating sa loob. Hindi na rin ito yumuyukod sa akin o anupaman habang iniikot namin ang kabuuan ng bahay na kahoy.

Puno ng kung ano anong dekorasyon ang dingding ng bahay. Kapansin pansin din ang pulang tela na ginamit sa halos lahat ng lugar na maaring kabitan ng ganitong kurtina.

“Mahal na Ginoo, handa na po ang paliguan para sainyo at sa kasama niyong bisita” sambit ng isang babaeng tagasilbi.

“Lapastangan. Ang mahal na Anitong Tao ang kaharap mo ngayon” anito na kinuha ang kutsilyo sa kaniyang bewang

“Maawa po kayo. Hindi ko po sinasadya”

Pinagmasdan ko siya. Parang natakot akong bigla ng iangat nito ang kutsilyo at handang saktan na ang babae.

“Hayaan mo na siya”

Pinigilan ko ang kaniyang kamay. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit hindi ko agad binitawan ang kaniyang pulsohan. Hinintay kong makaalis ang babae na lumuluha.

“Maharlika ka ba? Timawa? Bakit ganun mo na lang tratuhin ang matandang iyon?” irritable kong tanong. Iwinasiwas ko ang kaniyang kamay.

Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang makitang sinasaktan ang isang matandang babae. Parang si inay narin kasi ang sinasaktan nila sa kanilang ginagawa.

“Ipagpaumanhin niyo mahal na Anito” anitong umalis agad.

Pumasok ito sa isang kuwarto na agad din namang isinara. Naiwan ako sa labas. Mag iikot na sana akong muli ng bumukas ito at iluwa ang isang Mah-lak-KEE na tanging ang manipis na bahag lang ang suot. Nakatali ang buhok nito sa itaas habang nakahubad na halos ang kaniyang matipunong katawan.

“Anong meron?” tanong ko na nakatitig sa kaniya. Hindi ko lang talaga maalis ang tingin sa kaniyang bukol. Isinusumpa ko, kailangan kong mahawakan iyon at ma experience sa kahit anumang paraan!

“Dito na po kayo maglinis at magbanlaw” anito na pinapasok ako.

May isang malaking palanggana na hanggang tuhod ko ang naroroon. Puno ito ng tubig na aking panligo.

“Wala akong nadalang damit” sambit ko habang tinutumbok ang paliguan.

“Huwag po kayong mag alala. Ipinakuha ko na kay Maganda ang inyong mga banal na kasuotan”

Ganun naman pala. Hindi na ako nag aksaya ng pagkakataon. Agad kong hinubad ang aking damit ng lumabas siya ng paliguan. Iniwan ko lang ang tela na nagtatakip ng aking dibdib, ang aking brief at ang aking piluka.

Lumusong ako sa tubig. Tinawag ang pangalan ng lalaki na agad ring pumasok.

“Sumabay ka na” ani kong kinikilig. Ito na ang magiging katuparan ng lahat. Ito na ang pagkakataon kong isagawa ang aking minimithi.

“Hindi ko po magagawang maligo sa tubig na ipinangliligo niyo. Isa lamang akong hamak na taong sumasamba sainyo”

“Tsk. Pabayaan mo na! Okay lang . go!” ani ko na nakangiti.

Para saan pa at naging Diyos ako kung ganitong hindi ko magagamit sa aking advantage?

“Magpapalit lang po ako”

“Alam mo naman na banal ang tubig na aking ipinapangligo diba?” tanong ko dahilan upang matigil ito sa pagtalikod

“Alam ko po” anito

“Kung gayon hindi mo na kailangang magpalit. Ako na mismo ang magtatanggal ng kasuotan mo”

“Ngunit Mahal na Ani-”

“Ako lang ang may karapatang magsuot ng ganito. Lahat ng nakakasama ko sa pagligo ay nakahubad” nakangiti kong paliwanag.

Pinagmasdan ko ang mukha nitong namula. Napayuko ito na parang seryoso kaya hindi ko makita kung anong ekspresiyon meron siya. Ngunit ng muli itong tumingin ay nakangiti na at maluwang sa loob na lumapit sa akin.

“Ipinagkakaloob ko po ang aking sarili sainyo” anito

Kung makikita lang sana ng lahat ang aking puso ay baka nakulong na ito. Naging weird kasi ang aking pakiramdam. Parang nagkaroon ng pakpak ang aking puso sa sobrang tuwa. Hindi ko kasi akalain na magagawa ko na rin sa wakas ang gusto ko.

Pinatayo ko siya sa aking harapan. Pinagmasdan ang kaniyang katawan. Pinagsawa ang aking mga mata sa ilang piraso ng pandesal sa kaniyang tiyan at matipunong dibdib.

“Ahhhh”

Napaungol si Mah-lak-KEE ng dumantay ang aking kamay sa dibdib nito. Sumalok ako ng tubig gamit ang aking palad at pinatulo ito sa kaniyang katawan. Minasahe ang kaniyang dibdib. Pinaglaruan ang matigas na utong at dinama ang katigasan ng kaniyang katawan.

“Ang ganda ng katawan mo, ilang taon ka na?” tanong ko

“Wala po akong ideya sa sinasabi niyo” anitong aking ikinatingin. Tila seryoso naman ang kanyang mukha kaya naniwala na ako. Wala naman itong dahilan para maglihim sa akin kung edad lang naman.

“Nagkadyowa ka na?” tanong kong muli habang dahan dahang ipinasok ang aking daliri sa bahag na nakatali sa kanyang bewang.

“Ano po ang dyowa?” anito

Napangiti ako ng lihim. Nakalimutan ko. Gay lingo pala ang sinabi ko. Malamang ay hindi nila alam.

“Huwag mo na iyong pansinin.”

Umupo ako mula sa aking pagkakatayo. Itinapat ko ang aking mukha sa kaniyang bahag na basang basa na ng tubig.

“Hmmm.. malaki nga” ani ko na ikinatingin niya.

Kinagat ko ang aking labi bago ko hinawakan ang kaniyang harapan. Pumipintig ito. Para akong lalagnatin sa aking ginagawa. Hindi ko na makontrol ang aking sarili kaya dinakot ko ito ng madiin.

“Ahhhh... M-Mahal na Anito.. ano pong ginagawa niyo?” anitong napapapikit. Nakita ko ang sunod sunod nitong paglunok.

“May karanasan ka na ba sa pakikipagtalik?” tanong ko na inilapit ang aking bibig sa kaniyang tenga. Kinagat ang dulo nito sabay pisil sa kaniyang pagkalalaki.

“Ahhh..”

“Bigbigyan kita ng karanasan na tanging mga Diyosa lang ang may alam” sambit ko na napangiti. Kung alam lang nito. Bading ako kaya for sure magaling ako sa mga ganitong bagay. Hustler kaya ako sa mga bagay tungkol sa sex.

Iniyakap ko ang aking katawan sa katawan nito. Dinama ang init ng kaniyang init na nagpapapawis sa akin.

“Oh.. Mah-lak-KEE. I want you.. I really want you now!”

Hinaplos ko ang kaniyang puwitan. Ang lambot nito. Parang hindi siya mandirigma sa lambot. Ang sarap i-cuddle. Ipinasok ko ang aking buong kamay sa kaniyang harapan. Nakatayo na ang alaga nito ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Gusto ko siyang lasapin ng unti unti. Nang masarap para ma savour ko ang kaniyang dalang kaligayahan.

“Aalisin ko na ang damit mo ha”

Muli akong pumunta sa kaniyang harapan. Tatanggalin ko na sana ang munting tela na humakab sa kaniyang malaki at matabang ganun ng biglang may pumasok sa paliguan. Agad naman itong yumukod dahilan upang hindi ako mapahiya ng todo.

“Anong ginagawa mo Arayuon-man?” tanong ko sa lalaking pumasok. Tumingin ito sa akin na nakatiim bagang.

