Chapter 12 Familia de BEKi

2.9K 110 2
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Lalaki ka nga" bulong nito na unti unting nagpahina sa aking loob katulad ng paghina ng apoy sa aking kamay. 

"Ma-magpapaliwanag ako" tangi kong nasabi na napapikit. 

Napaupo ako sa lupa sa panghihina. Hindi ko alam na gaganituhin niya ako. Akala ko pa naman ay nagkasundo na kami sa pagtatanggol kay Maganda kanina. 

Narinig ko ang ilang bahag boys na nagkakagulo. Kaya luminga ako sa paligid ng makita ang ilang alipin na ibinaba ang kanilang mga hawak o ginagawa. Ang ilan pa sa mga ito ay kumuha ng kutsilyo at tinutukan ang matandang lalaki na nagsaboy ng tubig sa akin. Samantalang ang mga lalaki na alam ko ay under ni Arayuon-man ay itinutok ang mga sibat kay Mah-lak-KEE. 

"Tumayo ka diyan Steph!" matigas na sambit ni Arayuon-man. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinulungang tumayo. Agad ang paglapit ng dalawang aliping babae sa akin upang pagpagan ang nadumihan kong damit. Hinawakan naman ng aking alagang bata ang aking kamay at galit na tumingin sa ilang pinuno. 

"A-anong ginagawa niyo" tanong ko na naguguluhan. Hindi ko parin maintindihan ang kanilang ginagawa. 

"Gusto ka nilang tulungan. Gustong pangalagaan ng nasasakupan mo ang nag iisang Diyosa na nagbigay sa kanila ng respeto na kahit ang sarili nilang pamilya ay hindi maibigay" 

Nais kong mapaluha. Wala naman kasi akong magandang ginawa eh. Nagmaldita lang ako sa kanila at inayusan ang mga katawan nilang madudumi dahil sa gawain. Binigyan ito ng mga damit na aking tinahi dahil iyon ang passion ko. Pero ang ipagtanggol nila ako, magtaas ng sandata laban sa mga nagtataasang tao sa aking likuran dahil sa ginawa ng isa sa kanila sa akin ay parang sobra sobra nang kapalit. 

"Ang isang tunay na Anito ay minamahal ng kaniyang nasasakupan. Ang isang tunay na Diyosa ay pinapangalagaan ng mga taong dapat siya ang nangangalaga at nagpapala!" 

Napatingin kaming lahat sa matandang hukluban na pinuno ng balangay na kinaroroonan ko. Nakatuon ang atensiyon nito sa akin habang nagsasalita ngunit kung minsan ay tumitingin ito sa paligid. 

"Ang Mahal na Anito na nasa harap niyo ay isang patunay na isa siyang dakila at sadyang mahal ng mga tao. Isang kapangahasan na bastusin at ipahiya ang isang katulad niya. Nararapat lamang na kamatayan ang ipataw sa sinumang magkakasala!" 

Biglang nagkagulo ang mga mandirigma sa sinabi nito. Pumasok sa bukana ng bahay ni Maganda ang mga bahag boys. Ang mukha ng lalaki na may kasamang dalawang mandirigma kanina ay parang namutla ng paligiran ito ng mga kawal. 

Lumapit sa akin si Maganda. Hinawakan nito ang aking kamay. Napansin ko ang panginginig nito kaya agad ko siyang pinagmasdan. Putlang putla ang itsura nito habang nagpapawis ang kaniyang noo. 

"Okay ka lang ba?" tanong ko na sinagot lang nito ng tango. Nais ko sana itong kausapin pa ng biglang may humila sa aking damit. Napatingin ako dito ng mapagtanto na ito ang matanda kanina. 

"P-patawarin mo ako mahal na anito" 

Hindi ko ito pinansin. Tumalikod lang ako kasama si Maganda. Hindi ko na rin pinagtuunan ng oras si Mah-lak-KEE na nakatanga lang sa amin. Iniakyat ko si Maganda sa kaniyang puwesto. Sabay naming pinagmasdan ang matanda na nakadapa sa lupa habang nakaturo dito ang mga dulo ng sibat. 

Mas maganda ang aking kalagayan kung ganito ang mangyayari. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung sakaling ang pagiging lalaki ko ang napagtuunan nila ng pansin. Mabuti na lamang at nagsalita agad ang pinuno. Kung hindi dahil dito ay baka pinatalsik na ako sa balangay dahil sa pagkukunwari. 

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Where stories live. Discover now