Chapter 46 ♡

26.5K 582 58
                                    

Sorry late update mga babies huhu!! Nag-aadventure kasi ang palibot niyong manunulat! Hahaha. Baka last 4 chapter nalang after nito tapos EPILOGUE part 2. Orayt! Rock n roll to the world.

******

Kathryn's POV:

Bago kumain ay pumunta muna ako sa lobby at nagtanong sa guard na nandun. Dinescribe ko pa sa guard yung suot ni Bea pero sabi nya ay kanina pa ito nakaalis kasama ang isa pang babae, si Julia Barretto kaya ang kasama nito? Hindi ko naman maiwan yung party na 'to kahit na malaman ko kung san sila pumunta.

Bigla akong kinutuban sa mga regalo. Napakahirap hagilapin ng isang bomba dun lalo na at halos box ang pinaglagyan ng mga regalo! Ang dami namang imbitado dito sa reception at paniguradong madami ding nagregalo kina Khalil at Sofia!

Isa lang ang naiisip kong gawin ngayon... gusto kong ipacheck sa security yung kuha nila sa CCTV kaya naman sinama na ako nung guard sa main office nila, tinext ko na din si Daniel na medyo mahuhuli ako dahil may kakausapin pa ako.

"Ma'am ano po ang maipaglilinggod ko?" sabi ng may katabaan na guard sakin. Nakita ko sa likod niya yung mga screen kung saan nakakonekta yung mga CCTV.

"Ah.. magtatanong lang po ako kung pwede kong makuha o makita yung mga nasa CCTV nung mga past.." tumingin ko sa orasan niya. ".. 30 minutes po"

Tumayo ito at may kung anong pinindot sa keyboard na malaki.

"Para san po Ma'am?" tanong nito habang nakatingin pa din sa screen.

Sasabihin ko ba na may bomb threat sa kasal?

"Ahhh... yung.." isip Kath, kaya mo yan "yung.. yung ano po yung pamangkin ko po kasi ano po n-nawawala hehe" sabi ko dito.

Nagkibit-balikat ito at pinakita sakin yung mga kuha sa CCTV. Nanlaki yung mata ko nang makita na may kahon na kulay red na nilagay si Bea Binene sa table tapos ay umalis na ito, nagkita sila ni Julia sa may restroom at may kung ano pa silang pinagusapan bago sila lumabas.... pero bago sila makasakay sa taxi ay.. tumingin si Julia sa may CCTV at ngumisi pa! May hawak itong isang sticky note ulit at nilagay niya ito sa likod ng halaman.

Maikli na ang buhok nito at nakita ko yung medyo maliit na tattoo nito sa balikat. Pinazoom in ko naman ito at napasinghap! "DJFP" tapos ay may infinity symbol! Initials kasi ito ni Daniel! Sobrang obsessed na niya kay Daniel... tingin ko ay seryoso sya sa bomb threat.

Handa siyang pumatay ng madaming tao makuha lang ang gusto niya!

"Eh Ma'am sino po ba 'to?" turo ni manong guard kay Julia. As much as possible ay ayaw kong mandamay ng mga inosenteng tao dito.

"Manong... pakisave po ang kuha niyo na ito, pakisend po sa email ko. Babayaran po kita, salamat po may kailangan lang po akong gawin" iniwanan ko siya ng calling card ko kung san nandun ang email at phone number ko.

Tumango naman ako at lumabas na para puntahan yung halaman kung saan iniwan ni Julia yung isa pang note. Mukhang alam niya ang mga bawat kilos ko at tumingin pa talaga ito sa CCTV! Nung malapit na ako sa halaman ay may humawak sa palapulsuhan ko.

"Ano bang ginagawa ng Misis ko at wala ka pa dun? Malapit ka ng magspeech" niyakap niya ako. Pumikit ako ng mariin bago ako kumalas sa yakap niya.

"M-mauna ka na dun Mister! Susunod din ako, wiwi lang ako" palusot ko ulit. Natatanaw ko na yung note eh!

"Samahan na kita Misis" pilyong ngumiti ito at pinalo ko siya sa braso bago tinulak papunta sa entrance ng reception.

