Chapter 13 The Tragedy

2.8K 120 8
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Nahanap niyo na ba ang sumunog sa gubat?" tanong ko na napatayo sa aking pagkakaupo. 

Dalawang araw narin simula ng mangyari ang insidente pero hanggang ngayon ay hindi parin nakikita kung sino ang maaring sumunog dito. Ang taong nakita ko dati ay walang makakilala dahil ako lang talaga ang nakakita. 

"Hindi pa po!" sambit ng isang heneral ng bahag boys na nakayukod sa akin. 

"Tsk.. ano ba ang nangyayari sa atin" pabulong kong sambit na napahawak sa aking sentido. 

Simula kasi ng masunog ang gubat ay parang ang dami na agad ng nangyari. Nagkaroon ng sakit ang ilang matataas na opisyal ng pinuno. Kumonti rin ang huli nila ng mga isda at ang iba nilang pananim ay nagkaroon ng peste. Parang bagyo ring dumating ang isang low pressure area na sumira ng ilang bahay at pumatay sa ilang residente. Para nga itong plauge na nagpapahirap sa lahat. 

Lahat ng iyon ay isinisisi nila sa gubat na nasunog. Na hindi ko man daw ipakita ay alam nilang galit ako kasi nawalan ako ng tahanan. 

"Sige ipahanap niyo ang may sala"  ani ko. 

Tumayo ako at pinagmasdan na lamang ang lugar kung saan ako namamalagi. Parang kailan lang ay inaaway ko pa ang mga tao dito, pero ngayon ay ako na ang nang aaway at naghahari harian. Siguro ito ang sinasabi nilang pakikibagay. Camouflage kung baga. Sa una hindi mo kayang gawin kasi bago saiyo ang lahat pero hindi mo pansin na nagiging isa ka na sa iyong kapaligiran. 

"Puwedeng malaman ang nasa isip mo?" 

Nilingon ko ang lalaking nagtanong. Ngumiti sa kaniya at yumakap ng mahigpit. 

"Huwag na. Hayaan mo na ako na lang ang mamroblema" sagot ko kay Arayuon-man. 

Humilig na lang ako sa kaniyang balikat. Hindi ko kasi maintindihan ang aking sarili. Pitong buwan na ako rito. Habang tumatagal ay mas lalong napapalapit sa puso ko ang mga tao. 

"Mahal na Anit-"sigaw ng isang alipin na biglang napatigil ng makita akong may kasama "Pagpasensiyahan niyo na po ang aking pang aabala. Pero kailangan po kayo ng pinuno sa bahay nila" dagdag nito. 

"Bakit daw?" 

"Nagkakagulo na po dahil sa sakit ng tagapayo" sagot nito. 

Inilagay ko sa ilalim ng aking kimono ang first aid kit na aking dala. Pumunta sa bahay ng pinuno. Ni wala akong ka ide-ideya ng sakit nito pero balak ko paring tingnan. Baka lang may gamot akong nadala. 

"A-anong lagay niya?" agad kong tanong ng puntahan ang kuwarto nito. 

Wala roon ang pinuno ngunit nanduon ang pamilya ng tagapayo na umiiyak. Nakiusap pa sa akin ang asawa nito na iligtas ko ang buhay niya. 

"Anak hindi kaya mapahamak ka lamang? Ramdam ko na hindi na siya aabutin pa ng bukas" bulong sa akin ni nanay na concerned ang nasa mukha. 

"Marunong naman siguro silang tumanggap ng katwiran" ani ko. Alam kong mas mahirap tanggapin sa pamilya nito kung mamamatay ang tagapayo ng wala man lang tulong sa akin. Kung tutulungan ko sila ay baka pa magpasalamat ang mga ito na ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. 

Sinalat ko ang mukha ng matanda. Mataas ang lagnat nito at may ilang butlig butlig din ito sa katawan na parang chicken pox. Malala na rin ito dahil halos ang ibang bahagi ng balat nito ay pumutok na at may naglalakihang sugat na dinadapuan ng langaw. 

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