“Pinapatawag po kayo ng mahal na pinuno”

“Ahhhh.. nakakainis. Potek. Bakit daw?” ani ko na napatayo sa aking pagkakalublob sa tubig.

“May dinaramdam siyang masakit sa kaniyang ulo. Para daw itong binibiyak”

“Tapos? Ano konek ko dun? Hindi ako ospital... umalis ka na nga” maldita kong sambit

“Walang magawa ang mga babaylan ng malaking bahay mahal na Anitong Tao.”

“Hindi ko na problema yun. At bakit sumasagot ka na? Maari ka nang umaalis dahil may ginagawa pa ako”

“Pero Step-“

“Isa pa! Huwag mo na akong stressin.” Ani kong napakamot ng ulo.

Tao nga naman. Naging friendly lang kanina,naging over familiar na agad. May nangyari lang sa amin, feeling nito close na kami agad? Tsk. Pinangkamot ko lang naman siya eh. In other words, one night stand lang ang nangyari. Ay hinde, one day stand lang pala dahil umaga nangyari.

“Utos ng mahal na pinuno na ipatawag ka kaagad. Ikaw na lang ang inaasahan niya...”

Sasagot pa sana ako ng mapansing wala na si Mah-lak-KEE sa aking harapan. Tanging kaming dalawa na lamang ang naroroon.

“Argghhhhh... nakakainis. Nakakapang init ng dugooooo” sigaw ko na agad umahon.

Isang malaking chance na naman ang nawala sa akin. At sa pangalawang pagkakataon si Arayuon-man na naman ang dahilan!

Tinitigan ko ang lalaki ng masama. Ngunit imbes na matakot ito ay nakita ko pa itong ngumiti ng palihim.

Hmmmmm.. nananadya ka ha?

“Ano ang kapalit ng gagawin kong pagtulong sa mahal niyong pinuno?” arogante kong tanong.

Kung ganitong naistorbo rin naman ako, mas maganda na kung may kapalit ang lahat ng aking gagawin. Sa ganitong paraan baka willing pa akong tumulong.

Ako ang Reyna. Ako ang Diyosa kaya tama lang na magpakareyna ako.

“Pero Mahal na Anitong Tao, kailangan bang may kapalit ang gagawin niyo?” ani Aryuon-man

“Taray? So kinukuwestiyon mo na ang gusto ko ngayon?” tanong ko na lumapit sa kaniya.

“Ipagpaumanhin niyo po” anito na yumukod ng todo.

Naglakad ako sa kaniyang likuran. Umupo sa tabi niya at niyakap ang kaniyang kayumangging katawan.

“Alam mo naman na gusto kita..” ani ko na hinawakan ang kaniyang bahag na nagpaungol dito.

“....pero may rason ba ang mga ginagawa mo para hindi ako makalapit sa ibang lalaki?” dagdag ko na lalong pinihit ang kaniyang pagkalalaki.

“Ahhhh.. ahhh.. tama na po Anito”

Tumayo ako. Inayos ang aking buhok.

“So anong kapalit kapag tinulungan ko ang mahal na pinuno?” muli kong tanong

“Kahit anong gusto mo.”

Napatingin ako kay Maganda na nakangiti. Hindi ko napansin na dumating na ito. Pumasok ang babae sa loob ng paliguan habang dala dala nito ang aking maleta.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko

“Kahit ano. Maari kang humiling ng kahit ano sa mahal na pinuno. Narinig kong ilang araw na rin niyang iniinda ang sakit ng kaniyang ulo”

“Tsk. Biogesic lang katapat nun” ani kong napangiti.

Alam na alam ko kung ano ang aking hihilingin. Sigurado naman akong hinding hindi ako pahihindian ng pinuno kug sakali.

“Humanda ka Mah-lak-KEE. Buti may dala akong biogesic. Hmmmp.. Ingat”



Itutuloy.....

P.S. Pa click naman ng vote at comment ka na din :D

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now