"Mauna ka na" paglalambing ko dito. Humalik naman ito sa pisngi ko bago ako bumalik sa halaman. Pagkakuha ko dito ay nagulat ako sa nakasulat! Nanlamig ako at halos mayanig ang mundo ko.

"How's your baby, Kath? Enjoy him/her inside your womb. I'll take it soon. I'll take everything you love.. one.. by.. one.-J.B"

Napahawak ako sa pader sa mga nabasa.. hindi ko akalaing aabot pa sa ganito. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa venue. Agad kong pinuntahan yung red na box na nilagay ni Bea Binene... binuksan ko ito.

I was fooled!

Hindi ito bomba pero puro litrato ko ito na may dugo.. agad akong pumasok sa c.r at naghugas ng kamay. Nagretouch din ako. Pinangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng gabi na 'to ay aamin na ako sakanila... lalo na kay Daniel. Aaminin ko na sakaniya na buntis ako, iniintindi ko pa din naman na magugulat siya pero karapatan niyang malaman yung baby namin.

"Kath? Misis kong maganda, pagkatapos ni Julia, ikaw na daw" kumatok na si Daniel. Agad kong tinapon yung mga litrato at umakto na ayos lang ang lahat.

Pagkalabas ko ay nakasandal siya sa may pader. Inayos ko pa yung necktie niya medyo nagulo kasi at lumuwang.

"Eto na ako" nginitian ko ito at sabay na bumalik sa venue.

Nag-iiyakan na ang bagong kasal, kakatapos lang kasi magsalita ng parents at malalapit na kamag-anak nila. Nung kami na ni Julia ay hindi na naiwasan ni Sofia na hindi bumaba sa stage at yakapin kami. Pano ba naman ay kinwento namin sa lahat kung pano sila nagkakilala.

It was love at first music video! Kung Ako Ba Siya pa talaga ang naging background music habang nagsasalita kami. Nakita ko naman si Khalil na bahagyang nagulat sa mga narinig.

"Hindi niya alam yun." sabi ni Sofia sabay tawa.

Buti nalang at waterproof ang make-up nito kung hindi sabog na siguro ang mukha niya ngayon dahil sobrang kalat ang make-up niya

Nagpatuloy ang party, ginawa nina Khalil at Sofia ang mga tradisyon pag may kasal. Yung sabay na paghati sa cake, paginom ng wine na sabay, pagpapalipad ng mga puting ibon at yung paghahagis ng bouquet of flowers at garter sa mga single na lalaki at babae.

Kahit gano kasaya ang nakikita ko ay bumabalik sa utak ko yung note ni Julia Barretto sakin.

"How's your baby, Kath? Enjoy him/her inside your womb. I'll take it soon. I'll take everything you love.. one.. by.. one.-J.B"

Alam niya ang tungkol sa baby namin ni Daniel... ang pinagtataka ko lang ay kung pano niya nalaman? Sino ang nagmamasid sakin? Samin? Tinutulungan ba siya ng mga magulang niya dito? Alam ba ng mga magulang niya na hindi natanggal sa mental hospital yung obsession niya kay Daniel?

Sobrang daming tanong... nakanino ang sagot?

"Kath sure ka okay ka lang?" nag-aalala na si Daniel sakin, hinubad niya pa yung coat niya para isuot sakin.

Pinatong ko nalang yung ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam kung okay lang ako lalo na't buhay ng anak namin ang gustong kunin ni Julia B... pero kailangan ko siyang i-assure na ayos lang ako. Huling beses ko ng pagpapalusot o sinungaling sakaniya 'to. Hindi healthy sa isang relasyon ang may tinatago sa isa't isa.

"Oo naman noh! Ako pa" ngumiti ako pagkatapos ay dinama ko ulit yung tiyan ko. Mag-fofour months palang yung anak namin.. kailangan ko siyang dalhin hanggang 9 months. Kailangan niyang makita ang mundo.

"Kapit ka lang baby ah! Kayang kaya natin 'to. Don't give up on mommy."  sabi ko dito at pumikit muna, bigla kasi akong nahilo sa disco lights.

*****

Twitter: @dhanedelionWP

Textmate [Kathniel]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora