Chapter 28 Can't Be!

2.3K 78 4
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****





"Hindi ko maintindihan. Bakit hindi puwede Steph! Bakit?!" bulyaw nito sa akin.

"Dahil hindi kita mahal Arayuon-man. Hindi kita totoong minahal!" pasigaw kong sagot na ikinatahimik nito.

"Minahal ko na si Mah-lak-KEE ng una ko pa lamang siyang nakita. Minahal ko na siya kahit hindi niya ako magawang tapunan ng kahit kapirasong ngiti. Kaya ginamit kita Arayuon-man. Ginamit ko ang katawan mo para makalimot, ginamit ko ang pagmamahal mo sa akin upang maging masaya kahit na sandali sa lugar na wala akong kaalam alam. Kaya hindi kita magagawang bigyan ng pagkakataon Arayuon-man. Dahil kung maibabalik ko lang ang dati, kung maibabalik ko lang ang panahon bago mo pa ialay sa akin ang iyong puso, kung makakabalik lang ako sa panahon bago pa may mangyari sa atin sa lawa ay gagawin ko, dahil ayokong dumating ang panahon na ito na masasaktan ka lang, masasaktan sa katotohanan na hindi kita nagawang mahalin. Na hindi ako ang taong akala mo ay totoo sa kaniyang nararamdaman!"

Namagitan sa amin ang katahimikan. Iniangat ko ang aking mukha mula sa pagkakayuko at pinagmasdan ang mukha ni Arayuon-man na nakatanga sa akin. Para itong batong nanigas mula sa kaniyang pagkakatayo.

"Gustuhin man kitang mahalin ay hindi puwede dahil iisa lang ang puso ko at si Mah-la-KEE na ang naririto" mahinahon kong sambit na tinapik ang aking kaliwang dibdib.

"Hindi ako naniniwala"

"Sorry. Ayokong saktan ka per-"

"Hindi ako naniniwala Steph. Nabubulagan ka lang dahil sa nangyari sa atin. I'm sure na hindi aabot sa ganito ang sitwasyon natin kung hindi tayo nagkahiwalay dati..huh" sinapo nito ang aking pisngi at ikinulong sa kaniyang mga palad ang aking mukha.

"Alam kong gusto mo lang akong saktan para iwasan na kita... pero pagsubok lang ito di ba? Pagsubok para malaman kung bibigyan mo ako ng chance na mahalin? Tell me Steph, nakapasa ako di ba? Kasi mahal naman talaga kita kaya kahit masakit na sinusubukan mo ako ngayon, na sinasaktan mo ang damdamin ko kunwari ay kaya ko namang tiisin iyon. Kaya tama na, mahal kita kaya hindi mo na ito kailangang gawin. Hindi kita ipagpapalit. Ikaw lang ang mamahalin ko Steph"

Inabot ko ang pisngi nito at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata.

"Nasasaktan ako Arayuon-man sa ginagawa mo. Kung mahal mo talaga ako ay hindi mo magagawang konsensiyahin ako ng ganito. Let me go dahil may mahal na akong iba okay? Please?"

"Hindi.. hindi toto-"

"Pabayaan mo na ako..kami ni Mah-lak-KEE. Mahal namin ang isa't isa kaya huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin. Tapusin mo na ang pagdurusa mo dahil sa akin dahil hindi na ako babalik sayo kahit...kahit kailan"

Sa unang pagkakataon ay narinig kong umiyak si Arayuon-man. Ilang beses ko na siyang nakitang umiyak ngunit iba ngayon. Parang iniipit ng mabigat na bagay ang aking dibdib habang nakikiusap ito sa akin. Tila dinudurog ang aking pagkatao sa pagluhod nito sa aking harapan upang pagbigyan ko siya sa kaniyang hiling.

"Steph.. hindi ko kayang mabuhay ng wala ka"

"Sorry"

"Steph!!!"

Tumayo ako mula sa aking pagkakasalampak sa lupa. Tinitigan ko si Arayuon-man na nakayuko parin at umiiyak.

"Sana sa susunod na buhay natin ay maging magkapatid na lang tayo..nang sa ganun ay hindi mo na ako magawang mahalin upang maiwasan natin ang masaktan ang isa't isa" mahina kong sambit.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now