Chapter 16 pt. 2 ♡

77.6K 1.3K 113
                                    

Kathryn's POV:

Anong ginagawa NIYA dito? Bakit nandito sa room si Daniel? What? Agad akong nag-iwas ng tingin at kumuha ng libro. Kunwari ay hindi ko siya napansin at kunwari nagbabasa ako ng libro sabay lagay ng earphones sa tenga ko... pero wala akong pinlay na music.

Naging awkward ang paligid dahil nanahimik kaming lahat. Kung kanina ay maingay kami pero ngayon.. hindi na

Bago ko tuluyang itago ang mukha ko sa libro ay napansin ko na nagtinginan naman sina Julia at Sofia, parehas sila na may sasabihin sana pero natitigilan.

"Nandito ba si Kathryn?" tanong nito at siguro ay pinasadahan ng tingin ang buong kwarto.

Malamang nakita na niya ako.. at siguro ay nakatingin na siya sakin! Malay ko ba nakaharang yung librong hawak ko. Nanginginig pa nga yung kamay ko eh

Shocks! Sana pala lumabas nalang ako. Napatingin yung mga kaklase ko sa akin. Bigla kong ibinaba yung libro na hawak ko at tinaggal yung earphones sa tenga ko at tinignan si Daniel.

"Bakit Daniel?" matamlay na sabi ko, ni hindi ako makatingin sakaniya.. feel ko iiyak ako eh!

Lumapit ito sa kinauupuan ko at may nilagay sa desk ko.

"Pinabibigay ni Ms. Ramirez. Gawan mo daw ako ng.. ng ano.. Evaluation?" magkasalubong ang dalawang kilay nito, ang mga mata niya ay nakatingin sa malayo.

Kung naguguluhan ka mas naguguluhan ako!!

Kinuha ko naman yun. "Sige na. Makakaalis ka na. Ako ng bahala dito. Wag kang mag-alala"

Tinuon ko ulit ang pansin ko sa librong hawak ko pero kinuha lang yun ni Daniel, gusto ko sanang magprotesta pero natahimik ako nang makita ko kung gano kaseryoso ang mukha nya.

"Iniiwasan mo ba ako Kath?" biglang inilapit ni Daniel ang mukha niya sa akin, sa sobrang lapit ay nararamdaman ko na ang init at bango ng hininga nito.

Kath Focus!

"Hindi. Bakit mo naman naitanong?" diretchong sabi ko at lumayo ako sakaniya, konti nalang kasi baka ano.. baka alam mo na.

"Kasi... Ah wala. Nevermind" at umalis na ito. Nakatingin pa din ang mga kaklase ko sa akin. Yung iba nagbulungan ng sobrang lakas halos hindi mo na maiconsider na bulong. Nakumpulan pa ang iba at masama ang tingin sa akin.

"Anong relasyon nila?"

"Bakit super close sila?"

"Ayan nanaman yung nerd na iyan."

HAY! Nakakinis talaga! Ito na siguro ang parusa sakin sa pagiging close kay Daniel eh! Baka mabully nanaman ako dahil sa ginawa ni Daniel, di man niya inisip na may nakatingin samin bago niya nilapit yung mukha niya sakin.

Nagpatuloy ang bulungan pero saglit lang ito dahil pumasok na yung teacher namin.

"Okay class... bring out your book nd turn it to page.." sabi nung prof namin sa Accounting.

Tinapik ako ni Albie at nginitian ko siya.

"Sis ayos ka lang?" bulong ni Sofia. Tumango nalang ako kahit hindi.

Habang nagtuturo ang prof namin ay napapikit ako dahil nararamdaman ko pa yung init ng hininga ni Daniel.

Ano ba ang nangyayare sakin?

Bumuntong-hininga ako.

Anong gagawin ko bukas?

Pupunta pa kaya ako?

******

Daniel's POV:]

May feeling talaga ako na iniiwasan niya ako eh. Hindi ko lang alam kung bakit... parang kailan lang ay okay naman kami, nagtatawanan pa nga.

Tapos biglang ganito?

"Daniel!" paglingon ko nandun si Julia Montes. May inabot siyang invitation sa akin. Kulay blue ito at may ribbon.

Ah ito na siguro yung party na sinasabi ni Enrique...

"Punta ka ahhh..." at umalis na ito, hindi man lang hinintay ang sagot ko. Sila ni Enrique ang nag-organize. Ano kaya ang meron? Bakit biglaan?

Party? Bukas? Pupunta pa kaya ako? Hmmmmm...

"Daniel what's that?" nakasalubong ko naman ang girlfriend ko. Si Julia Baretto. Si Ms. Loner. Humalik ito sa pisngi ko at nginitian ko naman ito.

Iniabot ko sakaniya ang invitation.

"Pupunta ba tayo?" tanong ko, parehas kasi kaming invited..

She smirked, parang may masamang binabalak!

"Of course!" tapos hinalikan niya ulit ako sa pisngi pagkatapos ay umalis na ito upang puntahan ang mga kaibigan niya.

Ewan ko ba bakit walang 'spark'.

Eh nung magkatext pa kami halos mamatay ako sa kilig. Anak ng meant to be oo!

Naconfirm ko naman na siya si Ms. Loner. Tinext ko siya tapos ayun. Pero bakit nung tinanong ko siya kung kelan niya ako nakatext bigla nalang siyang umiiwas sa topic? Tapos hindi niya akong magawang tawaging Blue Bear

May hindi tama dito.

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now