Chapter 1 Damn.... Man? Hole?

6.9K 181 6
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Bagsak ka na naman sa history?" tanong ng aking itay na tinanguan ko lang habang umiinom ng gatas na  tinimpla ng aking mapagmahal na ina.

"Tsarap tsarap ng gatas.. ang lapot!" kinikilig kong sambit na dinilaan ang ibabang labi at tumingin kay itay.

"Ano na naman ba pinaggagawa mo Stip? Hindi ka na ba talaga magtitino?" muling tanong nito

"Tay, hindi na ba kayo nagsasawa na everytime na lang na kukunin ko ang class card ko ay yan ang sasabihin niyo? Tsk. Hindi na ako magbabago. I hate history at wala na kayong magagawa. Tsaka S-t-e-p-h po. STEPH.. hindi stip. Parang ginawa niyo namang leeg pangalan ko"

"Stip na kung stip. Kapag hindi mo pa rin naipasa yan sa susunod.. huwag na huwag mo na akong matawag na tatay. Dahil nakakahiya. Isa akong history teacher pero ang anak ko ay walang kaalam alam sa history? Shucks. Nasabi pa namang pinoy na pinoy tayo pero ni hindi mo alam ang roots natin?"

Napailing na lang ako sa kaniyang sinabi. Para lang itong sirang plaka sa kakaulit ulit.

Ilang taon na ba ako? Disisyete. Seventeen years na akong nakakarinig ng history dito history duon. Ano ba. Nakakasawa na.

"Shucks talaga 'tay? At anong roots yang pinagsasabi mo... hindi po ako kamote. Lalong hindi po ako root crops. Isa akong halamang dagat 'tay. Nakalimutan niyo na? Ako ang pinakamagandang babae sa balat ng mga bakla"

"Cut na ang iyong allowance Stip. At totoo na ang sinasabi ko. Huling pagkakataon mo na ito. Kapag hindi mo pa naipasa kahit isang quiz man lang ng history class mo, magbalot balot ka na. Dahil ako mismo ang magpapalayas sayo"

"Okay"

Ngumiti na lang ako kay itay. Wala namang mangyayari sa banta niya. Tsaka sanayan lang. Maingay na parents, bonggang kairitang magpayo na ate at kasambahay na walang kuwenta. Yun ang mga tao sa bahay. Kaya sanay na ako. Isang ngiti ko lang, for sure tatalikod na si padir. Wala na siyang magagawa. Basta ba kakampi ko sa bahay ang nag iisang reyna ng tahanan. Si Mudra Faye Phennis.

Tumalikod ako sa aking ama na konti na lang ay aatakehin na sa puso. Pulang pula na sa galit. Bahala siya. Basta ako aalis na para atakehin man siya, kunwari  hindi ko alam. At least alam nilang wala ako dun at hindi ang ako ang dahilan ng lahat.

Napatawa ako sa aking naisip. Napaka mean ko talaga sa kaniya. Pero wala akong magagawa, mean din naman siya sa akin eh. Hinding hindi niya ako nagawang suportahan kahit kailan sa karerang aking napili sa buhay. Kaya deserve niya ang ganiyang treatment.

"Bumalik ka dito Stip. Hindi pa tayo tapos" sigaw ni itay.

Napasimangot ako bago tumingin sa kaniya. Nasa baba na ako ng bahay at nasa second floor siya kaya nakatingala ako.

Tinitigan ko ang mukha ng aking itay. Ang itay na proud Araling Panlipunan teacher. Ang lalaking pilit ipinagpipilitan na walang baklang pinoy dati. Kaya hinding hindi niya ako masusuportahan bilang isang Geisha.. ay hindi..super sireyna pala.

"Bumalik ka dito" anito

"Wit. Hindi ako babalik" sagot kong tumalikod

"Lumayas ka na. Wala akong anak na kasing tigas ng ulo mo!"

"Hindi matigas ang ulo ko tay..malambot nga eh.. kasi kahit kailan hindi ko pa ito nagawang patigasin" sagot ko na ikinahawak nito ng ulo.

"Lumayas ka! Lumayas ka!"

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin