Chapter 10 Beki is Love, Love is Beki!

3.7K 145 8
                                    

Author's Note: Dyandyararan! Heto na po update.

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Madali Steph! Tumakas ka na dahil parating na sila!" 

"Pero Maganda paaano kayo nila nanay?" natataranta kong sambit habang hindi mapakaling nakatingin sa kanila. 

"Hayaan mo na kami" 

"Hindi ko yun magagawa!" 

"Kamatayan ang haharapin mo kapag nahuli ka nila! Nais nilang malaman ang mangyayari sa hinaharap ngayon na alam na ng lahat na hindi ka galing dito" ani Maganda 

"Sumama na kayo sa akin dahil mahihirapan kayo sa pagtulo-" 

"Bilisan mo na ang pagiimpake" 

"P-pero.." 

"Don't make me angry Steph. Hindi kami nagpapakamatay para mahuli ka nila at torturin. Mahal ka namin kaya ginagawa namin ito, kaya please lang tulungan mo kaming tulungan ka" 

Napaiyak na ako. Hindi ko alam na magiging ganito kagulo ang maganda at bongga ko na sanang buhay. Kung hindi ko na lang kasi inalam na isa pala akong future person na napadpad lang sa lugar nila by mistake ay hindi sana ito mangyayari. 

"Dito na lang ako. Kahit mamatay ako basta kasama ko kayo" ani ko na niyakap sila nanay at tatay Irayu. 

Napamahal na ako sa kanila. Apat na taon na rin akong nasa lugar na ito kaya halos hindi na sila iba sa akin. 

"May pamilya ka di ba? May naghihintay sayo duon kaya hindi mo kailangang mamatay dito" sambit ni Maganda 

Hinawakan niya ang aking pisngi. Hinaplos ito habang umiiyak. Napaiyak na rin ako ng yumakap mula sa aking likuran sila nanay. 

"Bakit ba kasi nangyari toh?" sumasamo kong tanong na sinagot lang nila ng luha. 

"BILISAN NIYO! NANDIYAN NA ANG MGA MANDIRIGMA NG PINUNO!" sigaw ni Arayuon-man sa pintuan. 

Tinanggal ko ang aking high heels at binitbit na lamang ito. Agad ang pagtakbo namin sa likuran ng bahay papunta sa mga naglalakihang gabi. 

Kumakabog ang aking dibdib. Naghahabol ako ng hininga habang mabilis na tumatakbo ngunit rinig ko parin ang tunog ng mga espada at itak na bakal na nagkikiskisan sa isa't isa. Kinakalaban ang mga ito ni Arayuon-man. 

"Bilis Steph!" 

Napaaray ako ng may matulis na bagay na tumama sa aking paa. Marami rami na rin ang mga sugat ko sa kamay at katawan sa iilang beses nitong pagtama sa nakausling mga sanga ng puno. 

"AHHHHH!" sigaw ko ng madapa ako sa malaking bato. Napaaray ako ng todo dahil tila nabalian pa yata ako ng paa. 

"Ako na ang magdadala ng maleta mo anak" ani nanay na agad kinuha ang gamit ko 

"Salamat po" 

"Bilisan mo Steph. Malapit na sila" 

"Tae ka naman Maganda. Nabalian nga ako di ba? Gets? Bali?" naiirita kong tapon sa kaniya ng aking heels. 

"Sorry" paumanhin nito 

Nagpatulong na lang akong bumangon sa kaniya. Natatakot din naman ako sa mangyayari katulad ng kung paano siya natatakot na mahuli ako. 

"Tigil!" 

Napatili ako ng biglang tumama sa aking kimono ang isang palaso. Gumawa ito ng malaking butas na ikinatumba ko sa lupa. 

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon