Chapter 17♡

78K 1.3K 33
                                    

Khalil's POV:

(Aba! May POV na din pala ako? Thank you Ate Dhane)

Kasalukuyan kaming nasa party nina Julia Montes at Enrique. Selected lang yung invited dahil parang private event din ito ng JulQuen. Maganda at makulay ang theme, as expected from Julia and Enrique.

Nasa iisang table kami nina Julia B. at Daniel. Julia M. at Enrique. Kath at Albie. Ako at si Sofia. Ang awkward nga ehh... Lalo na yung seating arrangement. Ramdam ko ang tensyon sa mga katabi ko.

Magkaharap sina Enrique at Julia M.. sa tabi nila ay sina Daniel at Kathryn tapos ay Si Julia B. at Albie at sa dulo ng lamesa ay kami ni Sofia naman

Pulang pula na yung nasa harap ko. Bakit kaya. Anyway!!! Imagination ko nanaman.. Sofia Andres yung pangalan niya, pinakilala sakin ni Enrique ito, fan ko daw.

"Kath.. gutom ka na ba? Gusto mo ba ng pagkain?" tanong ni Albie kay Kath. Tumango si Kath at tumayo si Albie. Nabasak ang katahimikan at tahimik na bumuga ng hangin si Daniel.

"Alis muna ako ah. Pagkukuha ko muna ng pagkain si Kath." nagpaalam na si Albie. Sinundan naman namin ito ng tingin hanggang sa nakalayo ito.

Para kaming robot eh!

"Ahem..." napatingin ako kay Sofia na bigla namang napatingin sakin!

Magpapakagentleman muna ako sa gabing ito.

"Sofia. Pangkuha na din kita?" tanong ko.

"H-ha?! W-wag n-na. A-ko nalang" nauutal na sagot nito.

Ouch yung ego ko nasaktan.

"Ako na." tumayo ako at umalis na. Sinundan naman niya ako. Naiwan sina Kath, Daniel, Dalawang Julia at si Enrique.

Tahimik kong pinagdasal na sana walang mangyareng masama ngayon.

******

Julia Montes' POV:

Sinenyasan ako ni Enrique. Our plan will start na niyan.

Sana magwork. Sana magwork. Sana magwork. paulit ulit na sabi ko. Medyo delikado kasi yung plano namin eh, knowing Julia B. hindi siya agad naiisihan.

"Uhm.. . Julia B. pwede mo ba akong samahan sa closet ko? May ipapakita lang ako sa'yo." pag-aaya ko. Mahilig kasi sa damit itong si kaname ko. Ganun yata pag Julia ang pangalan? Hahaha joke lang!

Nakita ko na kumislap mga mata niya. "Sige sige!" sagot nito. Sabi ko sainyo eh! Mahirap siyang isahan pero kung tungkol sa damit ay game ito. No. 1 fashionista ito sa school namin eh.

Akmang aalis na sana kami nung biglang bumalik si Albie. Sumenyas na din ako kay Enrique na libangin niya muna si Albie para makapag-usap sina Daniel at Kath.

Sina Sofia at Khalil naman nakipaghalubilo sa ibang guests. Ang bilis maging close ng dalawang iyon ah.

"Albie! Ipapakita ko sa'yo yung basketball set ko na nandito sa house ni Julia" sabi ni Enrique. Gaya ng inaasahan, pumayag si Albie dahil sa sobrang dedicated niya sa basketball.

"Kath, sama muna ako kay Enrique" pagpapaalam ni Albie.

"Sige dito lang ako" sagot naman ni Kath.

Umalis na kami.

Naiwan sina Daniel at Kath sa lamesa.

Tahimik akong nagdasal na sana maayos naming magawa ang plano at sana magkaayos na sina Kath at Daniel

Sana magwork ito. Para maging maayos na ang lovestory nina Kath at Daniel

******

Kathryn's POV:

Anong nangyayare dito? Why did I ever end up alone with Daniel? Ang awkward awkward tuloy. Parang may gusto kaming sabihin sa isa't isa na wala? Gets? Hay. Pati ako naguguluhan na din.

Nasa harap ko pa siya kaya hirap akong iiwas ang tingin ko sakaniya kaya napilitan akong yumuko nalang at laruin ang bracelet na suot ko.

"Kath"

"Daniel"

Sabay na sabi namin. Ugh. Awkward talaga. Magwalk-out nalang kaya ako?

"Mauna ka na." –Daniel

"Hindi sige mauna ka na." –Ako

Nagkakahiyaan pa kami. Nilabas niya yung phone niya.

"Pwede bang makuha ang number mo?" tanong nito at nilabas niya yung phone niya, ready na siyang magtype.

"Wala kasi akong... Sim... Nawawala." pag-amin ko tapos tumingin na ako sa kawalan. Totoo naman eh! Wala.. di ba nga kinuha ni Julia B? Di ko pa nga siya makausap tungkol dun kasi tatarayan niya lang ako

Asan na ba 'yung iba? Bakit kami lang nandito? Bakit ang tagal nila?

Walanjooooo. Baka may pinaplano talaga si Julia Sis, nararamdaman ko talaga. Alam kasi niya na medyo alam yung 'something" ko para kay Daniel tapos eto siguro plano niya talaga ang maiwan kaming dalawa!

Lagot ka sakin Julia..

"Ah ganun ba... Sige." binalik niya yung phone niya sa bulsa niya at tumitig sakin.

Katahimikan nanaman.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa bumabalik yung mga kasama namin. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Daniel... Kuha... lang ako ng pagkain." pabulong na sabi ko. Bakit pa ako nagpapaalam dito?

"Ako na." sabi naman niya.

Ang mokong nakangiti ng malapad, akala mo okay na tayo noh? Che!

"AKO na." sabi ko, diniinan ko yung AKO para malinaw sakaniya. Tumayo na ako at umalis.

Tapos paglingon ko nakasunod siya. 

Seriously?!

Textmate [Kathniel]Where stories live. Discover now