Chapter 19 Mah-lak-KEE's BIG Past

2.7K 103 2
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Nagpumiglas ako sa kung sinuman ang humila sa aking katawan. Sinubukang kagatin ang palad nito sa aking bibig ng bigla ako nitong suntukin sa sikmura  na halos magpawala ng aking ulirat.

“Hmmmm. Hmmmmm” ani ko.

Napaluha na ako. May mangilan ngilang bato kasi ang tumatama sa aking braso na tiyak sumasabit sa gilid ng kuweba dahil sa paglalakad na aming ginagawa. Ni wala na akong makitang ilaw sa paligid kaya siguradong sugat sugat din ang aabutin ng lalaki.

Subalit hindi ko na dapat pang problemahin kung ano ang maaring mangyari dito. Ang dapat kung iniisip ay kung paano ko tatawagin si Mah-lak-KEE upang malaman niya na may ibang tao sa loob ng kuweba. Ngunit nagtatalo ang aking utak dahil sa nangyari sa amin.

“Aww-”

Napakagat labi na lamang ako  ng matusok ng kung ano ang aking paa. Sinuntok ko na ang tiyan ng nakahawak sa akin upang makawala.

“Huwag kang masyadong maingay!”  anito na aking ikinatigil.

Ang kaba na naipon sa aking dibdib ay biglang nawala ng marinig ang boses nito.

“Ano na naman bang kalokohan ito  Mah-lak-KEE?!”

Kanina pa ako nag iisip kung sino ang lalaking humila sa akin sa dilim pero ito lang pala? Balak pa yata akong paglaruan sa kabila ng nangyari kanina.  How dare him talaga.

“So ano nawala na lang yung kan-”

“Huwag kang maingay!”anitong muli na tinakpan ang aking bibig. Tumango na lamang ako upang alisin niya ang kaniyang palad.

“May mga yabag akong naririnig.  Malapit lang sa atin kaya huwag kang maingay”

Agad akong napalingon sa aming pinanggalingan. Hindi ko man alam kung saan talaga kami nanggaling dahil sa dilim ay sinubukan kong lakasan ang aking pandinig upang malaman kung nasaan na ang sinasabi nitong mga yabag.  Pero nakabukas na yata pati ang pangatlo at pang apat kong tainga ngunit wala naman akong marinig na kahit ano.

“Niloloko mo ba ako?” angil ko dito

“Ssssshh”

“Anong ssh ssssh ka diyan! Gusto mo na naman akong isahin eh”

Inalis ko ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Lumayo dito at dahan dahang naglakad. Kaya ko naman ang sarili ko sa kuwebang ito noh. Hiindi ko kailangan ng taong hindi man lang ako tinanong kung gusto kong makipag sex sa kaniya at gumora na lang at isang tao na gagawa pa ng kuwento para maka tantsing lang.

“S-steph!”

“Heh! Mag isa ka diyan” 

Maarte na kung maarte. Pero kahit naman sino ay maaring mag inarte kahit tingin nila ay hindi kami karespe-respeto dahil bakla kami.

“Isa akong magandag babae simula ng magumpisa ang kuwentong ito. May kalandian man ako ng kaunti ay babae parin ako sa panahong ito. Kailangang irespeto iyon ng iba!” ani ko sa sarili na napabuntong hininga.

Napangiti ako sa isiping iyon ng biglang dumulas ang daan na aking inaapakan. Sunod ko na lamang naramdaman ang pagtama ng tubig sa aking mukha.

Gumawa ng malakas na ingay ang aking pagbagsak. Kasunod  niyon ay ang paghapdi ng aking balakang at tila pagbuka ng mga sugat sa aking braso at likod.

“Shet! Ano ba!” sigaw ko

Hindi ako makatingin kay Mah-lak-KEE ng sindihan nito ang maliit na sulo na nagbigay liwanag sa aking kinalalagyan. Nakaupo ako sa tila maliit na swimming pool na hangggang tuhod ang tubig. Basang basa na ang aking damit habang nakatayo lamang ang lalaki at nakatingin sa akin.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now