Chapter 8 Revelations....

3.4K 143 12
                                    

Author's Note: nakapag update din! Kaloak si Glenda..pati wattp[ad ko ..pinakialaman. walang kuryente kaya tagal ng ud.. hohohoh

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

I'm walking on sunshine, wooah

I'm walking on sunshine, woooah

I'm walking on sunshine, woooah

and don't it feel good!! 

 

Hey, alright now

and dont it feel good!!

hey yeh 

 

I used to think maybe you loved me, now I know that its true

and I don't want to spend all my life, just in waiting for you

now I don't want u back for the weekend

not back for a day , no no no

I said baby I just want you back and I want you to stay 

 

woah yeh!

I'm walking on sunshine, wooah

I'm walking on sunshine, woooah

I'm walking on sunshine, woooah

and don't it feel good!! 

Para lang akong baliw na nagsasasayaw sa tugtog ng kanta sa aking cellphone. Patakbo takbo akong umiikot ikot sa malaking puno ng kamatsile.  

“Hayyy.. ang saya ng buhay” sambit ko na ipinagpatuloy ang pagsayaw sayaw  at pagpalakpak.  

Ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Nag enjoy habang pinagpapawisan ng todo todo. 

Ilang ikot pa ang aking ginawa bago bago tuluyang tumigil sa pageehersisyo. Nanghihina akong napayakap sa katawan ng puno at  parang naaaning na humalik sa balat nitong natanggal.

Lumanghap ako ng sariwang hangin.Ibang iba talaga sa Caloocan ang lugar na ito.  Napakasariwa ng hangin. Napakalinis ng kapaligiran. Parang minsan nga feeling ko magkakasakit na ako sa sobrang kalinisan na aking nilalanghap. Masyado na bang OA. Hindi kapani paniwala na may ganito pang nag eexist na lugar sa mundo. 

“I LOVE YOU PIOLOOOOOOOOOOOOOOOOOO!” sigaw ko na ginaya si Tony Gonzaga. Charing lang. Ramdam ko lang ang pangangailangan kong sumigaw. Wala namang sinabing kailangan may softdrink ako para makasigaw. 

Uminat inat pa ako ng ilang beses. Binali bali ang aking buto sa katawan bago tuluyang kinuha ang panyo sa aking kimono at nagpunas ng pawis.  

Tama. Naka kimono ako. Taray ko lang dahil kung nasa Pilipinas ako, siguradong nasa youtube na ko ngayon bilang weirdest halamang dagat na nag eexercise. Imagine kimono? Pero wala akong pakialam. Nais kong magpapawis ngayong morning kaya ano pa nga ba ang the best pagpapawis kung hindi ang mag suot ng bonggang kapal na damit? 

“Magandang umaga Mahal na Anitong Tao”  

Napatingin ako sa ilang babaeng dumaan na parang natatawa na hindi ko mawari. Nakayukod naman ang mga ito ngunit parang hindi tunay ang mga lumalabas sa kanilang bibig. 

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang