Chapter 11 Partey! Partey!

3.1K 111 5
                                    

Author's Note : Matagal man daw ang update. Na aa updae parin. Salamat po sa mga naghintay :D

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental**** 

"Asan na ba si Maganda?" pasigaw kong tanong habang pinagmamasdan ang mga katulong na nakangiting nakapila sa akin. 

"Hindi rin po namin alam kung nasaaan siya Mahal na Anito" sagot ng isang babae na nakayuko. 

"Grrr.. kakalbuhin ko talaga ang babaeng iyan kapag nakita ko" 

Tumawa na lang ang lahat na nakatingin. Nakitawa na lang ako sa kanila upang mawala ang inis na aking nararamdaman. 

Mamayang gabi na ang pormal na pagdiriwang ng pagiging maharlika niyang muli. Katatapos lang din gawin ng mga alipin ang bagong bagong bahay na kaniyang titirhan sampu ng kaniyang mga alipin. 

Pero ang bruha, ni hindi pa nasusukat ang dilaw na damit na aking tinahi para sa kaniya. Ni hindi pa nga ito nakakapaglinis ng kuko o di kaya nakakapag ayos ng buhok. 

"Lapit ka ng kaunti" ani ko na ngumiti sa isang batang babae na nakapaa. Madumi ang mga kamay nito na siguradong binenta ng magulang kahit ang bata pa. 

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko na sinagot nito ng sampu. 

Kahit kailan talaga ay hindi ako masasanay sa proseso nila ng pagkuha ng mga alipin. Hindi naman dahil ibinibenta sila ay kailangan nang bumili ng mga mayayaman ng bata para pagtrabahuhin. 

"Gusto mo ba akong maging kapatid?" ani ko na ikinagulat ng iba. Nagbulungan pa ang mga ito ngunit hindi ko sila pinansin. Tumango ang bata kaya niyakap ko ito. 

Pinagmasdan ko ang mga alipin na naririto. Binigyan ako ni Maganda ng authority para gawin anuman ang aking gusto kaya nagbigay ako ng utos para dito at para duon. Nakangiti na lamang sa akin si Arayuon-man habang inuutusan ang mga lalaking ayusin ang buong harapan ng malamansiyon na bahay ni Maganda. 

Dumating ang gabi. Alas singko na yata ng hapon nagkapagpahinga ang mga tao sa loob ng bahay. 

"Maganda!" sigaw ko ng makita ang wrong trun character na tumatakbo sa pasilyo. Nakadamit ito ng puting gusgusing damit na suot niya dati ng una kaming magkita. 

"Oy Steph. Bakit?" 

"Anong bakeet? Kanina pa kaya kita hinahanap" 

"Bakit nga?" 

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Kahit kelan talaga ay hindi nito marealize na pangit siya. Na madumi ang kaniyang suot at hindi pang maharlika ang kaniyang kilos. 

"Aayusan kita" determinado kong sambit na hinila siya papunta sa kuwartong ipinagawa niya talaga para sa akin. 

"May gagawin pa ako" 

"Pabayaan mo na sila sa mga gawain. Pagagandahin kita hanggang sa wala nang makakilala sayo" 

Alas siyete ng gabi ang simula ng party kaya may dalawang oras pa para magawan ko ng remedyo ang kaniyang mukha. Mabuti na lamang at may pagka vicky belo ang aking galing kaya siguradong mapapa "thank you kay dra. belo sa aking skin care" siya mamaya. 

Ikinulong ko siya sa loob ng kuwarto. Inutusan ang mga taong ayusin ang mga gawain ngunit magpahinga kung pagod na. 

"Kami na ang bahala dito anak" ani nanay na hinawakan ako sa kamay. 

"Oo nga Estip. Kung pagkain lang naman at ihahanda, sanay na sanay na kami ng nanang mo na magluto. Kaya magpahinga ka na" 

"Sige po 'tay 'nay" ani ko na nagpaalam. 

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon