Chapter 35 ♡

64.7K 1.3K 72
                                    

Julia Montes' POV:

Lumipas ng mabilis ang araw at abang tumatagal ay napapansin ko na talagang may sumasabutahe ng plano namin ni Quen para kina Daniel at Kath.

Gaya nung camping! Dapat ay ikukwento samin ni Kath yung tungkol kay Blue Bear at maririnig ni Daniel yun pero nung kinwento na niya ay walang Daniel na sumipot.

Inutusan daw kasi si Albie na kumuha ng kahoy at sinama niya si Daniel kaya hindi nakarating agad si Daniel!

"Quen!!! Pano na yung lovestory ni Blue Bear at Ms. Loner? Ang lapit na kaya nila sa isa't isa! Anong plano?" pagmamaktol ko sakaniya. Gusto ko na kasi ng happy ending sa kwento nina Daniel at Kathryn pero bakit ang dami talagang pumipigil?

Una nasira yung plano namin... pero kahit ganun man, nainlove din naman sila sa isa't isa! Oh di ba dapat talaga naniniwala tayo sa Magic..

"Sino ba naman kasi yung nagdelete nung video!!" malungkot na sabi ni Enrique. "Mas madali natin silang mapapaniwala gamit yun! At sino yung nanggulo nung camping?"

Napaisip kami. Wala ng pag-asa yung video eh!

"Pano kaya kung kahit wala yung video... gawa tayo paraan para malaman nila na sila yung magtextmates dati? Alam mo na..." kabadong tinignan ko si Enrique.

Nagkatinginan kami ng matagal hanggang sa parang sabay kami na nagkalightbulb sa ulo namin!

"Ang play!" napa-apir kami at naghug!

Wala na talagang makakapigil samin.. Malaman ko lang talaga kung sino yung sumasabotahe ay pagbabalatin ko siya ng tatlong truck ng patatas!

Oplan: Ms. Loner and Blue Bear; REUNITE!

*****

"As you can see class malapit na ang finals niyo pero wala pa akong nabibigay na project sainyo eh kailangan yun sa pagcompute ng final grade niyo" malungkot na sabi ni Mam Sarah G. "Di naman pwedeng 75 kayo dun di ba. So ngayong araw di muna ako magdidiscus, PERO! Wag magdiwang.. magmemeeting tayo about sa project okay?"

"YES MAM!"

"I wonder what yung project natin sana easy lang yun noh" sabi ni Julia B. Conyo conyo naman!

Easy mo mukha mo!! -__-. Bwisit isa 'to sa kontrabida sa lovelife ni Kathryn at Daniel eh. Nakawin ba naman yung sim ni Kath! UGH.. Desperada... Hay kalma Julia.. Kalma.

Magkapangalan lang kayo niyan pero mas maganda ka..

Kalma

"Sa mahirap para may thrill!!!" sabi naman ni Albie. Minsan.. nagdududa na ako sa lalaking 'to. Pano niya alam si Blue Bear? Nung minsan kasi nakwento ni Kath sakin na sabi ni Albie na sya DAW si Blue Bear... Hmmm.. Something smells fishy here..

"Okay class eto ang sinuggest ng class officers natin" may sinulat sa board si Mam Sarah G. "Magbobotohan tayo.. dapat boboto lahat okay? Since 59 tayo dito sa klase.. siguro naman may mananalo kahit isa lang dyan"

Cooking-

Story-

Play-

OMG! Play na yan! Play na yan! Napatingin ako kay Enrique na bumulong ng "Play". Oo dapat mapush yan dahil may plano kami! Oo!!!

Tinignan ko si Sophia dahil gusto talaga niyang magluto..

"Soph!!!" tawag ko dito. "Please play nalang" nagpuppy eyes ako sakaniya.

"Bakit? Di ba cooking tayo?" nagtataka ito. Usually kasi ako yung umaayaw sa play dahil hassle sa oras

"Para maiba naman. Please?" mukha na akong despe. Buti nalang at tumango siya!

Yes.

"Pakisabi na din sa iba?"

Nakikita ko na kinakausap ni Enrique sina Daniel at Khalil. Yes please..

"Kath!" syempre katabi ko si BFF na lutang. Ano kayang iniisip nito? Nagbublush pa ang loka!!!!

"Ah.. ano?" halatang lutang si Kath.

"Play tayo neh?" I winked at her.

"Ah. Sige." tapos tumingin sya sa may blackboard. Tinanong sya nina Sam at Albie kung ano gusto niya nung sinabi niyang "Play" tumango ang dalawang manliligaw niya

*BANG!*

May nalaglag na upuan.. yung sa tabi ni Daniel.. Ha?

*****

Daniel's POV:

"Kainis pare! Kita mo ba kung pano nila kausapin si Kath!!!" sabi ko kay Lester. Siya lang nandito eh wala akong magagawa.

"Oo naman! AHAHAHAHAH cute mo magselos pare. Sarap mong itapon" sabi nito. Kanina ko pa kasi siya kinukulit eh.

"Normal lang naman magselos ah!" sabi ko. Totoo! Solid na selos yung naramdaman ko. Walang halong biro.

"Oo nga normal magselos pero di normal na magtantrums sa school! Katanda mo na DJ loko! Para kang baby. Kung sanang sinapak mo nalang sina Albie at Sam edi tapos" natatawang sabi nito.

"Eh sa.... sige sa susunod may sapak na talaga yung dalawang yun!" sabi ko pa.

"Yan! That's my boy!" sabi naman ng lokong si Lester.

"Kagroup ka ba namin sa play? Kasi ako kagroup ko si Kath!" sobrang saya at kaba ko kaninang count off. One. Two. Three kasi eh konti lang yung chance na makagroup ko sya.. pero naniwala ako sa Magic eh.

"Nyenye. Iuwi mo na nga si Kath. Sige dyan ka na pare. Iba ka na. Malala ka na! Lakas ng tama mo! WOOOH SOLID!" iniwan nga ako ng mokong..

Hays. Ano ba 'to? Basta hindi masamang magmahal, yun yun!

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now