Chapter 3 ♡

146K 2.1K 170
                                    

Kathryn’s POV

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Teka, hindi ko kwarto ito ahh… Medyo bumangon ako at iniscan ang lugar. Hayy, thank goodness nasa clinic lang pala ako. Puro puti eh tsaka yung amoy gamot tsaka mga injection? Hala napano ako?!

Pero teka, sino itong lalaking natutulog na ito? O_O. At bakit sa bed ko pa?

TEKA!!!! Ano ba ang mga nanyare? Ilang oras na akong natutulog?

Sino siya? Napano ako? Hala. Madaming katanungan ang pumasok sa isip ko..

Kinuha ko ang I.D. nitong lalaking natutulog… Hmmm… Ang gwapo naman nito parang anime na lumabas sa screen ng computer ko. Ay teka ipaalala niyo na panuorin ko ulit yung Special A ah? Miss ko na kasi si Takashima Kei? Mga ganun!

Ang pangalan niya ay.. DANIEL JOHN FORD PADILLA

Wow. Wehhhh. Teka teka teka!!!! Daniel Padilla as in yung Mr. Popular ng school namin? Yung habulin ng mga babae? Yung kasama nina Khalil at Enriique? Yung magaling kumanta? Wehh… Nananaginip ba ako? Pangmayaman yung name niya dahil mayaman naman 'to. Nasakaniya na nga ang lahat eh?

“Hmmmmm..” sabi ni Daniel. Mukhang thiking out loud nanaman ako.. Dahan dahan kong binalik yung I. D. niya. Hay buti hindi nagising! Yari ako nito pag gumising 'to? Bakit ako yari? Ewan ko?

Slowly but surely… Umalis ako sa bed… Sinigurado kong hindi mararamdaman ni Daniel ang pag-alis ko… Pero nagsalita ito *face palms*

“Gising ka na pala!” sabi nito tapos ay iniangat ang ulo niya. Tapos ay tumingin sa akin..

So akala ko tulog siya pero gising na pala so para akong tanga na trying to escape sakiniya? Hay!! Kath ilan pa ba ang kamalian na magagawa mo?

“Ah… Ehh.. Oo, naiihi lang ako.” Palusot ko. Well, tatakasan ko naman talaga ito. That WAS the plan. Pero nagising ee! Kainis bakit nagising pa? tsaka guess what kausap ko siya pakikurot naman. Parang close pa nga kami?

“Uhm.. Okay ka na ba?” tanong ni Daniel sa akin… Medyo hinawakan niya pa yung noo ko kaya feel ko yung pagblush ko. Ang lapit lapit niya sakin?

“Oo.” Sagot ko. Wow. Hindi ako nauutal! Syempre naman! Iniisip ko lang na hindi siya totoo at nananaginip lang ako.

HA! SINONG NILOKO KO?!

“Mabuti naman.” Sabi naman ni Daniel. Ewan ko pero parang kinilig ako saglit sa pag-aalala niya. Ganito pala ang feeling! Wala lang. Masaya lang. Tsaka, masarap sa pakiramdam parang may warmth akong naramdaman at halos maiyak ako, joke lang dun sa iyak

Medyo natulala ako dun ahh.. Sorry, overwhelmed lang. Magmoment muna ako.

“Ako nga pala si Daniel” iniabot niya ang kamay niya. “Daniel Padilla” sabi nito.

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now